CHAPTER 4

5 2 0
                                        

Stay

I was on my way to the university. Hindi ako sumabay sa apat. Sinabihan ko sila na mauna na since tinatamad pa akong bumangon kanina.

Pagkarating ko sa university ay dumiretso ako sa pwesto nila Jerren. Good, may mga kaklase na sya. "Uhm—hello." Pagbati ko sakanila. "Hey. Brielle, tama ba?" Tanong nito sa akin.

"Yeah. I'm just here to tell you that Jerren won't be making it today. The nurse told him to take a rest." Paliwanag ko sakanila. They all nodded. "Alright, pasabi nalang na magpagaling sya."

I thanked them at pumunta na sa pwesto namin. Ibinaba ko yung bag ko sa upuan at kinuha yung cellphone ko. I typed a message for Jerren, telling him to stay home.

Brielle:

"Hey, stay home."

I waited for his reply.

Jerren:

"Why? Paalis na ako ng bahay."

Brielle:

"Then stay there. Magpahinga ka."

Jerren:

"Come one! Ang boring sa bahay!"

Brielle:

"Just wait there, I'll go there mamayang lunch."

Jerren:

"Okay, I'm in bed. I'll wait for you here."

Dali naman palang kausap eh. Tumungo na ako sa mga gagawin namin. It was 8:11 AM when I helped the others. Pintura dito, pintura doon. Since hindi pa confirmed na si Joaquin yung nasa post ni Alejandro, kailangan kong makita kung suot nila yung couple rings doon sa post nya.

I haven't been able to roam around since marami na ring ginagawa. I was cutting some of the wires and the others are bending them. Hindi ko alam kung para saan 'yon basta ko nalang sinusunod yung utos nila.

Ako lang din magisa ngayon, si Alejandra ay nasa gym dahil practice nila for the pageant. Kanya-kanya rin kami ng mga kaklase namin. Yung iba gumagawa ng banners, yung iba naman ay tumutulong sa float.

Yung iba sila yung lumalabas para bilhin yung mga kailangan namin. Hindi ko na rin sila pinapakealaman, mamaya kasi magkagulo pa kami rito.

"Brielle, nakita mo si Alexander?" Tumingin ako sa likod ko at nandoon si Prince may dalang tubig. "Bakit?" Tanong ko. "May ibibigay lang." I squinted my eyes at tumawa lang sya. "Nasa may malapit sa gate. Doon yung pwesto ng mga Architecture." Saad ko.

"Sige, thank you!" Tumakbo ito patungo sa direksyon na sinabi ko at mabilis itong nawala. I guess I don't need to plan their date on Saturday? Besides, wala pang binibigay na pera sa akin si Alexander.

Ang lalandi nila. Yung isa patago, yung dalawa naman gumagawa ng paraan. I thought wala silang balak lumandi pero hindi na pala nagsasabi sa amin. Tumayo ako at kinuha yung iba pang wire na pinapaputol nila.

"Brielle! Can you hand me the pliers?" Sigaw ni Almirah. I handed her the pliers at tinignan yung ginagawa nya. "What are you doing?" Tanong ko sakanya. "Pinapa-bend, para daw magmukhang tangkay ng puno." Saad nito. Tinanguan ko sya at bumalik ulit sa pwesto ko.

Nung natapos ko na yung ginagawa ko, tumulong na ako sa iba na naglilinis, dahil marami na rin yung kalat sa pwesto namin. When I finished cleaning up, nagpaalam muna ako saglit sakanila para kumain. Nagugutom na ako.

Kinuha ko yung wallet ko sa bag at tumungo na papuntang cafeteria. When I got there, wala masyadong students kaya mabilis akong makakabili. Bumili lang ako ng cinnamon bun tyaka na umalis. May tubig naman ako.

Notes and Jerseys (University Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora