CHAPTER 71 : LET GO

ابدأ من البداية
                                    

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"You'll be able to explain your side. Hindi lang kay Rhea kundi sa buong pamilya niya. Nagawa mo na ba 'yon dati?"

Dahan-dahan akong umiling. Paniguradong galit sa akin ang mga Marval kung nagtangkang magpakamatay si Rhea. Napahinga ako nang malalim sa ideyang 'yon. Tila may sumuntok sa dibdib ko at may nagbara sa aking lalamunan.

Hiniling ko na sana ay hindi 'yon totoo. Why? Why would she do that? She's brave. Nung umalis ako, okay siya. Nagagawa niyang tumawa kasama ang mga kaibigan niya. Hindi niya hinanap ang presensya ko. Ni hindi niya inalam kung nasa'n na ako. That triggered me to leave. Dahil hindi ko kayang makita siyang matatag na wala ako nung panahon na 'yon na hindi ko maisip kung paano ko mababangon ang sarili ko pagtapos niya makipaghiwalay.

Thinking about the attempt sent me to hell. Kung paano nauwi sa ganito ang lahat ay hindi ko na mawari. Maski ako ay hindi na makapag-isip nang maayos. Nahihirapan na akong umintindi ng rason. Bakit naging gano'n siya? Siya ang may gusto nito pero ba't ginawa niya 'yon sa sarili niya? The Rhea I know was brave. What happened to her when I left?

"Ren, I really think you two should talk. Hindi matatapos 'to ng walang closure. Consider the idea." Pamimilit ni George. She had been so persistent on encouraging me. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan na 'to.

And for the first time, nagsisi ako na hindi ako nakinig sa suhestiyon niya.

"Okay." Mahina kong sagot.

Nakahinga siya nang maluwag. "Good. Now, file a case against Luke Marval."

'Yon ang malabo kong gawin. Umiling ako. "No." Mariin kong sagot.

"Ewan ko sa'yo, Ren. Minsan, ang kitid mo rin. Iba naman ang issue niyo ni Rhea sa kaso niyo ng Luke na 'yon."

"Saka ko na pag-iisipan 'yan pag natapos na ako makipag-usap sa mga Marval."

Umirap siya. "Thank God. Now, you're making sense. This must be a miracle."

"I think you should come with me."

Natigilan si Georgia. "Saan?"

Kumunot ang noo ko. "In New Zealand?"

Nalaglag ang panga niya. "Nababaliw ka na ba?"

"What? Akala ko ba tutulungan mo ako? Isa pa, you suggested this."

"O-Oo, pero pabigla-bigla ka naman! Hindi ba pwedeng hintayin mo na lang silang umuwi?"

"And when is it? 10 years from now?" Sarcastic kong tugon.

"That's a bad idea in my part. Wala akong passport, even visa. I don't even have the money! I can't afford to pay a one-way ticket! Paano pa kaya pagpabalik na? Ikaw, wala kang problema kasi mayaman ka. Eh, ako? Ubos buhay, lagas pera 'yang ideya mo."

Huminga ako nang malalim at nilingon siya. "Ang dami mong sinabi. Ako na ang sasagot para wala ka ng reklamo."

Binatukan niya ako. "No thanks! Ayokong magkaro'n ng utang na loob sa'yo."

"Magkakaro'n rin naman ako sa'yo ng utang na loob pag naayos na 'to. Bayad ka na agad pagtapos."

"Wala akong pambayad sa perang sasagutin mo. Huwag mo na nga akong pilitin dyan sa ideya mo. Pauwiin mo na lang ang mga Marval rito."

"Woah. Parang napakadali niyang sinasabi mo." Marahan kong sinipa ang paa niya. "Come on, Georgia."

Pinanlakihan niya ako ng mata at sininghalan. "A-yo-ko! Huwag mo nga akong masipa-sipa dyan at baka dagdagan ko ang injury ng paa mo."

Stuck At The 9th Stepحيث تعيش القصص. اكتشف الآن