Nang makabalik ako ay nagpapahinga na rin yung iba. It was already 10 AM, kaya nagsipagpahinga na rin sila. Yung iba gumagawa pa rin, yung iba nakaupo at nagpapahinga habang nagku-kwentuhan.

Theo approached me at umupo sya sa tabi ko. "Hey." Tinignan ko sya at tinanguan ko ito. "Uhm—is Alexandre single?" Tanong nito sa akin. "Oo, bakit?"

"Wala naman, natanong ko lang." Tawa nito. "He likes you." Saad ko at kumagat sa hawak kong cinnamon bun. "What do you mean?" Tumingin ako sakanya at ngayon ay nagba-blush sya ng kaunti. "Are you dumb Theo? He likes you. As in. Ilang araw na raw syang nagpa-papansin sa'yo pero hindi mo sya pinapansin."

He looked at me and he was shocked. "Saakin sya nag—?" I nodded. "You're smart, but you're too slow when it comes to love." Tumawa ako at tumingin sakanya. "Ilang araw na syang nagpapapansin sa'yo pero wala ka raw pake sakanya."

"I thought kay Almirah sya nagpapapansin." Umiling ako at napatawa. "Kahapon nga nagrereklamo sya kay Alejandra, hindi mo raw sya pinapansin." Tawa ko. Napakamot ito sa ulo nya at tumawa ng bahagya.

Nagkwentuhan pa kami ng kaunti at bumalik na rin sa ginagawa namin. Sina Alejandra ay nagpahinga saglit kaya pinuntahan nya ako at nakiinom sa akin. I told her to bring my tumbler with her dahil hindi nga ako papasok mamaya. Pupuntahan ko pa yung baliw sakanila.

When I finished with what I'm doing, I told the others that I won't be able to help them later. Since I promised Jerren that I will go to their house to check on him.

Pumunta muna ako sa malapit na convenience store at bumili ng cream at compression bandage para sa sakong ng lalaking 'yon. Bumili rin ako ng isang box ng pizza para sa lunch namin. Hindi naman sya makakapagluto at hindi rin ako marunong magluto.

Sumakay lang din ako ng taxi papunta sakanila. When I got there, I noticed that their gate is opened. Nakita ko roon si Joaquin na papasok ng kotse kaya bago pa sya makasakay ay pumasok na ako. "Si Jerren?" I asked him.

"Nasa kwarto nya." Saad nito. I noticed that he's wearing the same wrist watch at yung singsing na tulad nung kay Alejandro. Bingo! They're dating.

Pumasok na ako sa loob nila at dumiretso ako sa kwarto nya. I knocked before I entered his room. "Xi—" Tawag nito at umupo sa kama nya. "Masakit pa?" Tanong ko sakanya. "A little."

"Tapos papasok ka pa kanina? Hanep ka ah." Inilapag ko sa coffee table nya yung  pizza na binili ko at kinuha naman yung cream. "Remove your sock." Utos ko, sakanya which he did. Nakita kong medjo namamaga pa rin yung sakong nito at nagkapasa rin.

"It's just a minor injury, why make a big deal out of hit?" Nilagyan ko ng cream yung sakong nya at hinilot 'yon. Diniinan ko yung paghilot at nakita kong napangiwi ito. "A-aray—"

"Mama mo minor inury." Saad ko. "Sorry if I upset you yesterday." Paghingi nito ng tawad. "It's fine. I'm just worried. Kahit minor injury pa 'yan, It worries me." I was massaging his ankle gently. I looked at him and he was looking at how I massaged his ankle.

"Bati na?" He asked and he looked at me. "Oo na. Sa susunod nga makinig ka sa akin, sapakin kita eh." After massaging his ankle, I wrapped it with the compression bandage that I bought earlier together with the cream. "That should help reduce the swelling."

Tumingin ako sakanya at ngumiti ito sa akin. "Thank you." Nginitian ko sya at tumayo. "Did you have your lunch already?" Pumunta ako sa coffee table at kinuha yung pizza at bumalik muli sa kama nito. "No, I was waiting for you."

"Then here's your lunch, I can't cook so—'yan nalang." Tawa ko. "I can cook if you wa—" Pinutol ko ang sasabihin nya at tinignan sya ng seryoso. "Manahimik ka." Saad ko at binigyan sya ng slice ng pizza.

Notes and Jerseys (University Series #1)Where stories live. Discover now