Chapter Three: The One Night Stand.."

10.6K 74 0
                                    

Malapit na kami makarating sa bahay... pero may natatanaw ako sa harap ng bahay namin. Sino ‘yun? Si Aaron ba yun? ‘wag naman sana. Please..

“ah! Sir Dennis, dito na lang po ako. Maraming salamat po.” Dali-dali akong bumaba ng sasakyan niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa kaba at takot na baka malaman ni Aaron na ang kasama ko ngayon ay si Sir Dennise. Ano ang gagawin ko? Malalaman niyang hndi pa talaga ako nakakauwe.

“Joanna, sandali..” pagpigil sa akin ni Sir Dennis..

“S.... sir! Andito po kasi ngayon si Aaron eh, hindi niya po kayo pwedeng makita. Pasensya na po! Ahm, maraming salamat po sa treat niyo. Salamat po. Pasensya na po pero kaylngan ko na pong puntahan si Aaron.” At hindi ko na hinintay pa ang sasabihin sana ni Dennis..

--- hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon.. sigurado akong pagaawayan namin ito ni Aaron.. pero, bahala na si Batman..

Hawak hawak ni Aaron ang celphone niya at mukhang tatawagan niya ako... ayun nga, nag-ring ang walanghiyang celphone ko. Napatingin siya sa kinatatayuan ko ng marinig niyang doon nanggaling ang pagtunog..

“bhe....” sobra na akong kinakabahan.. “bhe.. kanina ka pa ba dito?” hindi ako makatingin sa kanya..

“sa’n ka galing? Akala ko ba nkauwe ka na?” nagsisimula na ata siyang magalit.

Ano ang isasagot ko? Kung ang kabang naramadaman ko kanina sa restaurant na kasama si Sir Dennis mas malala ang kabang nararamdaman ko ngayon.. “ahm.. sor.... sorry bebe. Ahm!” hindi ko talaga alam kung ano ang ipapalusot ko.. “ahm... ano kasi..”

“Naiintindihan ko..”

Ano? Naiintindihan daw niya? Ang alin?... “pumasok ka na sa loob baka hinahanap ka na nila Mama..” bakit gano’n siya? Hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko? O baka dahil ayaw na niya marinig ang kasinungalingan na sasabihin ko? Syt...

“’di ka ba papasok muna?”

“hindi na, sabihin mo na lang na hinatid kita pauwe.” Ang sabi niya sa akin.

---- bakit gano’n siya? Nahiya tuloy ako sa sarili ko.

Pagpasok ko sa bahay....

“andito na po ako..” at bumungad sa akin si Papa..

“Bakit ngayon ka lang huh?” galit si papa..

Itinuloy ko munang mahubad ang mga sapatos ko... “Hinatid naman po ako ni.... ni Aaron.”

“baka kung sa’n lang kayo nagpupunta ni Aaron at hindi kayo pumapasok sa iskwela. Yan ang ‘wag na ‘wag niyong gagawin Joanna..” at umalis na siya sa harap ko. “yes Pa..”

Si mama naman... “ oh, bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?” buti pa si Mama..

--------------------

At 10:15 pm...

Nahiga na ako sa kama ko. Feeling ko pagod na pagod ako. Naalala ko na naman si Sir Dennis. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon kanina. Sumama akong kumain with Dennise and nagsinungaling ako kay Aaron. Ugh!

One Night Stand With My Professor...(Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon