Distance
Ramdam ko na. Kahit hindi sabihin ni Draco, kahit wala siyang diretsong salita—nararamdaman ko na dumedistansya siya sa'kin. At 'yon ang pinakanakakatakot.
Minsan na lang kami magkausap kahit pareho lang kami ng unit. Para kaming dalawang estranghero na nagkakasalubong sa pintuan, nagbabatian ng "hey" o "kumain ka na?" pero hanggang doon lang. No more long talks before sleeping, no more shared breakfasts, no more random teasing sa gitna ng gabi.
Kung dati, halos sabay kaming umaalis, ngayon... gigising ako, wala na siya. Pag-uwi ko, andoon lang ang bag niya sa couch pero wala siya. Tapos pag tulog ko, doon lang siya dumarating. Parang sinasadya niya talagang iwasan ako.
Naiirita na ako sa setup namin pero pinipigilan ko sarili ko. Kasi ako naman ang nagsabi, 'di ba? Na gusto kong maging masaya siya, na gusto kong kilalanin niya 'yung iba. So who am I to complain? Ako rin naman ang nagbukas ng pinto para lumayo siya.
Kaya ayun, tinutuon ko na lang kay Andri ang lahat ng atensyon ko.
Every day, chat kami. Kahit simpleng, "Kumain ka na?" o "Grabe 'yung prof ko kanina"—nagiging highlight ng araw ko. Ang weird kasi, parang kahit hindi ko siya kilala nang personal, sobrang gaan kausap. Minsan nga naiisip ko, why does she remind me so much of Rion? Parehong direct, parehong tahimik pero may bigat 'pag nagsalita.
One time nga, napadalas na naman ang rant ko sa kanya.
Me: "Hindi ko alam kung ako ba may mali. Bigla na lang siyang naging cold. Like, hindi ko naman siya sinasabihan ng masama pero parang iniiwasan niya ako."
Andri: "Maybe he's just busy."
Me: "He's always busy now. Dati kahit gaano ka-hectic, may time siya. Pero ngayon parang... wala na."
Andri: "Then why are you bothered?"
Me: "Kasi bestfriend ko siya."
Andri: "Or maybe more than that?"
Napahinto ako sa pagbabasa.
Or maybe more than that?
Napakagat ako ng labi, sinubukang itago sa tawa 'yung pagkailang.
Me: "You're overthinking. Alam mo, ang galing mong mang-asar."
Andri: "Hindi ako nang-aasar, Sid. Minsan, denial comes from fear."
Hindi ko na alam kung ano ang isasagot.
Kaya pinatay ko na lang 'yung screen, humiga, at tumingin sa kisame. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin sarili ko na okay lang lahat—hindi ko maalis sa isip ko 'yung tanong ni Andri.
Am I really just scared? Or am I really losing Rion... for real this time?
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit kulang pa sa tulog. Hindi ko alam kung dahil ba nasanay na akong walang Draco sa tabi, o dahil may kung anong kaba na naman sa dibdib ko. Paglabas ko ng kwarto, wala na naman siya. As usual. Pero may mga plato sa sink, may mug ng kape sa mesa—senyales na umalis na siya nang hindi man lang ako ginising.
Okay lang, Sid. Sanay ka na.
I tried to shrug it off habang kumakain ako ng tinapay. Habang tahimik akong nakaupo, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Bumble.
Andri: Good morning. Did you sleep well?
Napangiti ako kahit papaano.
Me: Barely. I think I overthink too much.
Andri: About him again?
Me: Yeah... I guess.
Andri: You're trying to move on while still holding on, that's why it hurts.
Ang bigat ng sinabi niya. Minsan, naiisip ko kung may pinagdadaanan din ba siyang katulad ko, kasi parang ang daling magbigay ng mga salitang ramdam ko hanggang loob.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Between the Closed Door (Between Lines #5)
Romance[R-18 strictly for adults ONLY] BETWEEN LINES SERIES #5 Draco and Sid Draco and Sid have been best friends since childhood - bonded by broken homes, shared dreams, and music that stitched them together. Now in home, they live under the same roof, l...
