Chapter Three: Red Cheeks, Red Ears, Red Flags

16 1 0
                                        

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng alarm ng phone ko. Pagtingin ko, 20 minutes na pala siyang tumutunog.

"SH*T, LATE NA AKO!"

Nagmadali akong tumayo, kinuha ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto, then diretso akong humarurot pababa ng hagdan papuntang banyo. Nadaanan ng mata ko si Celine na chill na chill nagkakape sa mesa, habang si Inay busy sa pagpupunas ng kung anu-ano sa sala.

"Ayun, late na naman ang kuya," rinig kong banat ni Celine hanggang sa pagsara ko ng pinto ng banyo.

"Di niyo kasi ako ginising! Alam niyo namang 8 AM ang first subject ko pag Tuesday!" sigaw ko pabalik.

"Ano pa silbi ng alarm mo, diba?" sagot niyang may kasamang tawa.

Nairita ako pero pinili ko nalang manahimik. Nag-hilamos, nag-toothbrush — wala nang oras para maligo. Kung mag-tricycle pa ako tapos mag-shower pa, lagot talaga ako. Parang nag-1-2-3 quick wash lang ako, then takbo ulit paakyat ng kwarto.

"Kain ka muna bago umalis! Kahit magkape man lang!" sigaw ni Mama mula sa baba.

"Hindi na po, Ma!" sagot ko habang hinahalukay ang cabinet ko. Kailangan ko ng outfit na may vibes today.

"Not this..." sabay hagis.
"Not this..." hagis ulit.

"Pwede na 'to."

Inulit ko nalang ang pantalon na sinuot ko kahapon. Kapag naghanap pa ako ng isa, mas lalo lang akong malelate.

"Bahala na," bulong ko habang nagpapabango at inaayos ang buhok sa harap ng full-size mirror.

Done. Gwapo ko talaga.

Syempre, kailangan natin yang i-remind sa sarili araw-araw.
Self-love is the key.

I grabbed my bag at patakbo pa rin ang pagbaba ko ng hagdanan. Dideretso na sana ako sa pintuan palabas ng bahay, pero pagtingin ko sa hapag-kainan, nakahain na ang umagahan namin. Pritong corned beef at sunny-side-up egg. Paborito ko.

Lumapit ako sa mesa pero hindi na umupo—sabay subo ng kanin with corned beef, tapos sinabayan ko ng itlog. Konting ngoya, inom ng tubig. Kumuha ako ng pandesal at sinuksok sa bunganga. Dali-dali akong naglakad papuntang pintuan para makalabas ng bahay dahil kaunti na lang talaga, hindi ko na maaabutan ang start ng first subject ko. Patay na naman ako kay Ms. Jackie (English Teacher).

Buti na lang talaga may dumaan na tricycle pagkalabas ko ng gate. Pinara ko agad habang inaayos ko ang T-shirt ko. Sumabit pa 'yong paa ko sa nakausling simento sa harap ng gate namin na pangharang ng tubig baha kapag umuulan.

"ARAY! P*TANG INA KA!" napasigaw ako habang kumakaway sa tricycle.

"Hala dong, hinay-hinay lang," sigaw sa akin ng driver.

"Okay lang ako, kuya. Salamat. BTS po," sabi ko habang pigil-hinga sa sakit ng paa ko, sabay pasiksik papasok sa loob ng tricycle.

Habang papalapit ang sinasakyan kong tricycle sa gate ng school namin, nakita ko 'yung mga kasabayan kong LATE din. Hahaha. Nakakatawa pero nakakabahala. Inabot ko kay kuya ang pamasahe at dali-daling isinukbit ang ID ko sa leeg, tapos patakbo na ako papuntang room ng first subject ko. Sakto naman, narinig ko ang bell. Hulas, hingal, at parang contestant sa Amazing Race.

Ayun, nag-start na nga ng recap of the previous topic si Ms. Jackie. Ibig sabihin, tapos na ang checking of attendance. Yumuko ako at dahan-dahang pumasok sa loob ng classroom para sana hindi mapansin ni Ms. Jackie, pero sa laki kong 'to—himala na lang kung hindi.

What Might Have Been? (TAGALOG VERSION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora