"Yeah, kasama ko nga si daddy kanina." Ani Bobbie. "Medyo napagagod akong magpanggap..." he cleared his throat. "...sis."

Napangiti naman siya. "Kasi naman ikaw, sayang ang lahi! Ang gwapo gwapo mo, eh. Malay mo, may chance pa." Natatawang sabi niya. "Sige na. Mamili ka na. And don't forget to buy ice cream, ha? I love you, Bobbie!" Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Ibinaba niya na ang tawag at kinuha nalang ang lotion niya at umupo sa kama para maglagay sa katawan.

Wala pang kinse minutos ang nakakalipas nang marinig niya ang pagdoorbell sa pinto.

Inisip ni Zyline na si Bobbie na iyon. Baka naisipan nitong isama nalang siya sa pagbili sa supermarket para hindi ito mainip. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Not minding her appearance. Sanay na sanay si Bobbie na makita siyang nakaunderwear lang. Si Bobbie din naman kasi ang kasama niya sa mga photoshoots niya kapag wala siyang mahilang kasama niya.

Nakapaa lang siya na nagtungo sa pinto at binuksan ito.

"Ang tagal mo nam--" nanlaki ang mata niya nang hindi si Bobbie ang nabungaran niya.

"Hunter..."

Anong ginagawa nito dito? May usapan ba sila?

"Oh, shit!" Bigla niyang naalala ang text nito sakanya. Seryoso ba talaga ang binata sa alok nito?

"You looked prepared, Zyline." He eyed her from head to toe.

Tsaka naman narealize ni Zyline ang itsura niya. Hindi niya napigilang mapamura ulit. Bigla niyang isinara ang pinto at sumandal dito.

"What the hell!" Hindi niya napigilan mapasigaw. "Ang tanga mo, Zyline Cerise!" Nagmamadali siyang nagpunta sa loob ng kwarto niya at mabilis na nagbihis. Hindi sinasadyang sexy na damit ang nakuha niya pero hindi na siya namili. Agad siyang bumalik sa pinto at binuksan ito. Nakatayo pa din si Hunter doon.

Nakasuot ito ng itim na polo at nakangiti ito sakanya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Zyline sa binata.

"I should do surprise visits more often." He smirked at her. "I'm picking you up for our dinner." He shrugged. Napataas naman ang kilay niya nang bigla nalang pumasok ang binata sa loob ng unit niya.

"Sorry to say this, Mr. Dela Cruz, pero busy ako. Hindi ako sasama sa'yo." Ani Zyline na sumunod sa lalaki matapos isara ang pinto.

Umupo naman si Hunter sa couch na naroon at tumingin sakanya.

"I don't take no for answers, Zyline." Ngumiti ulit sakanya si Hunter. "Besides, wala naman akong intensyong masama."

Mas tumaas naman ang kilay niya. Ang hirap naman atang paniwalaan iyon. After saying he wants to fuck her, mahirap isiping walang intensyong masama si Hunter.

"Umalis ka na. Hindi ako sasama sa'yo." Pagtataboy ni Zyline sa binatang prenteng-prente ang pagkakaupo sa sofa niya.

"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama." Nagkibit balikat si Hunter at sumandal pa. Napailing nalang siya. Pumunta siya sa harap nito at tinitigan ang binata. "Umalis ka na." Aniya sa seryosong tinig.

Hindi siya pinansin ng binata kaya ganoon nalang ang inis na naramdaman niya.

"Come on, Hunter, umalis ka na nga!" Inis na sabi niya hinawakan niya ang kamay nito para hilahin patayo pero mas malakas si Hunter kaya naman ito ang humila sakanya.

Nawalan siya ng balanse kaya naman bumagsak siya sa kandungan ng binata. Naitukod ni Zyline ang kamay sa dibdib ni Hunter at halos gahibla nalang ang layo ng mukha nito at mukha niya.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now