Minsan, nagtataka na rin ako sa sarili ko. Kahit na binibigyan na ako ng dahilan ni Justine para huwag na siyang lapitan o huwag na siyang kausapin ay hindi ko pa rin iyon ginagawa.

I always find myself having interest on him.

I always find myself wanting to see him, wanting to talk to him.

And I just couldn’t seem to know why.

It feels like I’ve been with him before. It seems like I’ve known him for so long.

Was it really possible to feel like you know someone for your whole life without really knowing who he was?

“Alam mo, tingin ko, gusto mo siya.”

Parang nagpanting ang magkabilang tainga ko nang sabihin iyon ni Demi.

Automatically, my brows furrowed. “Duh!? Sa ugali niyang ‘yon?”

“How about sa itsura niya?” she said, grinning.

Hinagis ko sa kanya ang throw pillow na hawak ko at agad niya namang nasalo iyon bago pa man tuluyang mag-landing sa mukha niya. Then she let her tongue out.

I rolled my eyes. “Singkit siya. Maputi. Matangkad naman pero mas matangkad si Aaron. Tap—“

“Wait, wait, wait. Stop!”

I stopped and looked at her.

“Bakit nadamay si Aaron?”

“Kino-compare ko lang para ma-imagine mo!”

“Okay, fine. Continue.”

“He has pointed nose. Very neat manamit though hindi masyadong ma-porma. He looks good.”

“Good lang?” she smiled.

“He’s cute,” I admitted.

Her smile widened. “Cute lang?”

I heaved a sigh. “Fine. Gwapo siya.”

“The more reason you might fall for him.”

~*~

Maagang nag-dismiss ang Professor namin sa last class ko kaya maaga rin akong dumating sa HA Office. Si Ate Cams pa lang ang nandoon, as usual, kaya pinili ko na lang munang makipag-kwentuhan sa kanya dahil mamaya pa naman mag-sisimula ang hectic na editing namin para sa sports advocate ng Harrison.

Nag-simula na kasi ang University League kaya nadagdagan na naman ang articles na mga gagawin namin.

“Ali, may contact ka ba kay Paul?” tanong ni Ate Cams when she saw me approaching to her table.

“Paul?”

She nodded.

“Sino’ng Paul, Ate Cams?”

Tumigil siya sa pag-ttype at saka tumngin sa akin for a while. “Si Justine.”

“Ah! Sorry, akala ko kung sinong Paul. Justine kasi ang pagkaka-kilala ko sa kanya,” paliwanag ko while settling down on the chair in front of her table.

“Oo nga. Bakit nga pala ‘yon ang tawag mo sa kanya? E lahat naman ng taong nakakakilala sa kanya dito sa Harrison, Paul ang tawag sa kanya.”

This was news to me. Akala ko it’s the other way around. “Talaga, Ate Cams? I thought you were the only one calling him Paul.”

Umiling si Ate Cams. “Ikaw lang ang tumatawag sa kanya ng Justine.”

“’Yun kasi ang pakilala niya sa akin nung una kaming magkita.”

“Oh,” usal niya na para bang may malalim pang iniisip. “Baka for a change lang.”

I nodded, unsure. “Baka nga.”

Matapos iyon ay inutusan niya akong tawagan si Justine ngunit hindi naman ito sumasagot kaya nakiusap na lang si Ate Cams na puntahan ko ito sa room niya at i-excuse.

Isa-isa na kasing nagdatingan ang mga staff at naisipan ni Ate Cams na biglaang magpa-tawag ng meeting para mas maging maayos at appealing ang mga gagawing articles tungkol sa University League this year.

Dahil may record naman kami ng schedule ng bawat staff ng advocate ay madali ko lang nahanap kung saan ang room ni Justine sa mga oras na iyon.

Sumilip muna ako sa room nila at hinanap kung saan siya naka-upo. Una kong tinignan ang likurang bahagi ng room ngunit hindi ko siya nakita doon. Mali pala ang hinala kong doon siya naka-pwesto dahil naroon siya sa front row at seryosong nakikinig sa professor nila kahit na mukhang ang ibang kaklase niya ay antok na antok na.

He’s so admirable, I thought.

But I dismissed that thought quickly before I find myself drooling. Yes, drooling. Because he looked so beautiful. Heaven-sent beautiful.

“Sir? Excuse me po?” I said when I entered their room.

“Yes, Miss?”

“May I just ask permission to excuse Mr. Salcedo on your class? He’s part of the Harrison Advocate and we’re going to conduct a meeting for a short while. Here’s the excuse letter, Sir,” mabilis na paliwanag ko at saka inabot sa kanya ang folder na dala ko.

He signed it and faced his class.

“Mr. Salcedo, you’re now excused in my class.”

Mabilis namang tumayo si Paul at kinuha ang bag niya. Nag-diretso lang siya palabas ng room nang hindi man lang nagpapa-salamat sa Professor niya.

I followed him. “Nice manner you have there, huh.”

He stopped in front of the elevator. “Ako na lang ba ang kulang?”

“Yep,” tipid na sagot ko.

Pinili ko na lang na huwag nang magsalita hanggang sa makarating kami sa office dahil alam ko namang ayaw rin niya akong makausap. Kahit na higit sa dalawang buwan palang kaming magkakilala ay nasanay na rin ako sa ugali niyang bipolar.

Kahit na minsan ay nakakainis na, pinipili ko na lang na huwag nang ipahalata pa sa kanya dahil lalo lang siyang mang-iinis hanggang sa kung anu-ano na naman ang mga salitang lalabas mula sa bibig niya. Mga salitang ayaw kong marinig dahil punung-puno lang naman ng kalokohan.

No wonder he’s a writer. He can use such words to tame a woman.

Bago niya buksan ang pinto ng office ay huminto siya at saka tumingin sa akin. His eyes were too small I couldn’t figure what he was thinking.

Napatigil ako for about one foot away from him.

“Ayokong um-attend sa meeting,” he finally announced.

Naguluhan naman ako. “Huh?”

“I want to go somewhere.”

“Saan naman?” naguguluhan pa ring tanong ko. “Hindi ka pwedeng umalis. May meeting tayo.”

“It’s about sports news, right?”

I nodded.

“Hindi namana ko sports journalist kaya okay lang na huwag akong um-attend.”

“Duh!? Kahit na. you’re still a part of the advocate. Tsaka pina-sundo ka pa ni Ate Cmas sa’kin, ‘no. Ano, masasayang lang ang effort ko?” walang prenong pahayag ko.

“Actually…” he paused, taking a few steps towards me. “Walang masasayang,” he finally said nang makalapit siya sa akin. “Let’s go!”

Bigla niyang hinawakan ang wrist ko at hinila palayo sa HA Office.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako pumalag nang hatakin niya ako hanggang sa makalabas kami ng Harrison.

Mabilis siyang pumara ng taxi and the next thing I know, magkatabi na kami sa back seat.

He was giving instructions to the driver but all appeared to be muted for me.

Nakita ko pang ngumiti sa akin si Paul before the engine started.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें