13th Prayer

6.7K 280 115
                                        

Prayer 13

Marami ang nangyari noong nakaraang linggo. Mabuti na lang at hindi nagtanong si Mama nang kung anu-ano. Ngayong Linggo, naghahanda na ako para sa Communion Rites sa simbahan. Nakasuot ako ng puting blouse at puting palda. Kasama ko naman sina Mama na sobrang saya para sa akin.

Ito na ata ang pinaka-fulfilling na nagawa ko sa kanila.

"Eiffel, ang laki ng pinagbago mo, salamat ha," bulong ni Mama sa akin hanggang sa halikan niya ako sa pisngi. Halos maluha siya na hindi ko alam kung bakit. Ano bang iniisip ni Mama noon? Na nag-bbreed siya ng demonyo na si Eiffel? Grabe lang.

Naglakad na kami papuntang simbahan. Isa-isa na ring naglalakad kasabay ko 'yung mga kaklase ko every Sunday Class. Alam mo bang hanggang ngayon, hindi ko pa rin sila kilala. 'Yung bukod tanging kilala ko lang ay hindi na tinapos 'yung klase.

Nang makapasok na kami sa simbahan, agad kong napansin ang mga sacristan sa harapan. Nakasuot sila ng parang puting bestida. Tsaka tumama ang mata ko sa imahe ni Brother Jem sa harapan. Nakasuot siya ng pang-clerical, 'yung damit ng mga seminarista. Nakakatawa, dahil tumama rin ang mata niya sa akin, pero ang ending, si Mama ang kinawayan niya.

13th Sunday na pala ngayon, pero hindi ko pa rin alam ang 13th prayer na sasabihin ko. Bahala na nga.

Matapos ang isang oras ay natapos na rin ang paghahanda. Ang lahat ng tatanggap ng communion ay nakaupo na, ganun rin ang mga pari etc. Nasa likod na rin sila at handa na sa prusisyon. Agad namang natapos ang lahat e. Siguro dahil sa loob ng isang oras na Misa, wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa kanya.

Jem, bakit kasi nasa loob ka pa.

Nagkaroon ng sandamakmak ng photo opportunities para sa lahat. Nilapitan ng mama ko si Brother Jem at niyayang magpapicture sa amin.

Nasa tapat kami ng isang rebulto at doon nagpakuha ng litrato. Ngiting-ngiti akong sinalubong ni Jem at nagsabi.

"Ang sarap namang maging parte ng pamilya ninyo," sabi niya. May sulat rin siyang inabot sa akin. Nakita nila Mama iyon, wala naman siyang sinabi.

"Syempre naman, anak. Ingat ka sa byahe mo mamaya ha," sabi ni Mama.

"Byahe?" tanong ko.

"Babalik na siya sa Main Congregation nila anak. Hindi niya ba nasabi?"

"Absent po ata siya nang sinabi ko sa lahat, hehe."

"Ahh. Ma, wait lang a, mag-wa-wash room lang ako," sabi ko.

Umalis muna ako nang simbahan at naghanap ng lugar na pwedeng tambayan. Pumunta ako sa lumang tindahang pinuntahan naming nang nakaraang linggo. Hindi ako maiyak, siguro dala na rin ng ego ko, na kahit ilang beses pa akong saktan, hindi ako naiiyak. Nakakatawa.

Binuksan ko ang sulat niya, Isang listahan ito ng 13th prayers niya.

1. Sana maging maayos ang Sunday classes na ito.

2. Sana magkaroon ako ng kaibigan.

3. Sana maging mabait 'yung isa kong estudyante.

4. Sana pumasok ulit siya sa Linggo.

5. Sana maging masaya sila ng kasama niya kanina.

6. Sana wala nang nasasaktan.

7. Sana kausapin niya ako nang maayos.

8. Sana hindi niya ako makalimutan.

9. Sana niya akong ngitian.

10. Sana palagi siyang nakatawa.

11. Sana maging malaya ako.

12. Sana maging masaya siya kasama ko.

13.

Halos walang pagsidlan 'yung reaction na sasabihin ko. Hindi ko naman din alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi pwede. 'Di ba bawal? 'Di ba hindi pwede. Minsan na nga lang ako magmahal, tapos bawal pa. Siguro sadyang unfair lang ang buhay para sa ibang tao. Wala itong ibang ginawa kundi mang-trip.

Tumayo ako, bumalik ako sa simbahan. Ala-una na ng hapon kaya walang tao dito. Ito na nga rin siguro ang dahilan para hindi ko na siya makita. Knowing naalis na siya, wala na siguro akong magagawa.

Palabas na ako nang simbahan nang makita ko siya kasama ang iba niyang kasama. Nakasuot na sila ng clerical, may dalang malalaking bag at iba pa. Sadyang paalam na lang ang kulang.

"Uy pre, sabihin mo na!" sigaw ng kasama niya.

Lumapit siya sa akin, at may sinabi.

"Eiffel, alam ko na kung anong 13th Prayer ko," sabi niya.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Sana pareho tayong maging masaya," at tsaka niya ako niyakap.

Akala ko matatapos na ng open ending, pero nang may inabot siyang papel, napaiyak ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin nang mabasa ko 'yung unang mga salita sa papel na inabot niya.

"Confession #1... Mahal kita."



---


13th Prayer Update as of January 28, 2017. 

This book is available in all St. Paul's Stores nationwide for only 190php. Bakit kailangan bilhin ang print version? (Kasi may secrete at twist sa ending doon :) ) Add me on fb.com/kmdrla for inquiries about this. :) Hope to hear from you, guys, soon!

13th Prayer - Published by St Paul's PublicationsWhere stories live. Discover now