"Yeah right. Every guy has a balls" komento naman ni LWB.

"But you're an exception" singit ko, kaya napatingin siya sakin at masamang tumingin.

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Tahimik lang kaming tatlo hanggang sa bumaba na ang pinakamamahal kong ama na malaki ang ngiti.

"Buti naman magkakasundo na kayo" sabi ni Papa. "Luto mo Trystan, anak?"

Tumango si Cone. "Yes Pa. Try it. Makakarating ka rin sa heaven tulad ni Pam na hanggang ngayon hindi na makabalik sa lupa. Hahahaha"

"Bilib talaga ako sa imagination mo" sabi ko pero ngumiti lang siya ng ngiting aso. Tsk.

"Malapit na pala ang pasukan niyo. Saan ka nga pala napasok Ian?" tanong ni Papa kay LBW.

"Sa Grand University po"

Tumaas ang kilay ko. Akalain mo yun schoolmate pa kami. Ang malas ko naman.

"Talaga? Doon din napasok itong unica hija ko. Anong course mo?"

"Architecture po"

"Nasa iisang department lang kayo ni Pam, kaya siguro magkalilala kayo, magkaklase ba kayo?"

Umiling si LWB "Hindi po, ahead ako sa kanya ng isang taon"

Small world talaga. Sa sobrang liit yung mga taong ayaw mong makasama, sumisiksik pa.

"I see, how about you Trystan? Sa Alabang ka pa din ba?" baling naman ni Papa kay apa.

"Still thinking about it"

"Tsk. Nag-iisip pa, bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo" sabi ko.

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita kikay"

Sinamaan ko siya ng tingin. Bastos! Walang modo! Ang chaka ng kikay!

"Apa!"

Tumawa lang siya pati na rin si Papa. Pagkaisahan ba daw ako?! Ukinam!

"Kain pa Kikay!" sigaw ni Cone matapos makarecover sa pagtawa. "Ikaw din dude. Masarap yan, niluto ko yan!"

Napailing na lang ako.

Tahimik lang akong kumain at umakyat agad sa kwarto ko pagkatapos.

Walang kwenta magstay. Sayang oras. Magbabasa na lang ako.

Malapit na daw ang pasukan, ibig sabihin malapit na ang birthday ko! Yes! Magkakakotse na ko. Hindi ako papayag na hindi kotse ang ireregalo sakin ni Papa.

Tinignan ko ang kalendaryo at isang linggo na lang pala at birthday ko na! Nako. Kailangan ko nang makausap ang akong butihing ama.

Lumabas ako ng kwarto at nagmadaling bumaba para hanapin si Papa.

Nakita ko sa sala ang dalawang bwusita. Kapal ng mga mukha. Feel at home pa!

"Pamela" sabi ni LWB na tumayo pa pagkakita sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip "Nandito kapa din? Ano bang kailangan mo?"

"I want to date you" sabi nito.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Pinagpustahan niyo din ako? At talo ka na? Date your ass LWB." sabi ko saka siya iniwan.

"Pa!" nakita ko si Papa sa garden na nagtatanim na naman ng kung anu anong klase ng halaman.

"Anak"

"Malapit na yung birthday ko. Gusto ko ng kotse yung katulad ng kay Apa. Aasahan ko yan a! Love you Pa!" sabi ko saka nagtatakbo papasok sa loob ng bahay.

Nakasalubong ko pa ang nakangiting asong apa.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?" tanong ko.

"Wala ka talagang originality. Gaya gaya!" sabi niya.

"Psh. Wala akong pakielam sa iniisip mo! Tabi nga!" sabi ko saka siya tinulak at nagtuloy sa pagakyat ng hagdan.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong unregistered number.

"Sino to?" tanong ko agad sa caller.

"Chill. It's, Ian. Gu--"

Pinutol ko na ang tawag. Walang kwenta. Tsk.

Di ko gets e.

Bakit nya pa ko ginugulo e nasa kanya na nga ang phone niya? Wag niyang sabihin may damage yun at papabayaran niya sakin. Aba! Sobra na! Baka magulpi ko pa ang LWB na un!

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nagluwa ng isang apa.

Mga bwisit sa buhay. Bakit ba ako napaligiran ng asungot? Kinginang yan.

"Kikay" nakangising asong sabi niya.

Binato ko siya ng unan.

"Woah! Chill!"

"Anong ginagawa mo dito? Ayoko ng may pumapasok sa kwarto ko"

"So what? Papa ko na naman ang Papa mo. Hindi na ko ibang tao" sabi niya pa nang hindi natatanggal ang ngising aso niya.

"Tsk. Umalis ka na lang. Shoo!'"

"Psh. Ang harsh mo talaga sakin. Oh" may kinuha siya sa bulsa niya at hinagis sa kama ko. "It looks good on you. Palagi mong isuot ha" sabi pa niya sabay ngisi saka tumalikod at naglakad na palabas.

Good To YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя