"Seeing Angel Again"

Start from the beginning
                                    

Tulog na tulog na si Angel sa sahig ng suite ni Russell. Nagulat pa si Russell nang mapansin 'yon. Imbes na dalhin niya ang dalaga sa kama ay mas minabuti niyang ihatid 'to sa sariling suite ng hotel.

Marahan niyang inilapag ang katawan ni Angel sa malambot na kama nito. He removed her heels. At naupo siya malapit sa ulunan ng dalaga. He rubbed her beautiful hair. At pinahid niya ang luha ng dalaga. He stayed there throughout the night. Binabantayan ang dalagang himbing sa pagtulog. Nakaupo at isinandal ang ulo sa headboard ng kama.

Naunang nagising si Angel kinabukasan. Di niya alam kung bakit parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa kanyang katawan. Di siya makagalawa. Naiinitan siya. Halos di makahinga.

She closed her eyes again and remembered Russell. Their conversations together. And how his lips touched hers. Ang alam niya'y naririto sila ng lalaki sa sarili niyang suite. But she can no longer remember what did he ever tell her! Parang gumagalaw na lang ang bibig nito. She remembered how she looked at the ceiling and see no one but their reflections. Nakapatong si Russell sa kanyang katawan habang nagsasanib pwersa ang kanilang mga labi. She could still feel his alluring kisses.

Did they ever sleep together? At labis na lang ang pagkagulat ni Angel nang makitang may mga paang nakadantay sa mga binti niya. May brasong nakayakap sa tagiliran niya. May braso siyang ginawang unan. Gano'n na lang ang gulat niya nang malingunan nang tuluyan si Russel.

Lalo pa at wala itong suot na pang-itaas na saplot. Sumigaw si Angel. Yung malakas na sigaw dahilan upang magising si Russell.
Dahil nataranta si Russell ay wala na siyang alam na iba pang gagawin upang mapatigil si Angel.

Mabilis siyang gumalaw at agad niyang sinelyuhan ng mga halik sa labi si Angelica. Nanlalaki naman ang mga mata ng dalaga dahil sa ginawa ng binata. Nanlalaban siya ngunit tila ay wala naman siyang lakas upang gawin 'yon.

Nang ma-siguro ni Russell na napatigil na si Angelica ay agad na siyang nagsalita.

"Don't make a scene. Di ko lang namalayan na maging ako ay nakatulog. I'm sorry." Sabi ni Russell."Napagkamalan mo kasi na Suite mo ang Suite ko. Talaga ba'ng wala kang naaalala?"

Angel tried to close her eyes and tried to remember anything. Ngunit wala siyang matandaan. Napatingin siya sa kanyang dibdib. Naisip niyang mukhang di naman siya nahubaran.

"Russell, I don't remember anything at all. Would you mind telling me what happened?" Sabi ni Angel at ibinalabal sa lantad niyang mga braso ang dalawa niyang mga palad.

"Gusto mo ba'ng ipaalala ko saiyo ang mga ginawa natin kagabi?" May himig panunuksong sabi ni Russell. Mabilis namang umiwas si Angel ng tingin.

"Teka nga Mr.Buencamino. Akala ko ba ako ang aksidenteng nakapasok sa Suite mo?" Aniya dito. Nakakunot ang mga noo.

"Oh well, sa haba ba naman ng nilakbay nating dalawa kagabi eh kita mo naman pati dito'y umabot pa tayo, di ba?" Sabi ni Russell sa dalaga. Halatang nang-aalaska lang. Sa isang iglap ay nakita na lamang ni Russell na ibinato na ng dalaga sa kanya ang throw pillow nitong hugis-puso.

"Bwisit ka!" Naiinis na sabi ni Angel sa kanya. Nang mapadako naman ang mga mata ni Russell sa kanyang wrist watch ay nagulat naman siya dahil umaga na pala.

"My God! My investors." Marahang sambit ni Russell at agad niyang dinampot ang shirt niya at ang coat niya sa bedside table. Palabas na sana siya sa suite ni Angel nang biglang iharang ng dalaga ang katawan sa may pinto.

"At ano'ng tingin mo sa sarili mo, sini-swerte? Pagkatapos mo ako'ng pagsawaan kagabi ay agad-agad mo na lamang ako'ng iiwanan? Mr.Buencamino, what do you mean by that?" Naiinis na sabi ni Angel. Hindi alam ni Russell kung ba't ganon na lamang katindi ang resulta ng sinabi ni Angel sa kanya. So, naniniwala pala 'tong may namagitan nga sa kanila kagabi?

How Could An Angel Be a Mistress?Where stories live. Discover now