Chapter 4: New bestfriends
*Cindy's POV*
*riiiiiiiiing*
*riiiiiiiiiing*
ah -O- anong oras na ba?
4:30? okay. 5 minutes pa!
*riiiiiiiiing*
*riiiiiiiiing*
haaaay ang bilis naman ng 5 minutes! Makatayo na nga! -.-"
obvious naman. First day of school ngayon. Mamayang 8:00 palang ang pasok namin.
siguro nagtataka kayo bakit ang aga kong nagising no? Ganyan na talaga ako since elememtary. haha. di ko nga rin alam kung bakit eh
two weeks na rin pala ang lumipas simula nung araw na samahan ko yung star apple na tarsier na yun. Di ko na siya nakita simula nun. Kahit pa sinabi niya na magka-village lang kami. Di naman kasi ako masyadong lumalabas ng bahay
Nakwento ko na rin sa aking bestfriend ang mga nangyari. At ayun,kinilig! Haha. Tinanong niya nga kung napalitan na ba si Christian sa puso ko. Eh sabi ko naman di ko mahal yun. Ang nararamdaman ko siguro sa kanya infatuation lang no.
Ayaw ko muna ma-inlove. Di pa ko ready! Haha
nakooo tama na nga muna ang daldall! Kakain muna ako ^o^
pagkababa ko nakita ko si Mama naghahanda na ng pagkain.Si ate naman nakaupo na rin dun. At as usual ang aking kuya at ang bunso namin ay tulog pa -.-"
"Good morning Ma. Good morning Ate" bati ko
"Good morning din anak." sabi naman ni mama
"Good morning din JC"sabi naman ni Ate
"Oh maupo ka na at kumain. Gigisingin ko lang muna ang mga kapatid niyo" sabi ni Mama
"Sige po" sabay naman naming sabi ni ate
"Ate, kumusta naman sa school na pinapasukan mo?" tanong ko
"Maganda at maayos naman dun. Doon mo din ba balak mag-college?"
"Oo sana. Tutal doon rin naman kayo ni Kuya eh"
"Mabuti naman"
"Ate may boyfriend ka na ba?" tanong ko na ikinabigla naman ni Ate, halos mabilaukan pa yata siya eh "Ate okay ka lang? Oh eto tubig oh" sabi ko sabay abot dun sa tubig
"Salamat" sabi niya "Diba alam mo naman na wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko?"
.
"Opo. Bakit nga ba ate? Ang dami-daming nagkandarapa sayo sa school diba? Dahil ba kina Papa? Kasi ayaw mong maapektuhan ang pag-aaral mo?" tanong ko.
"Hindi naman sa ganun. Gusto nga nina papa, bago man lang ako makagraduate eh may maiharap na akong boyfriend sa kanya. baka daw kasi tumanda akong dalaga. Haha. Tingin ko naman hindi makakaapekto sa pag-aaral ko yun" sagot naman ni Ate
"Oh ayun naman pala ate,wala namang problema. Bakit wala ka pa ring sinasagot?" tanong ko pa
"Eh kasi wala naman sa mga manliligaw ko ang gusto ko" sabi niya tapos namumula pa
"Ayieee si ate may nagugustuhan. Sino ba yun ate? Pupuntahan ko! Aba,sa ganda mong yan, di siya nanliligaw sayo?"
"Baka kasi di naman ako ang type niya no. Kaklase ko siya since high school. Pero di naman kami masyadong nag-uusap. Magkakausap lang kami sa tuwing may groupwork o kaya naman ay pairwork. tapos tingin" kwento ni ate
YOU ARE READING
Missing Half (Ongoing)
Teen FictionBawat isa sa atin naghahangad na maging masaya sa buhay. Gusto natin ng isang masaya at buong pamilya, mga maaalaga,masasaya,mababait,mapagmahal at matutulunging mga kaibigan at isang tao na magmamahal sayo ng tapat at totoo. Gusto natin lahat na ma...
