As usual, mag-isang kumakain sa school canteen si Sydney. Bagay na di na bago sa kanya dahil kahit noong elementary ay bibihira rin siyang makita na may kasabay kumain.
Eh sino ba naman kasi ang gugustuhin na makasabay siya kumain? Bukod sa weird niyang hair style na tinernuhan ng old fashioned niyang pananamit, hindi rin siya conscious sa hygiene niya.
Yes, to be frank, may konti siyang amoy. Hindi naman ganun katapang pero sapat na para maamoy kung nasa 50 cm ang lapit mo sa kanya.
"Ang" short for anghit. Lihim na itinatawag sa kanya kapag nakatalikod siya.
"Look at Ang, she's wearing those outdated outfit again." Pabirong sabi ni Amyra kay Dion.
Narinig iyon ni Sydney pero hindi siya kumibo.
"What a weirdo?!"
Sabay malakas at nakakalokong tawa.
Para walang gulo, nagbingi-bingin lang si Sydney pero deep inside gusto niyang tumayo at kurutin ang pisngi ni Amyra para lalong mamula.
'Ano bang paki niya sa outfit ko! Eh favorite ko itong yellow shirt ko! Tsaka naligo ako ngayon at nag conditioner ng buhok.'
"Syd, sasama ka ba after class, punta kaming SkyeMart." Aya ni Mark. Hawak nito ang food tray na wala ng laman.
"Hindi na. May gagawin ako mamaya."
"Ano?"
"Basta! Kailangan ko pa ba magpaliwanag?!"
Bukod sa pagiging isang estudiyante, si Sydney ay isa ring Watty writer.
"Bahala ka. Basta inaya kita."
Umalis si Mark na kekembot-kembot. Ayaw pa kasing magladlad eh halata naman na may pitik.
Mas prefer ni Sydney na mag-isa keysa makihalo-bilo. Hindi naman siya loner, talaga lang na masaya na siya sa sarili niyang company. Lalo kapag hawak na niya ang i-pad at nagsimulang gumana ang imahinasyon.
Thanks to her first heartbreak!
Dahil ito ang nagsilbing apoy para makapagsulat siya ng mga love stories. Doon niya nilabas ang frustrations niya, ang galit at hinanakit sa lalaking nasa harapan niya.
Yes, that god-damned handsome boy sa tapat niya na naka-suot ng varsity jacket kahit tanghaling tapat.
Si Dion Allen Falcon.
Tandang-tanda niya ang isang linggong huwad na relasyon nila bago maggraduation ng Senior High School.
FLASHBACK
"What? Kayo na ni Allen?" Gulat na gulat si Mina. "Kailan pa? Paano nangyari?"
"Basta, it happens so fast! Napa-oo na lang ako." Kinikilig pa si Sydney habang yakap ang bag. Hindi lang labi niya ang namumula pati na ang pisngi.
"Wait! Ang tinutukoy mo bang Allen ay si Allen Miranda?"
Nahihiyang umiling si Sydney.
"No way! Don't tell me, it's Dion Allen Falcon?!"
Mabilis na tango ang isinagot ni Sydney.
"The heart throb Dion Allen Falcon?!"
Napasigaw pa ito.
Agad na tinakpan ni Sydney ang bibig ni Mina.
"Huwag kang maingay."
Pero tinanggal ni Mina ang kamay niya ay sabay silang impit na humiyaw sa kilig.
"IIIIHHHH"
BACK TO PRESENT
But that was before. Dahil ang kilig ay napalitan na ng pagkamuhi. Kung ano man ang nangyari sa past ay ayaw na niyang maalala pa.
Moving forward, lumipas ang isang semester na ni ha ni ho ay hindi niya ito kinibo until recently, dahil wala siyang kapartner sa pagdrawing ng poster ay napilitan siyang lapitan ito. Masakit man sa kalooban niya, wala siyang magawa kundi kumbinsihin ito na makapartner niya.
Nilunok niya ang pride para sa grado.
Nakaupo ito malapit sa bintana, nakadekwarto at nakapatong ang siko sa bukas na bintana. Imagine the gangster style of sitting pero naka-uniporme ng puti at pantalong khaki. Bukas ang polo kaya kitang-kita ang manipis na sando. Bagaman pawisan ay mabango pa rin ito.
Nakaharap na siya sa binata ngunit nagdalawang isip siya. Pumihit siya pabalik sa upuan.
Hindi siya napansin nito dahil nakatanaw ito sa labas. Tanaw kasi sa tapat ng bintana ang kabilang building.
Five minutes bago mag-uwian. Kung di niya lalapitan ang binata, wala na talaga siyang makakapartner.
Nagpakawala muna siya ng malakas na buntong hininga bago lumapit muli sa lalaki. Ikinagulat naman nito ang paglapit niya.
Kinabahan siya ng bongga nang magtama ang mata nila. Agad siyang umiwas ng tingin.
"Wala na kong mahanap na walang kapartner sa poster project, since we're 32, you are the last option." Sinasabi ito ni Sydney habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Are you talking to me?" Mayabang na saad ni Dion.
"Malamang." Singhal niyang sagot.
"Then ask me nicely." May pang-iinis na saad ng kausap.
Nagpakawala muna si Sydney ng malamin na buntong-hininga bago nagsalita.
"I need a partner! Pwede ka ba?"
Natawa si Dion. Tawang nang-iinis.
"Finally, now you can see me? For 5 months since enrollment para lang akong hangin sa harap mo. Parang di tayo naging magklase nung high school."
"I need an answer or sasabihin ko na lang kay Prof na mag-isa na lang akong gagawa."
"Aba! Teka! Parang naalala ko na bilin ni Prof na partner project iyon at di siya papayag na mag-individual. Papayag ako pero in one condition."
"Anong kondisyon?"
KAMU SEDANG MEMBACA
The Art of Letting Go
RomansaOn the 2nd time around, nagtagpo ang landas nila Sydney at Dion sa College of Fine Arts. Wala sa balak ni Sydney na kausapin ang lalaki after ng pangloloko nito nung high school ngunit kinailangan niya dahil sa isang project. Nag-umpisa na naman na...
