Chapter 1 - Trying to Let Go

7 0 0
                                        

Matagal nang pinipilit ni Jeo na itaboy ang nararamdaman niya kay Yanna.
Alam niya sa sarili niya, kung iaamin niya ang gusto niya, baka masira lang ang friendship nila.
Parang bula na pumuputok sa isang iglap.
"Kaya mo 'to, Jeo. Chill lang. Friend lang siya,"
paalala niya lagi sa sarili.

Pero kahit pilit niyang itinatanggi, may mga sandali na hindi niya maikakaila ang kirot sa dibdib tuwing nakikita niyang masaya si Yanna kasama ang iba.

Isang araw, habang nagta-travel sila sa Coron, nadaanan nila si Darius isang lalaking kumakanta sa may isang spot na pinanuntahan ng Ong Fam sa Coron. "Sasama kaba saamin?" tanong ni Tito Geo na may ngiti. At mula noon, isinama na si Darius sa mga susunod na trips.

Sa mga biyahe nilang iyon, naging malapit si Darius kay Yanna. Hindi lang basta kaibigan halos lagi silang magkasama sa bawat adventure, tawa, at kwento.

Si Jeo naman, pilit na tinatanggap ang closeness nila. Pero minsan, hindi maiwasang makaramdam ng selos. "Okay lang 'to... okay lang..."
bulong niya sa sarili, habang pinagmamasdan sina Yanna at Darius na nagtatawanan at may sariling mundo.

Bago bumalik ang mga magulang ni Yanna sa Manila, kinausap nila siya. "Baby girl, babalik na tayo sa Manila tomorrow," sabi ng mom niya.

Ngunit agad na umiling si Yanna.
"Mas gusto ko po manatili dito kina Tito Geo at Tita Janice" sagot nya niya. "Mas madami po akong nararamdaman dito, mas adventurous ang buhay. Hindi tulad sa Maynila puro lang po gusali, malls, at galaan na walang nature. Nakakaboring na po." sambit pa nya

Since only child siya at naka-homeschool naman kahit nasa Maynila, pumayag na rin ang mga magulang niya.

Mula noon, halos araw-araw ay kasama niya sina Jeo at Darius sa mga lakad at adventures.
Si Jeo? Pilit pa ring itinatago ang puso niya.
Pero sa bawat tawa ni Yanna kasama si Darius, lalo lang lumalalim ang nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung kailan, pero sigurado siya sa isang bagay hindi pa rin nawawala ang feelings niya kay Yanna.

Isang araw, nagplano ang Ong Family ng nature trip. Kilala naman sila mahilig sa mga adventure at nature spots.
Habang nasa biyahe, may nakita silang ilog - malawak, malinaw, at malalim.

Pagdating nila roon, bumaba na lahat ng tao.
Si Naynay (Ate Mafe) at Siko ang nag-ayos ng pagkain, sina Domeng at Kuya Addie sa lamesa, at ang iba nama'y busy rin sa kani-kanilang gawain.
Si Jeo at Yanna naman, nakaupo sa gilid, sabay nag-aasikaso ng schoolwork pareho kasi silang homeschool at magka-grade level.

Maya-maya, tinawag sila para kumain.
Matapos kumain, halos lahat ay naligo sa ilog, maliban kina Tita Janice, na abala kay baby Meimei.

Si Yanna, dahil hindi marunong lumangoy, nanatili lang sa gilid.
Pero bigla siyang hinila ni Siko papunta sa tubig, hindi alam na hindi siya marunong.

"Siko!" sigaw ni Jeo, agad tumakbo papunta sa ilog.
"Hindi 'yan marunong lumangoy!"
Hinawakan niya agad si Yanna at dinala sa gilid. "Ay, sorry! Sorry!" sabi ni Siko, halatang nagulat.

Ngumiti lang si Yanna.
"Okay lang, hahaha! Pero turuan n'yo na lang ako lumangoy, please!"
Si Tito Geo na mismo ang pumili ng magtuturo sa kanya.
"Jeo, Siko- kayo na bahala kay Yanna."

Umalis na ang iba mula sa tubig, habang naiwan sina Jeo, Yanna at Sikosa ilog.
Dahan-dahan siyang tinuturuan ni Jeo at Siko- paano huminga, paano umalun-alon, paano magtiwala sa tubig.

Maya-maya, nakakalangoy na siya ng kaunti.
"Grabe, finally! Hindi na si Jeo agad ang sasagip sa 'yo,"
pang-aasar ni Siko habang nakangiti.

"Grabe ka, Siko!" sagot ni Jeo, sabay tawa.
Si Yanna, tumawa lang din at sa sandaling iyon, kahit alam niyang pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman niya,
hindi niya maitago ang ngiti.








"Actually alam ko na walang makakabasa neto hihi, boring lang"
- Author

The promise that stayedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora