Chapter 4

19 5 24
                                        

I was out of it the next day, I couldn't even focus in class.

And now a customer is yelling at me.

"Kita mo 'to? Ang unhygienic!"

Marahan akong napapikit ng marinig ang malakas niyang boses. Hindi ako sanay masigawan kahit ilang beses na itong nangyayari sa akin.

Napayakap ako sa tray na hawak bago bumaba ang tingin at planong tanggapin lahat ng salitang lalabas sa bibig ng lalaki.

My body was on high alert, preparing myself for the worse.

"Sorry po."

"Sorry??!!! Magbabayad ako ng maayos! Tapos ganito?!"

I felt my hands started shaking while hugging the tray near my chest.

"Mataas ang ratings nito kaya dito ako pumunta pero ang baboy niyo gumawa!" Pagrereklamo niya.

"What's happening here?" Tita Riley came with a frown on her face.

"Eto! Kita mo 'to???" Pinakita ng matandang customer ang hibla ng buhok kay Tita na kinuha niya sa order niyang cake. "Gusto niyo bang mag-patay malisya ako at kainin ang madumi niyong produkto?!!"

"Sorry, Tita." I couldn't look at her, my head hung low.

But in the calmest way as possible, she said, "Wala po kaming staff na may puting buhok."

Umangat ang tingin ko dahil doon. The old man was taken aback by her response, it shows in his face that he was embarrassed but he didn't stop there.

"Aba! Pinagbibintangan niyo ba ako?!!" Sinubukan niya ulit magmukhang matapang.

"Mismong sa bibig niyo na po nanggaling."

"Customer niyo ako!"

"Yes, and a disrespectful one."

I wish I could handle things like her.

"Mahiya naman kayo! Kayo na nga ang nasa mali kayo pa ang mayabang! Hindi ako magbabayad kung ganito lang rin!"

"Then don't. We don't need your money, if you're doing this to get free food then take it. 'Wag niyo na pong bayaran. Sinisira niyo ang experience ng ibang customer."

Namula sa hiya ang matanda bago tumayo ng may galit habang nakatingin sa amin. He stomp his way out after shamelessly taking the food and the ice latte drink he didn't even pay yet.

"What a shameless old man, gusto lang makakain ng libre."

"Sorry po," paghingi ko ng tawad.

"I know you can't handle those kind of people, ikaw pa talaga ang napagdiskitahan. And why are you so out of focus, Ridge?"

Hindi ako agad nakasagot. "May iniisip lang po."

Napabuntunghininga na lang siya. "Lagi kong sinasabi sa inyo na—'wag dalhin ang personal na damdamin sa trabaho." Pagpapatuloy ko bago pa man niya masabi iyon.

"Sorry po ulit, ibawas niyo na lang po sa sweldo ko 'yung inorder ng lalaki." Agad umarko ang kilay niya sa narinig at pinisil ang pisngi ko kaya medyo umangat ang mukha ko pasunod.

"'Wag mong akuin ang kasalanang hindi mo kargo." Binitawan niya na ang pisngi ko pagkatapos niyang sabihin iyon. "Don't hung your head too low for those kind of people, they don't deserve it."

Ang kabang naramdaman ko kanina ay nawala ng dahil sa kaniya.

"Sige na, continue your work."

Tumango ako at umalis na sa harap niya.

Where Bravery Needs CourageStories to obsess over. Discover now