11- Revelations II

69.1K 1K 25
                                    

Angel's POV



Matapos namin masaksihan ni Keith ang ever romantic na sunrise ay bumalik na kami sa may tent. At ang mga kasama namin ayun!! Mga naghihilik pa. Kaya,bilang isang huwarang mamamayan. Haha. Hindi! Tutal maganda naman ako at gwapo si Keith, kami na ang nagluto at nag-asikaso ng almusal namin.



Nakakahiya naman kasi sa mga mahal na reyna at mga mahal na hari king paggising nila ay wala pang nakahain sa hapag-kainan di ba??



Magkatulong kami ni Keith na magluti, medyo natatagalan nga kasi sinasabayan namin ng daldal. Haha. Ewan, siguro blessing in disguise yung nangyari kagabi. Hindi ko sinasabing tama yung nangyari kagabi ha! Ang sinasabi ko lang is, dahil sa nangyari kagabi eto kami ngayon no Keith. Close kung close kami.



"*yawns* Goodmorning!!"





Napalingon kami ni Keith sa nagsalita. Si Bambi pala at kasunod niya si Andi na medyo magulo pa anv buhok. Maya maya lang lumabas narin sina Paolo at Luke.

"Okay na kayo?" tanong ni Luke.



"Oo. Nag-sorry na si Keith saakin."




"Buti naman. Nako Keith,ulitin mo ulit iyon lagot ka samin ni Bambi!" sabi naman ni Andi.



"Hindi na yun mauulit pa. I let go."




"Buti naman pare. Tama iyan." sabi ni Luke at umupo na.





Sabay-sabay na kami kumain tapos umuwi na kami sa resthouse at isa isa na kaming naligo. Last day na namin dito sa Bataan. Kaya sabay sabay na kami mamamasyal. Si Paolo na ang nag-drive. Katabi niya si Luke at kami naman ay nasa likod. Katabi ko si Keith. Hindi na nga kami ata naghihiwalay eh. Which is making me so kilig!!! Okay. Conyo! Yuck!

Bumaba kami sa isang adventure park. Maraming extreme activities ang pwedeng gawin like zipline,bungee jump an many more. Meron ding mga water sports like wake boarding and surfing. Meron namang mga biking lang para libutin ang buong lugar. Kaya maraming pwedeng pasyalan.



"Masaya ito!! Let's go!" sabi ni Paolo.

"Dun tayo sa bungee!!" tuwang tuwang sabi ni Bambi.

"Gusto ko sa Water sports!" sabi naman ni Andi.

"Ikaw Peach saan mo gusto?" tanong saakin ni Bambi.

"Kahit saan. Basta masaya."

"Hirap naman mag-decide! Zipline nalang tayo." sabi ni Paolo.



So ayun,sumang-ayon naman ang lahat kaya heto kami at nakapila. Ang haba lang ng pila pero okay lang. Nagkekwentuhan naman kami. Hanggang sa bigla nalang lumapit nang husto samin yung tatlong lalaking kasama namin. Kasi nauuna kami nila Bambi tapos nasa likod namin sila Keith. Eh ngayon, ginigitgit kami.



"Huy! Usod nga. Walang gitgitan." saway ko sakanila. Eh paano naman ang init na eh tapos gigitgit pa.

"Eh kasi yung mga nasa likod namin eh!" reklamo ni Luke.

"Anong problema sa likod niyo?" tanong ni Andi.

"Eh anooo kasii eh. Ano. ." putol putol na sabi ni Paolo.

"Hihilahin ko pa ba dila mo para ideretso mo iyang salita mo?!" naiirita sabi ni Bambi.

"Paano kanina pa sumisiksik samin yung mga babaeng nasa likod namin" mahinang sabi ni Keith.



I Love This BITCH [Fin]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora