Napahiga ako, hawak pa rin ang phone sa dibdib, nakatulala sa kisame. Parang ang tahimik ng buong kwarto, pero ang ingay ng utak ko.
Baka poser lang siya, no? Baka niloloko ka lang. Tangina naman.
Pagdating ng umaga, hindi maganda ang gising ko. Mabigat 'yung ulo, mabigat pati loob. Paglabas ko ng kwarto, wala na naman si Draco. Good—ayoko rin siyang makita.
Pagdating sa campus, napansin agad ng mga kaibigan ko.
"Hoy, Sid," si Rowan, kumakaway, "bakit mukhang pinagsakluban ka ng mundo?"
"Wala," maikling sagot ko, sabay upo.
"May LQ kayo ni Draco?" singit ni Ashton.
Napairap ako. "Hindi lahat ng bad mood tungkol kay Draco, okay?" Pero halata naman sa tono ko na kasinungalingan 'yon.
Tahimik lang ako buong araw, kahit sa training hindi ako makafocus. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino, kahit si Reed napansin na rin.
Pag-uwi ko sa gabi, kinuha ko ulit phone ko—hoping na may message si Andri. Pero ang nakita ko lang ay 'last seen: yesterday 10:45 PM'.
Parang tinusok 'yung dibdib ko.
So, nilaro mo lang ako? sabi ko sa isip ko, habang mariing napapikit.
At doon ko lang naramdaman 'yung totoo—na hindi lang pala inis ang nararamdaman ko. May halong lungkot. May halong takot. Kasi baka sa huli, pareho lang silang mawawala—si Draco at si Andri.
Pagbukas pa lang ng pinto, bumungad agad si Draco—basang-basa pa ang buhok, mukhang bagong dating lang. Sandali silang nagkatitigan, pareho yatang nagulat, pero walang gustong maunang magsalita.
Tahimik lang. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko, at sa totoo lang, ayoko talagang makita siya ngayon. Kaya imbes na magsalita, napairap na lang ako at nagpatuloy ng lakad paakyat sa kwarto.
"Sid—" tawag niya, pero hindi ko siya pinansin. Binilisan ko pa nga 'yung hakbang ko at diretsong pumasok sa kwarto, sabay sara ng pinto.
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili.
Putangina naman, bakit ba ako ganito kaapektado?
Umupo ako sa study table, binuksan ang laptop, at sinubukang mag-review para sa paparating na midterms. Pero kahit anong basa ko, hindi pumapasok sa utak ko. Ang naiisip ko lang ay 'yung mukha ni Draco, 'yung titig niya kanina, at 'yung awkward na katahimikan naming dalawa.
"Focus, Sid," sabi ko sa sarili ko, sabay hampas sa mesa.
Pero ilang oras na pala akong nakatitig lang sa parehong pahina ng notes ko.
Hindi ko alam kung gutom, pagod, o inis—pero lahat yata 'yon pinagsama-sama. Ang tanga ko rin kasi, kanina pa kumakalam 'yung sikmura ko pero ayokong lumabas. Ayokong makita siya.
Nilingon ko ang wall clock—malapit nang mag-alas dose.
Tangina, mamamatay ako sa gutom nito.
Napabuntong-hininga ako, tumayo, at kinuha 'yung hoodie jacket ko sa upuan. Hindi na rin ako nagpalit ng pajama, kinuha ko lang wallet at cellphone, at marahang binuksan ang pinto.
Pagbaba ko ng hagdan, madilim na 'yung buong sala—patay na ang ilaw, tahimik ang buong unit. Pero paglingon ko sa direksyon ng kusina, may mahinang ilaw pa.
Naglakad ako palapit, dahan-dahan, at doon ko nakita.
May nakahain sa mesa. Fried rice, adobo, may itlog pa sa gilid—paborito ko pa naman 'to.
Napatingin ako sa paligid, pero wala si Draco.
Tahimik lang, pero ramdam ko 'yung presensya niya kahit hindi siya nakikita.
"Tss..." bulong ko, sabay ngiti ng mapait. "So, may paki ka pa pala sa'kin?"
YOU ARE READING
Between the Closed Door (Between Lines #5)
Romance[R-18 strictly for adults ONLY] BETWEEN LINES SERIES #5 Draco and Sid Draco and Sid have been best friends since childhood - bonded by broken homes, shared dreams, and music that stitched them together. Now in home, they live under the same roof, l...
Chapter 10
Start from the beginning
