"Sino ka ba ha? Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako eh!" sigaw ko sa mukha niya.

Unti-unting nag-iba ang kulay ng mata niya. From black to red. Nagsitayuan kaagad ang mga balahibo. Anong klaseng nilalang ito? Or anong contact lense ang suot niya? Bakit parang napakahigh-tec naman para mag-iba nalang bigla?

Sa isang kisap-mata bigla siyang tumilapon sa kalsada. Walang pang taong dumadaan kaya walang nakikiusyoso. Tumingin ako sa taong dahilan ng pagkatilapon niya.

"Calvin?" mahinang sabi ko. Hindi siya tumitingin sa direksiyon ko, sa halip nakatuon ang paningin niya sa lalaking balak akong kidnapin.

"You dared to touch her?! I will kill you." In just a snap, hawak hawak ni Calvin yung lalaki sa leeg gamit ang isang kamay. How the hell he can do that?

Hirap na huminga yung lalaki pero nagawa parin niyang tumingin sa direksiyon ko at magsalita. "Alam na nila kung sino ka, sigurong papatayin ka nila---"

He was stopped when Calvin twisted his head. Binitawan siya ni Calvin kaya naman nahulog siya sa semento. What the hell?

"You killed him?" shocked na tanong ko. God, did i just witnessed a crime?

Hindi siya sumagot at hinawakan niya lang ako sa aking wrist at hinila.

"Saan mo ako dadalhin?" kinakaladkad niya na ako ha.

Hindi pa rin siya sumagot. Sa di kalayuan ay nandoon ang isang kotse. Eff, a lamborghini again? Ang yamang bata talaga niya.

Binuksan niya ang pintuan at pinasakay ako. Mabilis siyang sumakay sa driver's seat at nagmaneho.

"Saan mo ako dadalhin?" Don't tell me ako na ang isusunod niya?

"You just killed that man and we're just running away?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"He deserves it." seryoso niyang sagot habang nakatutok parin ang atensyon sa pagdridrive ng mabilis. Kung ibang babae lang ako malamang naiwan ko na ang kaluluwa ko, but i'm used to it. Nasanay na ako sa kaskaserong Liam Lefevre.

What? Yun lang ang sagot niya pagkatapos niyang patayin ang lalaking iyon? I know he deserves some punches and kicks after threatening my life pero iba na yung ginawa niya eh.

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now