Kabanata 31

18.3K 299 11
                                    

Kabanata 31

Stephanie's POV

"Yes. Yes. I'm coming there. Okay." ang sabi ni Inigo sa kabilang linya bago ito ibaba.

"Inigo, may problema ba?"

"I just need to go to construction site my angel." ang ngiting sagot niya.

"Sige. Samahan na lang kita."

"No my angel. Just stay here. Huwag mo na lang akong hintayin mamayang lunch okay? Baka mga hapon na ko makabalik."

"Sige." ang sabi ko at lumapit siya sa akin para bigyang ako ng halik na agad kong ginantihan.

"Damn! I really need to go my angel at baka hindi na ako makaalis." ang pilyong sabi niya bago lumabas ng pintuan.

Halos isang buwan na rin akong nakatira at nagtatrabaho sa kanya at sa panahong yun ay may mga nagbago. Kung paano ako makitungo at kumilos noon sa kanya. Kung dati ay palagi akong naiilang sa kanya ngayon ay hindi na. Komportableng komportable na ako rito na parang walang nangyaring blackmailing sa namin. Sa tuwing may mga ginagawa siyang mga sweet na bagay sa akin ay hindi ko mapigilang mapangiti at isiping napakaswerte kong babae. Tuwing nagseselos siya ay hindi ko mapigilang sobra sobrang kiligin na parang high school student ako. Tuwing hinahalikan niya naman ako ay hindi ko mapigilang hindi siya gantihan at sa tuwing may nangyayari sa amin ay nakakaramdam ako na parang nalulunod ang pagkatao ko sa sobrang sarap at kasiyahan.

Alam kong mali ang lahat ng nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan dahil hulog na hulog na ako sa kanya na anytime ay gagawin ko ang lahat ng gusto niyang ipagawa. Iniisip ko na ang tanga ko na nahulog ako rito pero sa lahat nang ginawa at ipinakita niya sa akin ay napakaimposible naman siguro na hindi magkagusto ang isang babae sa kanya.

'Hindi siya magkakagusto sa akin.' Ang palagi kong ipinapasok sa isipan ko na nagpapaiyak sa akin. Hindi niya ako magugustuhan dahil sa simula't sapul ay laruan lang niya ako at itatapon na lang basta basta kapag pinagsawaan na. Napapatawa na lang ako ng pagak sa tuwing naiisip ko yun. Masakit. Sobra na parang tinutusok ang puso ko. Minsan ay gusto kong ibaling sa ibang lalaki ang nararamdaman ko pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko kasi mapigilang isipin na baka gusto niya rin ako base sa mga ipinakita niya sa akin. Kung paano niya ako alagaan na parang may kasamang pagmamahal. Napakamaalaga, gentleman at seloso niyang tao kaya hindi ko maiwasang hindi isipin na baka kahit 1% man lang ay may gusto rin siya sa akin. Napakaassuming ko dahil sa iniisip kong yun pero sa kalagayan kong 'to ay 'yon na lang ang magagawa ko. Ang umasa na sana kahit napakaimposible ay magkagusto rin siya sa akin.

Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko dahil baka maiyak pa ako sa iniisip ko. Sa halos isang buwan na pagtatrabaho ko rito ay marami na akong mga naging kaibigan. Sina Ma'am Rina, Ma'am Liza at Ma'am Raquel na nauna kong nakilala. Sina Charlene at Nathan na binabae tulad ni Lee na silang palagi ko nang nakakasama ngayon at mga iba na nakakausap at nakakasabay kong kumain ng tanghalian sa tuwing wala o may meeting si Inigo. Lahat ng mga kaibigan ko ay babae at may pusong babae at ni isa ay walang lalake. Nakakausap oo pero mga ilang minuto lang dahil sa napakaseloso niya na bigla bigla na lang akong hahawakan sa bewang na parang ipinapakita na sa kanya lang ako o di kaya ay hahalikan sa harap ng mga empleyado niya kaya may mga ilan na naiinis sa akin. Naiinggit dahil sa 'kami'.

Napatigil ang ginagawa ko nang narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya agad akong lumapit para pagbuksan ito.

"Oh Char bakit? Wala ngayon dito si Sir Inigo eh. Hindi mo ba siya nakitang lumabas?" ang tanong ko kay Charlene.

Sir Inigo parin ang tawag ko sa kanya kapag hindi kaming dalawa ang makausap o magkasama kahit na sinasabi niyang Inigo na lang. Noong unang umpisa ko rito ay sinabi niyang Sir ang itawag ko sa kanya pag may kasama kaming ibang empleyado nito pero bigla na lang nagbago at Inigo na lang ang gusto niyang itawag ko sa kanya pero tumanggi ako dahil ayokong maging unprofessional sa trabaho. Sa huli ay wala pumayag na rin siya na Sir ang itawag ko sa kanya.

My Obsessive and Possessive Blackmailer BossOù les histoires vivent. Découvrez maintenant