Chapter Three: Red Cheeks, Red Ears, Red Flags

Начните с самого начала
                                        

"Nice of you to join us, Mr. Seamon," seryoso niyang sabi.

"Good morning po, Ma'am," nahihiya kong sagot bago umupo sa tabi ng mga kabanda ko.

"Late boy," kantyaw ng mga tropa ko.

Sinadya talaga naming naka-block ang schedules ng klase namin para sabay kaming nag-i-in and out, tapos diretso practice na. No excuses for lates and absents sa practice. Ganoon kami kaseryoso sa contest na 'to. Lalo na ako—ayaw ko na talagang maulit ang nangyari dati... 'yung pagkatalo namin.

Lumipas ang mga oras — class after class — na para bang naka auto-pilot lang ako. Nagsusulat kuno, pero wala namang kahit isang word na pumapasok sa utak ko. Tawanan, kulitan with the band, sagot-sagot sa quizzes... the whole enchilada ng pagiging estudyante kasi wala ka namang choice kundi gumalaw kahit pagod ka.

Last period na.
At kung bakit naman kasi sobrang nakakaantok ang lesson kapag last subject na.
Hindi ko alam kung dahil sa teacher, sa init ng room, o dahil gusto ko na talagang lumabas at huminga ng fresh air. Alam mo 'yong feeling na atat ka nang matapos para mabuhayan ulit ng dugo pagdating ng uwian? Gano'n exact.

Habang nagta-take notes kuno ako, bigla akong napatingin sa bintana. Parang may switch na na-on sa utak ko.

Hindi na lesson ang iniisip ko at ang excitement ng uwian kundi 'yong araw na 'yon... 'Yong araw na hindi ko makalimutan kahit ilang taon pa ang lumipas. Nagsimulang lumipad ang utak ko pabalik.

FLASHBACK!

Mainit ang stage lights. Maingay ang crowd. Amoy pawis at excitement ang buong San Agustin gym dahil sa Interschool Battle of the Bands finals. Second to the last performer kami. Sa mga preliminary rounds pa lang, crowd favorite na kami. Confident ang buong banda — hindi mayabang, pero sure kami sa ibibigay naming performance.

Ako pa ang vocalist. Ako 'yong naghirap bumuo ng setlist. Ako nagpuyat sa arrangement. Halos magka-laryngitis na nga ako kakarehearse. Syempre, supportado at aprobado naman ng mga kabanda ko ang lahat ng ginagawa ko.

Tapos ayun na. We performed — at habang nagpe-perform kami, grabe ang hype, super sigawan. Kitang-kita mong enjoy na enjoy sila. 'Yung tipo bang nagkaka-goosebumps ka habang kumakanta kasi ramdam mong mananalo kayo.

End. At last, nakahinga kami nang maluwang. Bumaba na ang nerbyos. One hump crossed. Proclamation of winners nalang. Pagbaba namin ng stage, nagkatinginan kaming magkakabanda.

"That's it — first place tayo," sabi ni Andy, lead guitarist namin.

Nakangiti ako and I agreed. Sobrang confident ako. Amin na ang trophy.

"What an electrifying performance. Once again, give it up for The Stupid," sabi ng host. Nagpalakpakan ang mga tao para sa performance namin.

"And now, our last contender. Coming from St. Therese College, let us welcome..." pabibitin ng host habang pinapa-excite ang crowd. "Give it up for NO NONSENSE BAND!"

Dumagundong ang boses ng host sa gym.

Nagsigawan agad ang mga tao. Mabilis kaming sumilip at sinipat ang mga pagmumukha ng kalaban. Naka all-black sila. Uniform ang suot — black shirt na may print ng pangalan ng banda, tapos iba-ibang shades ng denim pants.

Sh*t! Napamura talaga ako. Lamang sila sa uniform sa loob-loob ko.

Hindi ko 'yon naisip. Ayaw ko kasing gumastos ng malaki mga kabanda ko. Pinili ko nalang dati kung ano ang pwede basta presentable.

What Might Have Been? (TAGALOG VERSION)Место, где живут истории. Откройте их для себя