At biglang inilabas ni kuya ang first self-titled album ni Dexter.

"Oh eh di akin na lang 'to?" Pang aasar ni kuya habang winawagayway ang CD ni Dexter na natanggal na ang protective plastic cover.

"Ay nasa iyo pala yan! Waaa! Akin na yan. Kanina ko pa hinahanap yan.. Promise. Pinagalitan pa ako ni nanay kanina kasi ang ingay ingay ko daw mag hanap." Paliwanag ko, sabay takbo at hablot sa album na nasa kamay niya.

"Oo naiwan mo kanina, binuksan ko na pala. Nakaka loka ang lolo mo (Dexter) ha! Super sweet ng dedication kay Maureen. Ang haba ng hair ni bakla (Maureen)," sabi ng kuya ko habang naglalakad papunta ng table para tingnan ang ulam.

Tumingin si nanay sa akin habang binabasa ko yung dedication sa album. 

"Seryosohan na ba talaga si Dexter at Maureen?" Tanong ni nanay.

"Oo nay, walang halong showbiz. Mahal talaga ni Dexter si Maureen. Teenage days pa lang nila, inlababo (in love) na talaga siya kay Mau," sabi ko naman.

Love na love ni nanay si Maureen. Simula pa lang nung una niyang teleserye, o 'serye, kasama ang nag iisang Daryl Marquez, ang kanyang loveteam. 

Si tatay rin, nung nabubuhay pa siya, eh tuwang tuwa rin sa dalawa. Sabay lagi si nanay at tatay na nanunuod ng teleserye nila. Magkasama pa silang nanuod ng unang pelikula nung dalawa. 

Nakakamiss si tatay. 

"Alam mo, mas bagay sila ni Daryl," sabi naman ni nanay. "Pero mas mayaman na'tong si Dexter, kaya --- pwede na."

"Nay, hiyang hiya naman ako kay Daryl, FYI lang, mahal talaga ni Maureen si Dexter, hindi lang dahil sikat si Dexter, o mayaman siya."

Bilib din ako sa fans ng MauRyl, or Maureen and Daryl, kasama na ang nanay ko na 51 years old na --kasi kahit alam nila na friends lang yung dalawa, eh suportadong suportado pa rin nila.

Pero yung iba pasaway, binabash (inaaway) si Dexter. Aba yung mga 'yon, pinapatulan ko talaga sa Twitter at Facebook, at kung saan-saan pang social media sites at blogs. Nakikipag warlahan (away) talaga ako. Hindi ako pume-preno. Debate kung debate. 

At habang kumakain kaming tatlo, eh napag usapan namin yung trabaho ng kapatid ko sa isang sikat na call center. Nabanggit nga niya na may ka office-mate siya na fan din ni Dexter na nakabili na ng concert ticket.

"Paano siya nakabili eh bukas pa yung simula ng bentahan?" Tanong ko naman habang ngumunguya ng pagkain. 

"Alam mo bakla, may kapit 'tong ka office-mate ko. May kilala siya sa company na mag-propromote ng album ni Dexter dito sa Pilipinas. Good luck sa'yo bukas kung makakuha ka pa ng ticket," sabi naman ng kapatid ko.

Sa totoo lang, kinabahan ako nung nalaman ko na nakabili na ng ticket yung ka-opisina ni kuya.

Bihira lang kasi mag concert si Dexter dito sa Pilipinas -- lalo na ngayon, busy siya sa bago niyang album. 

Sa Amerika, lagari siya, pero dito, hindi masyado. 

Nung last concert niya dito sa Pilipinas nung February, sa "general admission" ako nakaupo kasi yun na lang ang may natirang slots na puwedeng bilhin. 

Okay lang naman kahit super layo ng upuan ko, ramdam na ramdam ko naman siya. At may malaking screen naman sa likod ng stage -- dun ko na lang tinitigan yung mukha nya.. yung dimples niya.. ahahay! 

Nakakaloka.

After namin kumain, eh nauna na ko sa taas, sa kwarto ko, habang si nanay naman eh pumunta na sa harapan ng telebisyon para panuorin yung pinagmamalaki niyang 'serye ni Maureen na saksakan ng ka dramahan, sampalan blues, mana-mana, patayan at kung anu-ano pang eksena na hindi naman makatotohanan..

Passport to Lurve (Love) [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя