Kabanata 12
Trigger Warning: Suicidal Attempt, Self-harm, Suicidal Ideation, and Emotional/Verbal Abuse
𝙋𝙧𝙞𝙨𝙤𝙣
“Don’t you really want to come to Kuya’s house?”
“He said it’s totally fine naman if you stay with us!” Aniya, halata sa tono nang pananalita niya na spoiled siyang bata—hindi sa nakakainis na paraan, but in the way of a child raised with comfort and protection, whose heart had not yet been enveloped by the cruelty of the world.
“We’re gonna watch cartoon movies! And eat popcorn!” Dagdag niya, proud and excited, parang may malaking announcement. “Do you like sweets? Because Aiah likes sweets—no, I love it!”
“How about Tangled? Do you know Rapunzel? I love her so much! I want her hair—pero sabi ni Mommy, ang hirap daw suklayin ’yon.” Napahawak pa siya sa maayos niyang hair clip, ’yung tipong halatang inayos para sa isang anak ng politiko.
Napangiti ako, hindi maiwasan ang hindi manlambot sa presensya hatid ng baga. “Aiah, siguro next time na lang? Okay ba ’yon?” Tinanong ko siya ng malumanay, ayaw ko siyang biguin pero ayaw ko rin namang sumama sa kanila. Dahil bukod sa may pupuntahan pa ako ay ayaw ko rin ang makaabala.
“Okay po! You promise ha? You said next time!” Pilit niyang sinisiguro, ’yung paraan ng mga batang sanay na tinutupad at nasusunod ang pangako sa kanya ng mga tao. It wasn’t like she was demanding something—just sincere.
“Opo. Promise,” sagot ko.
Nasa tabi si Jestre, nakangiti habang pinapanood kami. Nakangiti lang siya, parang siya mismo natutuwa kung paano nakakapit sa ’kin ang kapatid niya. “Sujo, uhm… we’ll get going—see you next time!” Sabi niya, malambing pero halata ang pagod ng isang taong galing sa responsibilidad ng pamilya at pangalan nila.
Tumango ako. “Ingat kayo.”
“And thank you,” malambing kong sambit bago bumaba.
“See you, Kuya Sujo po!” Sigaw ni Aiah mula sa loob ng kotse, taas-kamay pa habang nakadungaw sa nakababatang bintana. Halata naman doon sa bata na pinalaki siyang magalang kahit na hindi masyadong maganda ang reputasyon ng mga magulang niya.
Nakita ko pa si Aiah na kumakaway, bago niya dahan-dahang itinaas ang bintana. Habang unti-unting lumayo ang sasakyan, naramdaman ko na ang gaan-gaan ng araw na ’to. I feel so light when I have children—their energy, their innocence, their effortless affection. Maybe it’s because I’m an only child.
Wala akong nakasabay lumaki, walang akong ibang kahati sa atensyon ng mga magulang ko. Wala ring tumatanggap ng mga damit at laruan kong pinaglumaan. Kaya siguro matagal ko nang iniisip kung ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid.
Kaya rin siguro ang bilis ko ring nadala sa lambing ng boses ni Aiah.
Because kids carry a kind of softness the world often forgets to protect. And sometimes, seeing that softness reminds you of the gentle things you once wished for yourself.
They dropped me off late because we had dinner outside, and somehow the walk back to the dorm felt lighter than usual—it was as if I was still carrying the sound of Aiah’s laughter and Jestre’s quiet smile.
Pagpasok ko sa dorm, madilim pa ang buong paligid. Wala pa si Gilly.
Isinaksak ko ang charger, at saka nilapag ang cellphone sa lamesa, hinintay ko iyon na sumindi—hindi ko alam pero parang ang tahimik masyado ng buong dorm namin ngayong gabi. Pagkabukas ng cellphone ko, at nang bumalik na ang signal ng sim ko ay dinagsa kaagad ako ng mga notifications galing sa kay Gilly.
YOU ARE READING
Storms Within Rainbow Arcs (Sweets Along With Liquor Series #1)
RomanceA rainbow never appear without first enduring a storm.
