Chapter 2- Be My Partner

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinawakan ko yung polo ng panjama ko at tumingin sa kanya ng nakangiti,tinanggal ko yung unang butones ng polo ko nakita ko naman na medyo nanlaki yung mata nya.

Sinunod ko naman yung pangalawang butones,that time napaiwas sya ng tingin,sinunod ko na yung pangatlo butones tumingin ako uli sa kanya at for the win,napalunok sya. HAHAHA

"Umalis ka na nga!"nanalo nga ako pero makatulak wagas! Pero hindi yon ang kinaiinis ko kasi eksaktong 7:30 na hindi pa sya lumalabas! Anong klaseng ligo yon lahat siguro ng singit nya kinuskos na nyang mabuti!

"Alien!!! BILISAN MO KAKAUNIN KA NA NG SPACESHIP NYO!"takte oh, wala na kong nagawa kaya kahit hindi pa ko naliligo nagbihis na ko ng uniform,yup nakakadiri talaga ako! Kesa naman ma-late!

Pagkabihis ko sakto naman na nakita ko na nakabihis na rin sya ng uniform,hinayupak talaga oh,na una syang lumabas ng dorm sunod naman ako hangang sa sumakay na sya ng motor.

"What are you doing?"napa 'Ah?' reaction naman ako,di naman obvious na makikiangkas ako.

"Makikiangkas,late na ko oh!"

"Asa ka naman iaangkas kita dito saka bagong ligo ako didikitan lang ng engkantong hindi pa nakakaligo."sabi nya na sabay lagay ng helmet,aba't sino bang dahilan kung bakit hindi ako nakaligo!

"Hoy parang ikaw ang dahilan nang--" okay I better keep shut up,pinaandar na nya yung motor,sama ng ugali ng ALIEN NA YAN!! itinataya ko sa bato hinding hindi ko tatawagin sa pangalan yang alien na yan!

Bumangon na ko sa pagkakadown heads ko at kukuhain na sana yung baon ko na may dumating na sirena.

"BEBE AIRIN!!!"sigaw ni bakla na may headband na ribbon sa ulo nya.

"Makasigaw ka parang wala ng bukas."sabi ko na walang gana.

"Ay mukhang BV si ate? Bakit aber?"

"Nakita kasi kita."

"Hahaha wag nga kayong ganyan,magmahalan kayo!"singit naman ni Jess na nilapit yung kanyang lamesa sakin para sabay ata kami kumain.

"Airin."napalingon naman kaming dalwa ni Jess kay Jerome yung boses kasi nya pang lalaki eh hindi pang bakla.

Napanga nga lang ako dahil bigla syang lumuhod sakin yung parang sa prince na parang mapropropose sa princess.

"Will you be my girlfriend?"

Konting dilim ng katahimikan para sa amin hindi ko kasi ma absurd yung sinabi ni Jerome eh,pero isa lang ang alam ko,NAKAKADIRI!

"HAHAHAHA!! Shabu pa Jerome!"bigla naman hirit ng tawa ni Jess,ako naman hinawakan ko yung buhok nito ni Jerome at sinabutan at may kasama pang sakal "Ikaw bakla ka!"sabi ko sa kanya habang sinasakal at sinasabutan. Si Jess naman taga tawa lang.

Napatigil lang ako nang pagsakal kay Jerome nang sabay kaming napa nga-nga kasi lumapit sa min si alien ay mali pala kay Jess lang sya lumapit.

"Ba-bakit?"sabi ni Jess,mukha naman na kinabahan bigla 'tong si Jess.

Hindi nagsalita si alien pero may ipinatong sya sa desk ni Jess at saka umalis na rin bigla at sumama dun sa mga kapwa nya alien.

"Girl ano 'yan?!"sino pa nagsabi nyan kung hindi tong baklang Jerome na 'to.

Binuksan na ni Jess yung sobre at tinignan yung nakasulat sabay naman kami ni Jerome na sumilip sa sulat.

"Be my partner."pagkakabasa ko sa sulat. Bigla naman nagseryoso yung mukha ni Jess.

My Cousin Is A Good KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon