"Beryl.. Nandito na si ate." Nilapag ko ang isang pirasong bulaklak na daisy sa kinalalagyan ng kapatid ko.
Kahit ilang taon na ang lumipas, tila hindi pa rin kayang pahilumin ng panahon ang sakit ng kahapon.
Mahirap.
Sobrang hirap mawalan ng isang tao na bumubuo sa kalahati ng pagkatao mo. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga matatamis na sandali'y napalitan na lang bigla ng pighati.
I gave a sad smile. Maybe, if I didn't said yes, sana ay narito ka pa.
"Hindi ko alam kung ilang taon pa ba ang kailangang magdaan, para mapatawad ko ang sarili ko. Hindi ko lubos maisip, Beryl, ang hirap na mga pinagdaanan mo.. habang ako, walang ka-alam-alam sa mga nangyayari sayo."
Kasabay ng pagbagsak ng mga luha kong kanina pa pinipigilan ang malamig na mga tubig na dumadampi sa mga balat ko.
Umuulan.
Nariyan ang kalangitan upang damayan ako.
"Hindi ko akalain na makakayanan ko ang mga panahon noong nawala ka, Beryl. Ang sakit.. ang sakit maiwan, bunso. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ko na naririnig ang mga masasaya mong tawa paggising ko sa umaga. Parang kahapon lang, kasama kita."
Lalong bumuhos ang malakas na ulan habang nakaluhod ako sa puntod niya. Nahihilam na ang mga mata ko dahil sa biglaang pag-ulan pero hindi ko na iyon nagawang indahin. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit ng kahapon.
Pinunasan ko ang walang hintong pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Basang-basa na ang katawan ko, putik-putik na rin ang pantalon na suot ko at maging ang puting sapatos ko.
"P-patawarin mo sana si ate.. Pangako.. susunod sayo si ate.. hintayin mo ako. Magkakasama na rin tayo. Wala na akong dahilan upang mabuhay sa mundong ito."
Sa mundong...
ka'y lupit..
At
hindi alam ang mga salitang...
pahinga...
paghinto...
pagsuko...
at pagmamahal sa sarili.
Tiningala ko ang aking ulo paharap sa madilim na kalangitan. Hindi ako dumidilat, nanatili lang akong nakapikit habang naghahalo ang patak ng ulan at luha sa aking pisngi. Iniisip na pati ang kalangitan ay nalulungkot sa pagkawala ng nag-iisa kong mahal sa buhay.
Walang ideya kung anong oras na.. ang tanging nasa isip lamang ay ang mga sandaling kasama ang kapatid na hindi nakikita, ngunit nararamdaman ang presensya.
Ilang sandali ang nakalipas nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Nawala bigla ang patak ng ulan sa aking mukha maging sa katawan.
Dahan-dahang kong minulat ang mga mata. Isang payong na kulay itim ang aking naanigan habang hawak ito ng isang lalaki. Nakatayo ito at nakatingin sa akin.
Dahil sa mahabang oras na pag-iyak ay hindi ko magawang maanigan ng maayos ang mukha nito, hindi ko alam kung sino ang lalaking ito na nakatayo sa aking likuran habang hawak ang payong sa aking ulunan.
Bahagya itong yumuko at inabot sa kamay ko ang tangkay ng payong. Bigla itong umalis at tumakbo. Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa pinagsamang ulan at luha, alam kong hindi ko ito kilala. Bumalik ang tingin ko sa puntod ng kapatid ko at muling kinausap.
"Pinadala mo ba ang lalaking iyon para kay ate?" ngumiti ako habang nagbabadya na naman ang pagbagsak ng mga luha. Umayos ako ng upo at niyakap ang dalawang tuhod ko.
Muli kong sinilayan ang lugar kung saan tumakbo ang lalaking nagbigay sa akin ng payong at nagwika.
"Salamat.."
BẠN ĐANG ĐỌC
In Between Beats
Lãng mạnThe music stopped, but the echo stayed. Jaeson "Jay" Morales stood in the middle of the practice room, breathing hard, sweat running down his neck as the mirrors reflected a version of him he was still trying to become. Another eight-count. Another...
