11- Revelations II

Começar do início
                                    

Okay! Naalerto ako. Nabibwisit ako. Ayoko magpaka-bitch ngayon pero mukhang mapipilitan. Tinignan ko yung mga babae sa likod. Halatang mg haliparot. Eh paano mga naka-dress na sobrang pagkaikli-ikli tapos ang kakapal ng make-up.



"Tss. Tabi,kami bahala." sabi ko sakanila tapos nagpalit na kami ng mga pwesto.



Hindi ata kami napansin ng nga babae dahil busy sila kakatawa na para bang kilig na kilig. Pagharap nila samin, nagulat sila kasi mga dyosa ang mga nakita nila.



"Miss!alam mo bang bawal sumingit sa pila? Sila kuyang pogi ang nandyan kanina!" mataray ba sabi nung isa.

"Pakelam mo? Eh sa gusto namin makipagpalit ng pwesto sa mga BOYFRIENDS namin?!" mataray ba sabi ni Bambi. Nagulat ata ako nun ah. Boyfriend daw. Pwede!

Tinignan naman kami ng mga mapanuring mata nila.



"Tapos ka na ba mag-inspect? Kasi kung tapos na magtataray na kami." sabi ni Andi.

"Ano bang problema niyo?" sigaw nung isa.

"Wala. Kami nga magtatanong kung ano problema niyo eh. Baka kasi naliligaw kayo."


"Baliw ka ba? Anong pinagsasasabi mo diyan?"


"Para sa kaalaman mo, zipline itong pinipilahan niyo. At kung makapag-dress naman kayo ang lakas ng loob ha! At tsaka mga ate, ang init oh. Hulas na ang paint sa mukha niyo. Kung ako sainyo,aalis na ako. Hindi naman kayo type ng mg boyfriends namin kaya tigilan niyo na sila. They don't date monkeys. Okay? Shooo!"







Naiiyak na umalis sila sa pila. Aba dapat lang,napagod ako sa litanya ko kaya dapat lang na umalis sila. Ngayon,pumila na kami ng maayos. Nauuna sa pila si Luke tapos si Paolo tapos si Keith then Andi and Bambi. Humarap sakin si Keith nangingiti.



"Boyfriend pala huh?"





"Oh,Shut up!"





Pagkatapos magzipline ay nagkahiwalay kami. Sino pa nga ba kasama ko edi si Keith!! Saya ko!

Nag-bike kami tapos naglakad lakad lang. Tumigil kami para kumain sa ice cream store. Tapos nagkwentuhan lang kami hanggang sa maging question and answer na.



"Tita mo lang kasama mo sa bahay?" tanong ni Keith.

"Yup."


"Ano yun? Kapatid niya mom mo o dad mo?"


"Neither."





Mukha namang naguluhan si Keith sa sinabi ko.

"7 years old ako nang inampon na ako ni Tita. Nanakawan siya nun,tapos ako ang tumulong. Bagong uwi siya sa Japan nun. Ang ganda nga niya eh tapos ang bait pa. Nang malamang palaboy ako ayun. Inampon na niya ako. Kaya mahal na mahal ko siya kahit na iba ang tingin ng iba sakanya."




"Nasaan ang magulang mo?"











--

Keith's POV

Naku,natahimik si Peach. Baka ayaw niyang sagutin.



"Huwag mo nang sagutin. Masyado na atang personal."





Pero ngumiti lang siya.



"Namatay ang mama ko nung 2 years old ako. Yun ang sabi ng lola ko. Tapos naman,ang papa ko walang pakelam sakin. Nang mawala ang mama ko, ako ang sinisi niya. Palagi niya akong pinapagalitan. Kaya buti nalang nandoon ang lola ko. Pero namatay din siya nung 6 years old ako. Matapos nun, palagi na akong sinasaktan ni papa. I was a battered child. Nang hindi ko na makayanan dun na ako naglayas at dun na rin ako natagpuan ni Tita."





I was shocked sa mga natuklasan ko. Hindi kasi halata kay Peach na malalim pala ang pinagdaanan niya. Paano,palagi siyang masaya.





"Asan na ang papa mo?"





"Nalaman ko na patay na siya nung 8 years old ako. Kaya naging legal na ang pag-adopt sakin ni Tita."



Buong pagkekwento ni Peach ay wala akong nakitang naiyak siya. Tuloy-tuloy lang. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang siya niyakap ng mahigpit.

"Keith??" halatang gulat siya.

"Hayaan mo nalang ako. I'm happy that you got through those rough times."

=========••••••=========

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/ask.fm)

I Love This BITCH [Fin]Onde histórias criam vida. Descubra agora