Prayer #8

3.7K 296 25
                                    

Mukhang may mahal na ako ulit.


"Pakshit!"

"Eiffel? Nagmumura ka pa rin ba?"


Sino ba kasing hindi mapapamura sa gulo ng iniisip ko. Habang binabasa ko ulit 'yung screen shot ng chat namin nung Julianne niya na yun, hindi ko maisip kung paano ako makaka-move on sa naiisip ko. 'Yung sinabi niya naman kasi. Mukhang may mahal na siya ulit. Bakit niya ginamit 'yung word na "Mukha"? Ibig sabihin ba, hindi pa siya sigurado? Ibig sabihin ba, pwedeng may chance pang magbago 'yung pakiramdam niya na 'yon? Bakit? Bakit? Pakshit.

            "Sinong nagsabing nagmumura ako?" tanong ko ulit kay Bro.

            "Ako. Narinig ko." Tinanggal niya 'yung headset na nakapasak sa tenga ko. "Ang lakas siguro ng patugtog mo kaya hindi mo na naririnig pati sarili mo."

            "Ang deep. I-i-status ko nga 'yan mamaya."

            "Baliw. Nagka-usap kayo?"

            "Baliw ka rin, oo."

            "Anong sabi niya?"

            Para hindi na ako magkwento, ipinakita ko sa kanya lahat ng screenshots ng pag-uusap ng Julianne. Ayoko na talagang isa-isahin 'yung sinabi no'n e. Ang tagal-tagal niya na palang naka-move on, tapos, OA ang tawag niya kay Jem na hanggang ngayon ay nanghihingi pa ng closure. Kung nasa Pilipinas lang 'yung babaeng 'yon ay sasabunutan ko na siya. Mali, sasapakin ko pa siya kasama si Leah.

            Kung magiging superhero ako, ang gusto kong kapangyarihan ay maka-detect ng manloloko at ipasok sa sako. Ipapatapon ko sila sa West Philippine Sea. Doon sila sa Kalayaan islands para maging Malaya na sila sa lahat ng kaartehang gagawin nila sa buhay nila dahil wala namang may pakialam sa kanila. Period. Hiningal ako sa matinding flow of thoughts ko a.

            Idadagdag ko lang, imagine, sa tagal ng naka-move on ni Julianne, ni hindi niya nga makilala kung sinong Jem 'yung sinasabi ko? Putik. Nung nagpaulan ng common sense, tulog ba siya? Baka mismong yung term, hindi niya alam kung anong ibig sabihin.

            "Alam mo, naiinis na ako sa kabaliwan mo sa kanya. Tanga ka bang sobra, Bro Jem?"

            "Baliw ako? Oo, baliw naman talaga ang tawag sa taong nagmamahal. Nagiging illogical kasi at nawawala na sa reasons kung minsan. 'Yung tipong masasabi mo na lang na 'Wala e, mahal ko.'"

            Patuloy kaming naglakad papunta sa isang basketball court na kung saan ay mayroong isang despedida para sa isang pari sa simbahan namin. Taon-taon kasi, napapalitan daw 'yung pari sa simbahan. Kaya, naghahanda talaga 'yung mga matatanda para sa isang farewell party ng mga pari. Bongga nga e. Daig pang nagpa-catering ng mga matatanda sa amin.

            "Baka sabihin ng iba, sinusundan na naman kita. Ang famous, kadiri."

            "Ha? Anong sinusundan mo ko. Ako nga sunod ng sunod sa'yo. Ang hirap lang kasing makipag-usap sa ibang tao. Lalo na sa mga babae sa gilid. Baka ma-misinterpret nila ang pagmamagandang loob ko."      

            Hiyang-hiya naman ako sa pagiging GGSS niya dahil implied e. Napapa-face palm na lang ako dahil sa nakakatawa niyang point of view sa mga bagay bagay. Anyway, tanghaling tapat talaga nila tinapat 'yung pa-party nila sa pari dahil tinapos muna 'yung misa. Nakakatamad ngang um-attend e. Kung hindi ko lang talaga sasamahan si Mama, malamang, uuwi na ako at magmumukmok sa kwarto.

13th Prayer - Published by St Paul's PublicationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon