Activity #1: PREWRITING

53 2 0
                                    

Masaya at kuntento na si Andy sa kan'yang buhay, kahit isa na siyang ulila. Nar'yan naman ang kan'yang matalik na kaibigan at nobyo, na walang sawang sumusuporta sa kanya. Sila na rin ang pumupuno sa puwang sa kan'yang puso, na matagal nang iniwan ng kan'yang mga magulang, na nang ambanduna sa kan'ya.

Ngunit, hindi niya inaasahan, na ang kinagisnan at simpleng buhay na mayroon siya sa mundong ibabaw ay bigla na lamang maglalaho na parang isang bula.

Pagkatungtong niya sa edad na ikalabing-walo, lahat ng akala niyang imposible ay naging posible. Lahat ng lihim ay nabunyag, kabilang na rito ang kan'yang tunay na katauhan at maging ang katauhan ng ilan sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Hindi makapaniwala si Andy na ang alamat na ikinukuwento lang sa kanya ng taong kumupkop sa kanya ay hindi lamang talaga isang alamat, kung 'di isang katotohanan na pilit niya lang ikinukubli sa kan'yang sarili.

Ang puso niya ay napuno nang galit at poot nang malaman niya ang tunay na katauhan ng kan'yang mga magulang at ang tunay na rason nila kung bakit siya inabanduna ng mga ito. Ito ang naging dahilan upang sumama siya sa magulong mundo ng Arcadia, upang makapaghiganti.

Doon ay nagsanay siya bilang isang mandirigma ng Lauresia, ang kalabang kaharian ng kan'yang mga magulang. Nais niyang totohanin ang propesiyang nag-udyok sa kan'yang mga magulang upang itakwil siya.

Pagkatapos magsanay ng halos isang buwan, inatasan siya at ang kan'yang nobyo at kaibigan na maging espiya sa kaharian nang kan'yang mga magulang. Doon ay natutong nakihalubilo si Andy at nakita kung gaano kamahal ng mga mamamayan ang kan'yang mga magulang.

Noong una'y inakala niya na tuluyan nang nabulag at nalinlang ng kan'yang mga magulang ang mga mamamayan ng Atlantia, ngunit nagkamali pala siya. Tunay nga na may mabuting kalooban ang kan'yang mga magulang at napatunayan niya iyon nang magtagpo ang kanilang mga landas at magkausap.

Sa pangyayaring iyon, may isang bagay pa siyang natuklasan na hindi niya inaasahan at nakapagpagulo sa kan'yang pag-iisip. Sa puntong iyon, hindi na niya alam kung ano ang katotohanan at ang kasinungalingan. Kung sino ang nagsasabi nang totoo at nagsisinungaling sa kan'ya.

Dahil sa litong-lito na si Andy, hindi na niya alam kung ano pa ang kan'yang gagawin. Ang poot na kan'yang nararamdaman noon ay biglang nawala at napalitan nang uhaw sa pagmamahal ng kan'yang mga magulang.

Isang araw, natagpuan na lamang niya ang kan'yang sarili na masayang nakikipag-usap at nakikihalubilo sa kan'yang mga magulang. Tuluyan na niyang nakalimutan ang kan'yang misyon.

Habang kasama ni Andy ang kan'yang mga magulang, wala siyang maramdaman maliban sa kasiyahan. Kung kaya't napagdesisyunan na niyang sabihin sa kan'yang kaibigan at nobyo ang plano niyang pagbunyag sa kan'yang tunay na katauhan at kukumbinsihin niya rin ang mga ito na itigil na ang digmaan.

Para kay Andy, isa itong magandang desisyon dahil nasisiguro niyang maiintindihan siya ng kan'yang kaibigan at nobyo at susuportahin tulad ng dati. Ngunit, nagkamali pala siya ng akala. Nahuli niya ang kapangahasan ng mga ito at hindi niya inaasahan na mayroon silang lihim na relasyon at matagal na siyang niloloko ng mga ito at ginagamit upang manalo sa digmaan. Simula pa lang, alam na ng mga ito na siya ang kahinaan ng kan'yang mga magulang at alam din nila na handang gawin ng kan'yang mga magulang ang lahat, matagpuan at makapiling lang siya muli. Kahit ang kanilang buhay at buong lupain ng Atlantia, ay kaya nilang itaya at isakripisyo para lamang sa kan'ya.

Tatakas na sana si Andy upang sabihin ang lahat-lahat sa kan'yang mga magulang at para hindi na matupad ang masamang plano ng kan'yang kaibigan at nobyo. Ngunit, sa kasamaang palad, nahuli siya at nadakip ng mga ito.

Lahat ng ikinakatakot na mangyari ni Andy ay mukhang mangyayari na dahil nasa kalaban ang kanilang alas, walang iba kung 'di siya. Akala niya'y matatapos na ang lahat, ngunit simula palang pala ng lahat.

Dahil sa nawawalan na siya ng pag-asa at wala na siyang maisip na solusyon, maliban ang wakasan ang kan'yang buhay, handa siyang mag-sakripisyo mailigtas lamang ang kanilang kaharian at matuldukan lang ang kasamaan ng mga kalaban.

PhantasmDär berättelser lever. Upptäck nu