Summary

37 1 0
                                    

              Bakasyon na ni Andrew Buado galing Metro Manila, nagbakasyon sila sa kanilang prubinsya sa Pangasinan. Isang binata na matangkad, maputi, may dimples, at napaka gwapo ngunit sa kabila ng kagandahan ng phyisical appearance, sobrang bad boy naman nito lahat na ata ng bisyo natikman na niya. Anak ni Don Miguel  Buado, may ari ng Creamfield farm sa Pangasinan. Doon sari sari ang kanilang pananim, iba't ibang klaseng prutas at gulay ang kanilang negosyo. 

             Doon sa kanilang pag totour ay si Aling Merdes ang nagpapaliwanag kung anong gulay ang mga pananim at prutas ang mga puno. Sa likod nila Don Miguel ay sila Andrew at Wendy. Si Wendy ay nakangiti at kinikilig parin matapos ang nangyari kahapon. Ngunit sa kanyang pagtitig sa binata ay hindi parin siya napapansin ito dahil nalilibang ang binata sa mga magsasakang nagtatanim. At pag dating sa mga puno, ay doon nalamang naalala ng binata ang nakita niya kagabi. Nang sila ay umabot sa pinaka dulo ay umikot nalamang sila Aling Merdes. Pero mapilit itong si Andrew at hinila si Wendy pabalik sa malaking bakuran.

             Ngunit ang binata ay nanatili roon at naghahanap ng butas sa bakod. Ngunit nabigo ito. Hanggang sa biglang may kumislap sa kanyang mga mata. Isang gintong bilog. Kanyang linapitan at nakita ang isang napakaliit na pintuan na natatakpan ng mga dahon na kumakapit at gumagapang sa pader. 3 hakbang lamang ang laki nito at gawa sa kahoy habang kulay ginto ang doorknob. At sa kanyang pagpihit ay nalamang ito ay nakasara. Kanyang naaalala ang susi na nakita malapit sa bintana. Kanyang tinakbo at binalikan ito sa kanyang kwarto. Habang napatingin ang kanyang ama sa kanyang pagmamadali.

"Ayos!.. hah! nalapitan din kita...hayy... masmalamig pala dito" kanyang linapitan at sa kanyang pag hawak sa puno ay may damit na nakakalat sa sahig at ilang pirasong libro. Isang dalagang lumalangoy sa batis ang umagaw pansin. Isang babaeng mistisa at napakakinis ng balat, isang napakagandang dalaga, sa kanyang pagangat sa tubig ay kanyang hinaplos ang mahaba nitong buhok. Habang ang binata ay napatitig sa dalaga. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at nanlamig. Hanggang sa biglang may kumaluskos doon ay napatingin ang dalaga sa kanya.

"Ahhmmmm... hindi ako yun..." guilty na pasabi ng binata.

"Ahhhhhhh!!......bastos!!!!...." biglang napasigaw ang dalaga. Bigla namang namula ang binata at napatalikod.

"Sorry!.. di ko sinasadya....." nagmadaling paalis ang binata.

"HOOY! teka wag ka muna umalis...!!!!" Nagmadaling nagbihis ang dalaga. Tense na tense ang itsura ng binata at hindi makapagsalita. Pagkatapos nitong magbihis bigla nitong hinarap ang binata.

"Anong nakita mo?!!!...."

"Ahhmm...." kabado ang binata.

At anong ginagawa mo dito???...." 

Napatitig muli ang binata sa sobrang ganda ng dalaga.

Sa kakadaldal ng dalaga ay bigla siyang hinalikan ng binata at pinigil ang mga kamay nito na isasampal dapat sa binata. Napapikit ang dalawa, ng inihinto ng binata at biglang sinabi na...

"Sorry...." biglang sinampal ito ng dalaga at tumakbo.

Kanyang hinawakan ang pisngi at dinilaan ng binata ang kanyang dulong labi kung saan siya ay sinampal at napangiti. Paalis narin sana ito ngunit siya ay napatingin sa mga libro na naiwan ng dalaga. Kanya sanang hahabulin ang dalaga ngunit madilim at hindi rin makita ang pinagdaan ng dalaga.

Kanyang tinignan ang libro na may pamagat na "The Butterfly In Your Stomach" at "The Curse of Juan Dela Cruz" At sa likod nito nalaman nitong ito ay hiram sa isang library at nakapangalan sa huling dalaga na ang pangalan ay DIANA LEE.

The Secret PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon