Nagsimula ang gulo sa buhay ni Lilliane nang sapilitang i-arrange marriage siya ng kanyang guardians kay Arnulfo Fuentes, isang 68-taong gulang na media magnate, para maisalba ang kanilang nalulugi na kumpanya. Pero ayaw niyang ito ang makinabang sa kanyang batang katawan, kaya nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang estranghero.
Ngunit isang gabi lang, nagbago ang lahat. Sa takot at galit, tumakas siya, tinakasan niya ang kanyang guardians at ang lalaking itinakdang pakasalan niya. Ngunit hindi lang sila ang naghahanap sa kanya—kasama ang estrangherong pinagkatiwalaan niya ng kanyang pagkababae, na mas lalong naging interesado matapos makita ang kanyang talino at tapang.
Kalayaan, kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—lahat ng ito ay nakataya. Sa mundo ng kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil, makakaya kaya ni Lilliane na labanan ang mga humahabol sa kanya… o mahuhulog siya sa mga kamay ng lalaking ama ng ipinagbubuntis niya?
xxx ❣ xxx
Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kuwentong nakalathala rito ay pawang mga kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay rito. Ang anumang pagkakatulad sa mga tao, buhay man o patay, o sa mga tunay na pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may-akda.
Ang anumang bahagi o kabuuan ng kuwento na ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may-hawak ng karapatang-ari.
A NIGHT WITH THE BILLIONAIRE
KARAPATANG-ARI © 2024 ni Ruri
Reserbado ang lahat ng karapatan.
ČTEŠ
A Night with the Billionaire (R-18, Available On GoodNovel)
BeletrieNagsimula ang gulo sa buhay ni Lilliane nang sapilitang i-arrange marriage siya ng kanyang guardians kay Arnulfo Fuentes, isang 68-taong gulang na media magnate, para maisalba ang kanilang nalulugi na kumpanya. Pero ayaw niyang ito ang makinabang sa...
