CHAPTER 70 : GO HOME

En başından başla
                                    

"Yeah, right." Nagpakawala siya nang naiiritang paghinga. "Just like your damn cousin. Huwag mong ipapakita sa'kin yung pinsan mong 'yon at baka kung anong magawa ko. I believe she was the one who poisoned your girlfriend's mind. Ang sarap pilipitin ng leeg."

Idinaan ko na lang sa tawa ang sinabi niya kahit ako ay nakaramdam rin ng matinding inis.  Hindi ko na ulit nakausap si Shai magmula nung huli at kung makausap ko ulit ang pinsan kong 'yon, hindi ko rin mapapangakong hindi sasabog ang galit ko.

"Tingin mo, uuwi rito si Rhea?"

Lumingon muli ako sa kanya. "Ba't mo tinatanong?"

Nagkibit-balikat siya. "Para madali ang usapan."

Napatuwid ako ng upo. "Talagang balak mo 'yon?"

"Why do you look so surprise? Ano namang masama ro'n? Wala naman tayong tinago sa girlfriend mo. Saka, ang sabi mo, you told her everything? Don't tell me natatakot ka?"

Napabuntong hininga na naman ako. "But I don't think that's necessary."

"Not necessary, your face." Sarcastic niyang tugon.

"Tapos magkakautang na loob ako sa'yo? Tss."

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Are you dumb, Ren? Natural, oo!"

"Seriosly, George. Hindi mo na kailangang gawin 'yon." Umiwas ako ng tingin. "Madadamay ka lang ulit. Tapos na kami. Siya ang tumapos. Then, ano? Ako na naman maghahabol? Makikiusap na naman ako at gagamitin pa kita?" Pinasadahan ko ang aking buhok dahil sa sobrang frustration.

"N-Napagod ka ba talaga?" Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang gulat at pagkalito sa kanyang mukha. "I mean, hindi kita nakilalang ganyan. Akala ko wala kang inuurungan. You always pursue what you want but now. . ."

"I've learned, George." Maikling sagot. "That explains everything. Hindi sa lahat ng oras, mahaba ang pasensya ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon, makakaya ko lahat. I was push beyond my limit at nasagad ako."

Napalunok siya at napayuko. "Sorry. Akala ko. . .Akala ko kasi kaya mo lahat. I want to talk with her to explain my side, not yours. I won't lie, Ren. Naaawa ako sa'yo. 'Coz, I also agree with you. You don't deserve to be broken like this. Kaya. . .kaya kung may maitutulong pa ako, ba't hindi ko iaalok? Me talking to her might be your last resort to make everything right."

Iyon naman talaga ang punto ng marami. Akala nila ay perpekto ako at masyadong nag-expect ng mataas sa akin, like my Dad. Kagaya ng sabi ni Georgia, nasanay silang gano'n ako. Malakas, mataas, hindi nagpapatalo, hindi tumitigil hangga't 'di nakukuha ang gusto. Pero lagi na lang bang gano'n? Do I have to live in their ideals? Do I have to be that kind of person who meets their high expectations? Do I have to stay like that? The truth is I got tired of making them understand. I don't think I have to continue on making them realize the changes. I am Ren Delgado and I live in a way that I want. I will live in a path that I choose.

Umiling ako ng marahan. Tama na yung isang taon paglimot ko sa kung sino ako para lang sa babaeng pinili kong pahalagahan pero tinapon lang ako.

"Tell me honestly, imposibleng hindi ka bitter sa ex mo."

Ngumiti ako. "Isn't that normal? We got bitter to someone because what we felt for them is genuine."

Natahimik siyang muli. Nang magsalita ay may tabang ang kanyang tugon. "Yeah. I guess, you're right." Hindi na ako nagsaliwa at do'n natapos ang usapan naming dalawa.

Pag nakatapos ako ngayong taon, hindi ko alam kung mag-aaral ulit ako magtatrabaho na. Gusto ko sanang mag-aral ulit pero magagawa ko 'yon kung magtatrabaho muna ako. Kailangan ko ulit mag-ipon. Bahala na.

Stuck At The 9th StepHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin