Nang balikan ko siya ay nagwiwisik siya ng tubig sa sink at sa salamin kaya kinuha ko ang baso sa kanya.

"Chance Ford..." I warned him. His spoiled side was here again. Agad naman siyang tumigil.

"Sorry, Ma. Mad ka po?" Tinitigan ko siya at noong nakitang lumalamlam na ang mga mata niya ay agad akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi.

"I'm not mad but next time, 'wag maglalaro ng tubig. Mahal 'yan." Tumango naman siya at niyakap ang leeg ko. Abot niya ako dahil nakatayo siya sa isang silya.

"'Di na po..." Nilinis ko siya pagkatapos at hinayaan siyang maglaro ng mga truck at iba pa niyang laruan sa sofa habang nag-aayos ako ng pinagkainan.

"Ayan na si Batman! Bang!" Narinig kong sabi niya sa sala kaya nangiti ako habang sinasabunan ang isang plato. Narinig ko ang mga pinaiba-iba niyang boses habang naglalaro at noong matapos ay nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.

"Ma, kailan ako pasok school?" Natigil ako sa pagngiti at napatingin sa kanya. Bumagsak ang balikat ko at napabuntonghininga.

"Chance, pasensya na, ha? Gipit kasi si Mama." Nakagat niya ang labi niya at napatango pero ngumiti siya at kumandong sa akin.

"Ayos lang, Ma! Basta nand'yan ka, happy na 'ko. Makakahintay pa naman 'yon!" May kung anong kumurot sa dibdib ko nang sabihin niya iyon at pakiramdam ko ay nangilid ang luha ko.

"Chance..." Nanlaki ang mga mata niya at agad akong niyakap.

"Ma, 'wag na iyak!" Natatawang naluluha ako sa sinabi niya at mahigpit siyang niyakap. Mabilis ang tibok ng puso ko at napasinghot ako.

I'm so lucky to have this gift from God.

"Chance, baby ko...Hindi ko pa sigurado ngayon pero hayaan mo, sa sunod na taon, papasok ka na sa school. Promise 'yan." Mas humigpit ang kapit niya sa leeg ko. "Gagawan ko ng paraan. Kapag nagkapera si Mama, makakapasok ka na ngayong taon. Maghahanap ako ng paraan, anak..."

"Okay lang, Ma, kahit hindi pa. Basta rito ka lang sa tabi ko, ayos na." Inilayo ko siya sa akin at hinalikan ang noo niya.

"Love you, Chance ko! Tulog na tayo?"

"Love you, Mama!"

***

"Boss?"

"Allison, Mr. Salcedo's secretary wants to personally meet you again. Pasensya na raw sa nangyari kahapon, pinapasabi ni Mr. Salcedo. What happened, by the way?" Natigilan ako sa tanong niya. Agad na umakyat ang dugo sa pisngi ko.

"Allison?" tawag niya at napakurap ako.

"P-Po? Ah, w-wala po, boss." Umiling-iling ako at nag-iwas ng tingin. Naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon.

Iyong paghalik niya at paghawak niya sa...ah! Tama na, please!

"So, later this afternoon, sa Autumn's. Are you fine with this?" Gusto ko mang umayaw ay hindi ko na nagawa. I'm just an employee here kaya wala akong karapang tumanggi.

"I'm fine with it, boss..." Pilit na lang akong ngumiti.

"Good. I trust you, Miss Madlang-awa." He called me by my surname again. Gah, how I hate this!

Napapabuntonghininga ako at napapailing habang nakasakay sa LRT papunta sa Autumn's restaurant na sinasabi ni boss.

Chill, Ally! Secretary lang naman niya yata ang pupunta 'di ba? Hindi siya kasama! Relax!

Nawala ang pagmumuni-muni ko nang may umubo sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang may matandang babaeng nakatayo roon. Mukhang hirap na hirap siya at ubo nang ubo.

Napatingin ako sa mga katabi ko at nanlumo akong walang pumapansin sa matanda. Halos lalaki ang mga nakaupo at may isa pa sa tabi ko na parang walang nakikita—nakaearphone ito at gumagalaw-galaw ang ulo na parang sumasabay sa pinakikinggan.

Mga gentleman! Napairap ako. Take note of the sarcasm, please!

Napatingin ulit ako sa matanda at mabilis na tumayo.

"'Nay, upo na po kayo," magalang kong sabi. Nagulat siya sa akin pero agad ding ngumiti.

"Naku! Salamat, hija. Bilang na lang ang katulad mo. Pagpalain ka nawa ng Diyos." Ngumiti lang din ako at tumango.

"Walang anuman po."

Malamig na hangin mula sa aircon at ang napakabangong amoy ng pagkain ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa Autumn's. Biglang kumalam ang sikmura ko! Gutom na 'ko!

"Good afternoon, Ma'am! Do you have any reservation?" Natigil ako at napaisip sa sinabi ng waiter.

"Ah, Mr. Salcedo's reservation, please." Napatango ang lalaki at nagtipa sa computer.

"In any case Ma'am, are you Miss Allison Madlang-awa?" Napalunok ako at parang nabagsakan ng matigas na bagay ang ulo ko. So kailangan kasama talaga ang apelyido ko?

"Yes," I answered before smiling.

Ngumiti rin siya sa akin at mas lumapit. "You look lovely, Ma'am," bulong nito. Nagulat ako pero nginitian niya naman ako ulit at inilahad ang daan. "This way, please."

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin iyon dahil sa pagkabog ng dibdib ko habang papalapit na kami.

Oh, come on! Secretary niya iyon! Hindi siya!

Pero nawala ang mga pampalubag-loob ko nang makita ko kung sino ang naghihintay at nakaupo sa mesa na sinabi ng waiter. Napasimangot ako bigla nang makita ko siya at lalong bumilis na kumabog ang dibdib ko.

Akala ko ba secretary niya? Bakit...

"Hi!" Ngumisi siya pero hindi ako nakakibo. Nawala ang waiter sa tabi ko at siya ang pumalit. Napapiksi pa ako sa gulat at sa kuryenteng naramdaman nang humawak ang kamay niya sa braso ko. "Upo ka..."

Mabilis akong umupo nang ipinag-angat niya ako. "Salamat..."

Tumango lang siya pero hindi nawawala ang ngiti sa labi. Matamis iyon. What I mean is...matamis ang ngiti niya. Tss!

Tinagilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin at maya-maya pa ay ngumuso siya at sumulyap kung saan.

"Bakit doon sa lalaki, nakangiti ka? Tapos kapag sa akin nakasimangot? Nagpap-acute ka ba ro'n?, eh, mas gwapo naman ako sa kanya, ah!"

Taking Chances (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now