Prologue

8 0 0
                                        


Sa isang mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, may dalawang salita lamang ang may kakayahang baguhin ang kapalaran ng lahat—Command at Destruction.

Ang Pilipinas ay matagal nang hindi tulad ng alam ng mga tao—hindi lang ito bansa ng kultura, ganda, at kasaysayan. It is also the strongest ability territory in Asia. Dito ipinanganak at lumaki ang mga taong may pambihirang kakayahan na kayang talunin ang siyensya, batas, at minsan... kahit ang tadhana.

Pero sa mundong punô ng kapangyarihan, iisa ang tuntunin:

Kapag mahina ka, mamamatay ka. Kapag malakas ka, ikaw ang batas.

Sa gitna ng isang magulong gabi, sa isang lumang katedral sa Quiapo, isang batang lalaki ang nakaluhod habang umiiyak sa basag na altar. His skin was porcelain white; his body frail and trembling. Sa kamay niya, nakahandusay ang malamig na katawan ng kanyang mga magulang.

"Please... don't die..."
Mahina, basag, nagmamakaawa.

Pero ang mga luha niya ay tila walang silbi sa dami ng dugo na lumalangoy sa sahig. Sa dulo ng bangkay ng kanyang ina, nakasulat sa pader ang marka ng grupo na sumira ng kanilang mundo—The Black Organization.

Isang lalaking may duguang ngisi ang lumapit sa kaniya.
"Ang natitirang Guiverio..." bulong nito.
"Ang batang may tinig na kayang tubusin o lipulin ang mundo."

Fiore pinikit ang mga mata, nanginginig sa takot, galit, at dalamhati.

At unang beses na tumunog ang kapangyarihan niya.

"Die."

Isang salita lang.

At sumabog ang buong simbahan.

Walang nakaligtas.

Simula noon, kumalat ang isang alamat:

A boy with a voice that kills—and a face no one can look at without losing themselves.

Mula sa oras na makita ng isang tao ang mukha ni Fiore Rieo Guiverio, hindi na nila ito malilimutan. Hindi nila ito matatanggihan. Mamamatay sila para rito kung utusan.

Fiore did not ask for beauty.
Ni hindi niya ito kayang makontrol.
Ang tinig niya ay sumpa—
at ang kagandahan niya ay bitag na walang sinumang makakaligtas.

Kaya lumaki siyang mag-isa, sa mga eskinita, anino, at tahimik na ngitngit. Hinanap niya ang lakas hindi para mabuhay nang marangya... kundi para maghiganti.

--

Habang si Fiore ay tinuruan ng mundo kung paano mabuhay na mag-isa, lumaki naman ang isang lalaki sa tuktok ng lipunan.

Hedious Gael Donovo

The son of a former President
The genius of the Supreme Council
The Omega with the ability of Destruction

Sambitin niya ang isang salita, igalaw niya ang isang daliri, and cities can fall. He was feared by the corrupt, honored by the righteous, and groomed to lead.

Pero sa kabila ng lahat
sa puso niyang inihulma ng digmaan

wala siyang natutunang magmahal.

Hanggang sa makasalubong niya ang isang pangalan...

Fiore Rieo Guiverio.

Isang tinig na kayang baguhin ang realidad.
Isang kamay na kayang durugin ang mundong iyon.

Si Fiore—ang batang ninakawan ng lahat.
Si Hedious—ang lalaking ipinanganak para angkinin ang lahat.

At ang araw na magtagpo ang dalawang puwersang ito...
ay ang araw na titigil ang mundo sa paghinga.

Because destiny has chosen only two outcomes:

One will command.
One will destroy.
Or together... they will rewrite the world.







Love Commands RealityStories to obsess over. Discover now