Chapter 1: Something Unexpected

66 1 0
                                    

**************Check-out Kate sa Gilid************

Takbo Kate!!! AABOT KA PA!

Malalate na naman ako, napuyat kasi ako kagabi kakanuod ng Supernatural, yung series na may mga sobrang gwapong mga lalake.

Hingal na hingal ako pagkapasok ko sa jeep, paalis na kasi kanina hinabol ko lang, buti at napansin ako nung driver.

Inabot ko yung bayad ko then the jeep started to move, "Bayad po, pakisuyo." Nung may umabot, "Salamat po." Sabi ko then I breathed deeply and sighed.

"Uhm, miss..." tawag nung driver, "Hindi 'to pera." Inabot niya pabalik sa akin yung binayad kong ten pesos.

Nakapagtataka nga eh, kasi valid na denomination ang ten peso coin sa Pilipinas! MANONG NAMAN!

Nagtitinginan naman yung mga pasahero tapos yung babae sa gilid tumawa nung makita kung ano yung binayad ko.

Tangna naman oh! TEN PESOS YAN!!! BWISIT! Gusto ko na silang pagbubulyawan.

"Miss," tawag nung lalake na katabi ng katabi ko saka niya inabot yung binayad ko. Feeling ko natatawa din yata siya, pero kasi hindi ko makita mukha niya eh.

O___O Heh?

Hindi ako makareact, ayaw ko nga sanang kunin yung inaabot kaso ipinatong ni kuya sa ibabaw ng bag ko.

"Token ba yun?" sabi nung babae sa harapan ko saka siya tumawa, tumawa din yung kaibigan niyang babae. Sarap pagsasapakin.

Napayuko na lang ako, feeling ko namumula na yung mukha ko sa hiya.

Shit! Mamaya niyan iniisip nila na I tried to pay a token kasi wala akong pambayad na pamasahe!

Nilabas ko yung coin purse ko at naghanap ng ten pesos.

O___O Eh? "SHIT!" napalakas pa mura ko, eh pano naman kasi, wala pala akong barya! Parang tuloy totoo na sinadya kong magbayad ng token!

Hinalungkat ko yung bag ko baka may mga barya akong basta na lang shinoot dun dahil sa katamaran na ilagay sa purse.

Tinignan ko na lahat ng possible place na pagtatapunan ko ng barya sa loob ng bag ko, I have checked every freaking pocket pero wala talaga!!! OMG!!! NAKAKAHIYA AKO!!!

Binuksan ko yung wallet ko to look for kahit twenty pesos man lang sana kaso one thousand na ang lowest na dala kong pera. Paano ako magbabayad nito?

Gusto ko ng maiyak tapos nag-umpisa na silang magbulungan and then I looked at the the driver at parang galit na siya kasi parang nakikijoy-ride ako. Shit! Free-rider!!!

"Manong, bayad po niya..." sabi nung kuya kanina na nag-abot sa akin nung token na binayad ko. Siyempre nagulat ako, kasi hindi ko naman alam na babayaran ako nun noh!

Hallah! Nakakahiya talaga!

Pagbaba namin ng jeep kasi pareho pala kami ng school, hinabol ko siya para magthank you pero ang bilis niya kasing maglakad, pero mabuti na lang at late kasi ako lagi kaya napractice ko na yung pagtakbo ng sobrang bilis.

"Kuya!" tawag ko sa kanya, then I finally caught up with him, "Salamat!"

Humarap siya sa akin, "Wala yun." Ngumiti siya.

He actually is sobrang pogi! Mukha siyang familiar, pero kasi hindi ko maalala where I saw him or baka may kamukha lang siya na kakilala ko or kaklase ko.

"Uhm, I'll pay you back, I promise... uhm..." tinignan ko I.D niya.

Thomas Andrew... O___O Archi?

Love life... <loading> |ongoing|Onde histórias criam vida. Descubra agora