CHAPTER 31 ~ Tears ~

Start from the beginning
                                    

Bago pa siya makasagot bumaba na ako at nilaitan ko yung tao na biglang nag collapse sa gitna ng kalsada dahilan kung bakit muntik ng maging sticker ng windshield ang muka ni Hade.

Tumaas ang kila ko ng gumalaw yung binatilyo na nag collapse sa gitna ng daan...pagapang na lumapit siya sakin at humawak sa sapatos ko. Bumuntong-hininga ako at hinawakan ko siya sa kwelyo pagkatapos ay itinayo ko siya.

"Yan ang hirap sa mga kabataan ngayon. Ang yayabang, iinom-inom hindi naman pala kaya. Ang aga-aga niyong nagsusunog ng mga bahay-alak niyo pagkatapos mandadamay kayo ng ibang tao kapag napahamak kayo. Eh kung itali kaya kita sa gitna ng kalsada at hayaan kang ma single, double, triple, quadruple, quintuple, sextuple, septuple, octuple, noncuple, at decuple dead diyan."

Pinalis ko ang kamay niyang humawak sa buhok ko. Naramdaman kong lumapit sakin si Hade at tinulungan akong itayo yung binatilyo.

"Pangalan?"-me

"Me?"

"Ay hindi, hindi, kinakausap ko yung kalsada kung saan kita ipapako mamaya."

Tumawa si hade pati na yung binatilyo na malapit ng matulog ng nakatayo. Ang sarap nilang italing dalawa at iwan sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang may natitira pang ginto sa malupit kong puso.

"Pangalan?"-me

"Daniel Padilla."

"Asa. Pangalan?"

"Jake Vargas?"

Inalog ko yung lalake dahilan para muntik siyang malugmok sa sahig kung hindi lang siya naagapan ni Hade. Pinitik ko yung tenga nung lalaki.

"Pangalan? Huling tanong ko na to dahil kapag hindi mo pa ako sinagot ng matino ako na mismo ang sasagasa sayo, naiintindihan mo?"

"Yes, Ma'am! My name is Clark Crisostomo, eighteen years old, single-"

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Where stories live. Discover now