" Hindi po ate. Sasamahan ko na lang po kayo. "   pagtanggi niya sa sinabi ko.

Ngumiti na lang ako sakanya at naupo sa tabi niya sa sofa. Nananakit narin kasi ang balakang ko sa kakalakad. Ano ba kasi ang nangyari kay Lander? Bakit hanggang ngayon ay wala parin siya. Hindi naman niya ugaling umuwi ng ganitong alanganing oras. Kanina ko parin siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Sobrang nag-aalala na talaga ako.

" Ate! Ate! Gising na po. "

Napabalikwas ako dahil sa pagyugyog sakin at unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Cecile sa harap ko. Ibig sabihin nakatulog pala ako. Pero teka? Si Lander nga pala.

" Ang Sir Lander mo ba? Nandyan na? "   agad tanong ko sakanya.

Umiling siya sakin. " Wala pa po ate. Pero may ibang bisita po kayo. Caiden daw po at Chona ang pangalan. "

Ano? Wala parin si Lander?

" T-teka Cecile. Anong oras na ba? "   nauutal kong tanong. Kinakabahan na talaga ako.

" Alas otso na po ng umaga ate. Nakatulog na po kayo dyan sa sofa sa kakahintay kay Sir Lander. Hindi ko na po kayo ginising para naman po makapagpahinga na kayo. "   paliwanag sakin ni Cecile.

" Ano ka ba naman Cecile! Bakit hindi mo ko ginising? Alam mo naman na nag-aalala na ako kay Lander diba? Uunahin ko pa ba ang magpahinga? Nakakainis ka naman eh! "   sigaw ko kay Cecile.

" Hey! What's with that voice Mrs. Brooke? Ang aga-aga ang init ng ulo mo. "   biglang sabi ni Caiden na palapit sakin.

" Sorry sis, pumasok na kami. Kanina pa kasi kami naghihintay sa labas eh. Ano bang problema mo? Bakit ka sumisisgaw? "   tanong naman ni Chona.

" Si Lander. Hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon. Im so worried. Hindi ko alam kung nasan na siya ngayon. Hindi niya rin sinasagot lahat ng tawag ko. "

Nilapitan ako ni Caiden at ni Chona ng mapansin nilang umiiyak na ako. Hindi na talaga ako mapakali. Nag-aalala na ako sa kung anong nangyari kay Lander.

" Calm down sis. Nakakasama yan para sa baby mo. "   sabi ni Chona.

" If you want, sasamahan ka namin sa hotel ni Chona. Baka nandon pa siya. "   alok naman ni Caiden.

Tumango na lang ako at sumama sakanila. Pagdating namin sa hotel ay agad kaming dumiretso sa second floor kung saan ang opisina ni Lander.

" Oh look who's here? Ano 'to? Reunited? "   bungad samin ni Isabel.

" Leave us alone, Isabel. "   inis na sabi ni Caiden sakanya.

She smirk. " Nawala lang ang asawa mo saglit, lumandi ka na agad? Ang kati mo rin ano, Shelby? "

" Hindi kita papatulan ngayon Isabel. Kaya pwede ba, tigilan mo ko. "   sabi ko at nilagpasan siya.

Naramdaman ko naman na sumunod sakin sila Chona at Caiden.

" Wala dyan ang asawa mo! Hindi pa siya dumadating dito. "   sigaw samin ni Isabel.

Lumingon naman ako sakanya. Nginitian niya ako ng nakakaloko.

" And I think hindi rin siya umuwi sayo kagabi, right? "   dagdag pa niya.

" Bakit mo alam? Anong alam mo sa pagkawala ng asawa ko! "   galit na sabi ko sakanya.

She smirk again at me. " No Shelby! Hindi siya nawala. Magkasama sila ni Alexa. Yung kaibigan niya? "

Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Totoo ba yon? Magkasama ba talaga sila Alexa at Lander?

" Paano mo nalaman? Hindi ako naniniwala sayo, Isabel. "

" I saw them at the parking lot yesterday night. They are so sweet. And I hear Alexa. Niyaya niya si Lander na sumama sakanya sa condo. Pumayag naman si Lander. "


" How can we believe you, Isabel? Sinungaling kang tao. "   sabi ni Caiden.


" Simple, because Alexa is my friend. Kung gusto niyo, pumunta kayo sa condo ni Alexa. 8 ways condominium. "


" Shelby, wag tayong maniwala sakanya. "   bulong sakin ni Chona.


Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan na ako. Dapat ba akong maniwala kay Isabel o hindi? Hindi ko na alam.


" Kung gusto niyo, sasamahan ko kayo. "   alok niya samin.


" No need! Pero kapag nalaman kong niloloko mo ako, kahit buntis ako, humanda ka sakin. "   banta ko sakanya saka mabilis na umalis sa hotel.


Sumakay ako muli sa kotse ni Caiden at nagpasama sa kanila ni Chona papunta sa condo na sinasabi ni Isabel.


Alam kong wala dapat akong ikabahal. Wala dapat akong ipangamba. May tiwala ako kay Lander at mahal ko siya. Pero hindi ko maiwasan. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko maiwasan ang mag-isip. Bakit sila magkasama ni Alexa ng buong gabi? Natutuliro na ako. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum