CHAPTER 72 : SET OF CHOICES

Zacznij od początku
                                    

"Ren." Nagtaas ako ng paningin at nakita ko si Kuya Roy na nasa harap ko na. Tumikhim siya. "Sorry for that. I didn't expect Shinn would be. . ." Tumiim ang kanyang bagang.

Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago muling nagsalita. "Where are you staying? Ihahatid ko kayo." Sandali niyang sinulyapan si Georgia at binaling agad ang tingin sa akin.

I guess, I have no other choice. Hindi ko makakausap si Rhea sa lagay niya ngayon at tila ako biglang napagod dahil sa mga biglaang pangyayari sa bar na 'to. I want to rest.

Walang nangahas magsalita hanggang sa maihatid kami sa hotel. Unang bumaba si Georgia. Tinanggal ko ang seatbelt ko.

"Thank you." Mahina kong sambit.

"Don't thank me yet." Malamig nitong tugon. "We'll talk tomorrow. Pumunta ka sa bahay around 7 pm. Don't bring the girl with you. Hindi ko alam kung bakit nagsama ka pa ng ibang tao."

Hindi ako sumagot. Binuksan ko ang pinto ng kotse at tuluyang lumabas. Ang bigat ng pakiramdam ko habang pinapanuod ang paglayo no'n. Biglang may tumapik sa balikat ko at nilingon ko si Georgia.

"Anong sabi?"

Pagod akong ngumiti. "Magpahinga ka na."

Wala na siyang sinabi hanggang sa pumasok kami sa kanya-kanya naming suite. Inubos ko lang ang oras ko sa pag-iisip habang nakatulala sa isang tabi. I remember the same scenario. Ganitong-ganito ang naramdaman ko nung gabing nakipaghiwalay siya sa akin. Pagod ako pero hindi ko nagawang matulog nang mahimbing. Napupuno ng tanong ang isip ko. Sinasariwa ang mga nangyari kanina. Malaking palaisipan sa akin kung sino ang lalaking 'yon.

"Nakatulog ka ba?" Tanong sa akin ni George nang mag-almusal kami kinabukasan. Tinuro niya ang mata ko. "Ikaw ang nakasapak kagabi pero mukhang ikaw ang nasapak dahil sa eyebags mo. Paano ka na lang babalikan nung ex mo kung pangit ka na?" Umasim ang mukha niyang titigan ko siya. "On second thought, pangit ka naman talaga."

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Hey." Tumikhim siya. "Pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo."

"I don't know, George." Pakiramdam ko kasi ay hindi 'to gagaan.

"Boyfriend niya ba yung lalaki kagabi?" Pumangalumbaba si George. "Para sa'yo, anong masdaling tanggapin? Yung nakipaghalikan siya sa boyfriend niya o nakipaghalikan siya sa hindi niya boyfriend."

Huminga ako nang malalim. "Does it make any difference? They still kissed."

Inirapan niya ako. "Saan napunta ang logical reasonings mo? Pinangalandakan mo pa naman sa'kin noon na hindi ka ordinaryo."

"Gano'n pa rin 'yon, George. It's a question with the same answer. It's like you're asking me about her changes. It's either she change the way she behaves or she changed her heart." Ibinaba ko ang kubyertos at sumandal sa upan.

"Does it matter if she changed?"

Ngumiti ako ng mapait. "The behavior could be a little tricky but I can manage. What if it's the latter? Hindi naman para sa'kin yung huling tanong kundi para sa kanya."

"Masasagi ba ang pride mo pag sinabi kong nasasaktan ako para sa'yo?" Matabang niyang sambit. Napatitig muli ako sa kanya. "At the same time, nasasaktan ako para sa kanya? I don't know. I'm a girl with ideals despite of living in reality. What you had with her was something I look up to. Too bad, it didn't last. And if I were on the same situation, hindi ko rin siguro alam ang gagawin ko."

"Lagi namang gano'n, di ba? Madali lang magpayo pag wala ka sa sitwasyon."

"As same as easy judgement." She said drily. "Gusto ko na siya makausap. Ano oras tayo babalik?"

Stuck At The 9th StepOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz