Part III- Dani, right?

14 0 0
                                        

Sobrang bored po ako ngayon. Kaya nagsulat na ko ulit kahit walang nagbabasa :)) Parang tanga lang, parang sarili ko lang din kausap ko? :)) HAHAHAHA Anywaaaaay....

*********************** 

Araw na ng event. Halos busy lahat ng tao. Ang daming natataranta sa pagaayos para sa mga contest. Natatawa nga ko e. Ang sama ko no? Joke. Pero seryoso. Ewan ko kung bakit ako natatawa. Siguro kasi gaya nila, nataranta ako last term nung sumali kami ng mga friends ko sa isang cooking contest.

Ganito pala itsura ko nun. HAHAHAHAHAHA :)))))))

Anyway, excused ako sa class ngayon dahil nga dito sa event na to. Kailangan present kasi lahat ng members sa event na to. 

Sobrang bored na bored na ako. Hindi padin nags-start yung seafod contest.

"Uy, Dani! Bat ka tulala?"

Wew. Akala ko naman kung sino. yung bestfriend ko lang pala na si Selena.

"Uy buti dumating ka! Kanina pa ko super bored dito. Wala ko magawa hindi pa nga nags-start tong contest e. Ang tagal tagal." sabi ko sa kanya.

"Ay nako. Ganyan talaga yan, matagal. " Sabi nya habang lingon ng lingon sa kaliwa't kanan nya na para bang may hinahanap. So tinanong ko sya.

"Eh sino naman ang hinahanap mo? Bat ka nga pala nandito?"

"Si J loves." Sabi nya na parang normal lang. J loves? Oh god. Dont tell me si Chef J yun? Yung Chef namin sa isang cooking subject.

"Oh ano? Gulat ka no? Hay nako, expected ko na yan. Student-Teacher relationship... ayos ba? Parang pang TV lang no?" sabi pa nya.

"Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Kilala ko tong bestfriend ko. Alam ko na pareho kaming mabilis ma-fall sa isang guy.

"Oo seryoso ako. Nung una nga din parang ayaw ko maniwala sa sarili ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko sya maiwasan. Ang hirap pero wala na kong magagawa. Gusto ko na talaga sya e." Sagot nya sakin.

Kitang kita ko sa mga mata nya na seryoso sya. Sa totoo lang masaya ako para sa kanya. Ibig lang sabihin nun, nakapag move on na sya ex-crush nya na pa-fall.

"Well, you know I have nothing against that kind of relationship. If you like him that much, then go for it. But Im telling you right now, there'd be a lot of consequences... It's not gonna be easy."

"I know, Dans. And thank you. Actually, hindi ko nga to maamin amin sayo. Natatakot kasi ako na baka mag iba tingin mo sakin. Thank goodness, hindi padin nagbago. Looooove you, girl!" Sabi nya sakin at ni-hug nya ako.

Nakakatuwa lang. Ang sarap ng feeling kapag nago-open up sayo yung mga friends mo.

"Eh ikaw wala ka bang gusto ngayon?" tanong nya sakin.

"Ako? Ewan ko. Alam mo naman na ayaw ko na ulit magka-crush. Nahihirapan lang ako." Sabi ko sa kanya.

Totoo naman e. Nahihirapan talaga ako. Natatakot na din ako. Kasi sa tuwing nagkakagusto ako o nagmamahal ako tini-take advantage ako. I mean hindi naman to the point na sobrang lala na yung pag t-take advantage nila. I mean.... virgin pa ako. Haha. K.

"Tara washroom tayo. Parang nac-cr ako." Yaya ko sa kanya. Pero sa totoo lang din gusto ko muna lumabas labas dito sa Events Room. Sobrang boring talaga e.

So lumabas na nga kami.

"Girl. Wag mo pigilan nararamdaman mo. Hindi ba mas mahirap yun?" Sabi ni Selena sakin habang naglalakad kami papuntang Girl's Washroom.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When I Met Thunder (A 'HALF-TRUE' STORY)Where stories live. Discover now