Ang Sikat na Aktor at Ako Part 3

5.9K 105 7
                                    

Pedestal


Chapter 3

Hihiga na sana ako nang tumunog ang iphone ko.

"Hellow. Napatawag ka bespren?

"OMG! Makinig ka! Hindi ka maniniwala pero this is it!" kinikilig na bungad ni Tzekai.

"Ano nga nga! Daming pasakalye."

"Nag-open ka ba ng fanpage natin para kay idol?" tanong niya. Halata ang kilig sa boses .

"Hindi pa. Anong meron?"

"Pwes! Magbukas ka. Bilis. Buksan mo ang laptap mo ngayon din at basahin mo ang message sa akin ng nagngangalang Edu Morales. Nagpakilala siya bilang Talent Manager ni Mark Kym. This is na talaga. Whoooh!" may kasunod pang sigaw.

"Wait! Huwag mo akong binibigla ng ganyan bespren at nanginginig ako." sagot ko.

Mabilis kong binuksan ang naka-off kong macbook. Parang ang napakatagal sa pakiramdam ko ang sandaling pag-i-start-up nito. Nanlalamig ang aking mga kamay.

"Nabuksan mo na ba? Basahin mo ang message niya, dali."

"Huwag mo akong inaapura puwede? Kapag natataranta ako nahihirapan akong huminga. Relax okey? Hindi natin hinahabol ang oras dito." Sagot ko pero sa totoo lang ako yung atat na atat mabasa kung ano ang sinulat ng nangngangalang Edu Morales na binibida niya.

Kaagad kong pinindot ang facebook icon sa desktop. Pinindot ko ang messages at nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa ko ang conversation ni Tzekai at Edu.

"Nandiyan ka pa ba?" tanong ko nang mahimasmasan.

"Oo. Ano bilib ka na ba? Iniimbitahan niya tayo kahit sampu lang daw. Admins at members ng "Markian" para sa guesting ni idol sa Gandang Gabi Vice sa Linggo."

"Nabasa ko nga. Paano ka naman nakakasigurong hindi nanloloko ang nagmessage na ito sa'yo. Baka mamaya pinapasakay lang niya tayo." Nagdadalawang isip pa din ako.

"Di mo ba nabasa na hiningi niya ang number ko?"

"Oo, binigay mo nga and your conversation ends there. Maliban na lang kung tinawagan ka niya." Huminga ako ng malalim.

Ayaw ko paring mag-expect kahit sa totoo lang ay sinasabayan ko ang pag-uusap namin ni Tzekai ng isang panalangin sa Diyos na sana ito na. Napakatagal na akong fan at sana makita ko lang naman sana siya ng malapitan.

"Tinawagan lang naman niya ako." casual ang pagkakasabi ni Tzekai. "At nagconfirm lang naman ako na pupunta tayo with our banner and all. Magpopost ako sa fan page natin ng mga walong puwedeng sumama sa atin. Bespren, this is na!" kinikilig parin siya

Hindi ako makasagot. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Nangatog ang tuhod ko. Umupo ako at huminga ng malalim.

"Hello! Ced? Nandiyan ka pa?"

"Oo. Sandali lang at ina-absorb ko pa ang lahat. Nanginginig ako bespren. Ito na ba talaga to?"

"Yes, ito na to. Bukas pagawa na tayo ng cute banner natin at go na tayo sa GGV sa Linggo. My God! Kinikilig ako! Sige na. Bye! Need ko ng mahabang beauty rest. Malay mo mapansin ako ni idol. Bye!"

"Ilusyonada ka din e." Naputol na ang linya.

"Yes! Yes! Whoooo! Yes!" napapasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Noon ko naranasang tumawa mag-isa. Nang naglaon ay bumagtas ang luha ng kaligayahan sa aking pisngi. Halos hindi ako makatulog magdamag sa sobrang excitement.

Pedestal (Ang Superstar Actor at Ako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon