Ang kapal talaga.

Napailing nalang si Zyline sa isip niya. She even mentally rolled her eyes.

"But I do care about your opinion. I am blunt, rude... but that's me. And I'm not going to change... even for you. But I don't want you to be like that towards me."

Humugot muna ng malalim na hininga si Zyline bago humarap kay Hunter. "I know that. You're cold and heartless, Hunter. Kaya alam kong walang magandang idudulot sa akin kung maglalapit tayo kaya pabayaan mo nalang ako." Lumakad siya palayo pero hinawakan ni Hunter ang kamay niya.

She looked at him. Wala siyang mabasang kahit ano sa mukha ng binata.

"You said you like me?" He asked. It's actually more like a statement.

Tumango siya sa binata. "I like you, yes. You like me, too, right?" she paused and sighed again. "Pero alam nating hanggang sex lang ang kaya mong ibigay, Hunter. Mas magandang mag-iwasan nalang tayo kung ganoon lang din naman ang mangyayari." Hinawakan niya ang kamay ni Hunter na nakahawak sakanya at tinanggal ito bago siya lumayo na ng tuluyan.

Inabala niya nalang ang sarili sa pagcheck kung maayos na ba ang lahat ng gamit at nailagay sa tamang ayos.

She's sure Mika will like this. Mamaya ay tatawagan nalang niya si Mika para sabihing okay na ang lahat para makapunta na din ito dito at masabi kung may babaguhin pa o wala na. Kung may gustong idagdag o wala na. Since discounted client si Mika, babawasan pa niya iyon dahil na rin katulong niya sa pag-aayos ang kuya nito.

Araw-araw narito si Hunter kaya naman alam niyang hindi ito nagpupunta sa opisina nito. Sa pagtatapos ng araw na ito, alam niyang hindi na sila magkikita pa ng madalas ng binata.

Wala naman na kasi silang pag-uusapan.

Babalik nalang sila sa dati nilang buhay. Sa dati nilang turingan. Life was easier back then. Alam nila na nag-eexist ang bawat isa pero wala silang pakialam.

Ang complicated na kasi ng sitwasyon nila ngayon. She can't even look at him on his eyes. Kasi alam niyang may nararamdaman na siya para kay Hunter.

Liking him was like opening a hole full of fear, hopes, doubts, pain... Lahat! Natatakot siya. Umaasa siya. Nagdududa siya.

At ayaw na niyang masaktan ulit. Wala pa ngang nangyayari sakanilang dalawa, nakakaramdam na siya ng sakit, ano pa kung magkaroon na?

Kapag nagmahal ka, masasaktan at masasaktan ka. Alam ni Zyline 'yon. Pero hindi naman ata tamang lagi kang masasaktan. Lahat ng tao, deserving maging masaya. Gusto niya ring maging masaya. Ayaw niyang magsimula ng relasyon na sakit agad ang mararamdaman niya. She really wants to be happy.

Naririnig niya ang pakikipag-usap ni Hunter sa staffs niya mula sa kinauupuan. Palihim niyang nilingon ang mga ito. Nagtatawanan ang mga ito habang nagmimirienda.

Iniisip ng mga tauhan niya na palakaibigan si Hunter, but he's not. He's not friendly, he's a flirt. Kaya naman ganyan ito kung ngumiti sa mga ito. Alam na alam talaga nito kung paano huhulihin ang kiliti ng mga babae.

Nagtama ang mga mata nila. Agad naman siyang nagbawi ng tingin at ibinalik ang mata sa hawak na cellphone.

Darating si Bobbie mamaya. Kanina kasi'y nagdesisyon ang mga ito na magcelebrate dahil sa natapos na trabaho. Naging habit na nila iyon sa tuwing nakakatapos sila ng project, nagcecelebrate sila. Hindi naman siya KJ para tanggihan iyon. Kadalasan pa nga ay sa Blue's Haven sila nagcecelebrate.

"I already asked Mika if we could use this place to celebrate, she said yes." Narinig niyang sabi ni Hunter sa mga staffs niya. Kanya-kanya namang papuri kay Hunter ang narinig niya mula sa mga ito.

Hunter's Temptation Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt