Pagkatapos kong mag-reply, nagbihis na ako para pumasok. Sa campus, ganon pa rin—magkakabarkada kami pero iba 'yung aura ni Draco. Tahimik, parang laging may iniisip.

At habang naglalakad ako papunta sa gym, narinig ko pa sina Selena at Rowan na nagbubulungan.

"Uy, si Draco ah—may kasama na naman."

"Si Janine 'ata 'yung lagi niyang kasabay lately."

Napahinto ako. Parang biglang sumikip 'yung dibdib ko. Janine?

Hindi ko alam kung bakit automatic akong napalingon at hinanap siya sa crowd. At ayun—nakita ko si Draco, nakangiti. Nakangiti. Hindi 'yung tipikal na half-smirk niya, pero 'yung genuine.

Kasama nga niya si Janine. Magkatabi silang naglalakad papuntang Arts building.

Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong karapatan, 'di ba? Hindi naman kami. Pero bakit parang may kumurot sa dibdib ko nang makita silang magkasabay?

Sinubukan kong hindi isipin pero buong araw akong tulala. Ni hindi ako makafocus sa drills. Reed had to snap his fingers sa harap ko.

"Sid, you good?"

"Yeah... just tired," sabi ko, sabay pilit ng ngiti.

Pero hindi ako okay. Hindi ako mapakali. Kaya pag-uwi ko, dumiretso ako sa kwarto.

Pagkapasok ko, binuksan ko agad phone ko.

Me: Hey, Andri... can I ask you something personal?
Andri: Sure. What is it?
Me: What if... the person you're trying to move on from is smiling because of someone else?
Andri: Then that means they're finding happiness. But the real question is—are you happy for them? Or are you just scared they'll never look back at you?

Hindi ko alam kung anong sagot. Kasi totoo, hindi ako masaya. At hindi lang takot 'yung nararamdaman ko—may halong sakit, may halong inis, may halong selos.

Pero bago pa ako makapag-type ng reply, narinig kong bumukas ang pinto sa sala.

Naroon si Draco. Pagod pero nakangiti. May hawak siyang paper bag—at kahit ayaw kong aminin, narinig ko pa siyang nagsabi ng "Salamat, Janine." bago isinara ang pinto.

Doon ko lang tuluyang naramdaman 'yung bigat sa dibdib ko.

Tangina, Sid... akala mo ba madali 'tong laro na 'to?

Padabog akong umakyat ng kwarto, halos mabasag na nga 'yung hagdan sa diin ng hakbang ko. Hindi ko alam kung kanino talaga ako naiinis—kay Draco ba o sa sarili ko. Tangina, Sid, kasalanan mo rin naman 'to ah, bulong ko sa isip ko habang hinahampas ang unan sa kama.

Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin sarili ko, mas nangingibabaw 'yung inis kay Draco. Akala ko ba bestfriend kita? Tapos ngayon, parang hindi mo na ako kilala?

Kumulo lalo ang dugo ko habang tinititigan 'yung kisame.

"Gaganti ako!" sabi ko sa sarili, halos pasigaw. "Akala mo ikaw lang ang marunong lumandi ng personal, ha?! Sige, tingnan natin!"

Kinuha ko agad ang phone ko sa side table, sinilip ang chat namin ni Andri sa Bumble, at walang pag-aalinlangan na nag-type:

Me: Hey, Andri. Do you have time today? Maybe we can finally meet? Like, coffee or something?

Tumingin ako sa oras. 10:43 PM. Medyo late, pero baka gising pa siya, sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang screen.

Nag-refresh ako ng ilang beses. Wala.

Nag-scroll ako sa chat history namin, nagbasa ng mga lumang conversation, naghintay ulit. Still nothing.

Ilang beses akong napatingin sa phone hanggang sa mapagod ako. 11:30... 12:15... 1:00 AM. Wala pa ring reply.

Between the Closed Door (Between Lines #5)Where stories live. Discover now