Medyo late na ako nang pumasok, tapos sakto pa na English agad yung first subject namin. Nagpapaayos ng upuan si sir, by partners daw. Naging partner ko si Dal, buti na lang kakilala ko na siya since last year.
Habang tumitingin ako sa paligid, iniisip ko kung paano makikibagay sa mga bagong kaklase. Tapos ayun, doon ko siya nakita.
Si Fia.
Ang ganda niya, as in tipong mapapatingin ka talaga. Mukha siyang matalino, pero may dating na parang mahirap lapitan. Ewan ko, pero nung nakita ko siya, parang sandaling tumigil lahat kaso natakot din ako. Ang ganda kasi niya, pero mukhang masungit.
Pero kahit ganon, gusto ko siyang makilala. Gusto ko maging close kami. Gusto ko... maging kami.
<><><><><><><>
Kinabukasan, nagpaayos ng bagong seating arrangement 'yung adviser namin. Habang sinasabi niya ang mga bagong upuan, tahimik lang ako pero umaasa sana, kahit papaano, mapalapit ako kay Fia.
Tapos tinamaan ako ng swerte, naging ka-row ko si Fia at 'yung kaibigan niyang si Iya. Kilala ako ni Iya kaya agad niya akong kinulit.
"Hoy, sino crush mo dito sa room?" tanong niya bigla habang nakangiti.
Medyo kinabahan ako. Akala ko kasi nahalata niya na paminsan-minsan ay napapatitig ako kay Fia. Kaya nag-isip ako ng palusot. Naghuhula siya ng mga babae sa room, tapos bigla niyang sabi, "Si Fia noh?"
Ngumiti lang ako, sabay tanggi. "Hindi ah, si Gil pa rin yung gusto ko," sabi ko, kahit sa loob-loob ko, alam kong kasinungalingan yun. Kasi ang totoo, si Fia na talaga yung gusto ko.
Kinabukasan, sinabihan kami ng adviser namin na magdala ng candy per row, para daw may makain kami sa likod at hindi na kailangang pumunta pa sa canteen.
Wala talaga akong planong magdala, kasi sa totoo lang, wala akong pera noon.
Pag-uwi ko sa bahay, napansin kong may nag-chat.
Si Fia.
"Hi, nakabili ka na ba ng candy para sa row natin?" tanong niya.
Napahinto ako sandali. Hindi ko inasahang siya mismo ang unang magme-message sa akin.
Agad akong nag-type ng reply:
"Di pa, pero ako na bahala. Bibili ako Mamaya"
"Ah okay, sige. Thank you ha " sagot niya.
Simpleng chat lang, pero grabe, parang buong gabi akong nakangiti.
Hindi ko alam kung dahil sa emoji niya o dahil sa totoo lang... masaya lang akong kinausap niya.
At doon ko naisip, baka nga may chance talaga.
