"Let's go back home." Utos niya sa kanyang driver. Mabilis naman itong tumalima. Narinig pa niya ang pagtawag ng kanyang daddy ngunit hindi na siya nag-abalang bigyan ito ng pansin. Hinding-hindi na siya babalik sa lugar na iyon.

'Damn you Nick! You're going to pay for this.' Nagtangis ang kanyang mga bagang at pakiramdam niya ay nanginginig siya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang bouquet. Napakaganda pa naman sana niyon, it was a combination of different roses dyed as blue, violet, and orange.

She couldn't believe that her groom jilted her! Wala siyang ideya na kayang gawin iyon sa kanyang fiancé. Alam niyang nagmamahalan sila at imposibleng ngayon lang nito narealized na hindi pa ito handang matali sa kanya. He could have told her that he wasn't ready pero di ba ito pa nga ang nagpropose sa kanya? Tapos ngayon hindi ito magpapakita sa simbahan? Lalong bumangon ang galit sa kanyang dibdib habang malayang bumubuhos ang luha sa kayang mata.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili at sinikap na makapag-isip ng matino nang makapasok siya sa sariling kuwarto. Agad niyang hinubad ang kanyang wedding gown at pigil niya ang sariling magwala. Ilang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at pinahid niya ang luha sa kanyang mata.

Naisip niya ang mahigit anim na buwan na pinagsamahan nila ni Nick. Everything was okay and she never had a hint that Nick was a jerk!

'I'll file a case.' Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip. Hinding-hindi siya makakapayag na palampasin na lang ang nangyari. Labis na kahihiyan ang sinapit ng kanyang pamilya dahil sa kagagawan ng lalaking iyon. Sisiguraduhin niyang magbabayad si Nick sa ginawa nito sa kanya.

"Hija, open the door!" narinig niya ang boses ng kanyang ama mula sa kanyang pintuan. Sunod-sunod ang pagkatok nito.

Wala sa loob na pinagbuksan niya ito ng pinto. Agad siya nitong niyakap nang makita siya.

"We are so worried about you! Akala namin kung napano ka na." nag-aalalang saad nito. Tila naman naiiyak ang kanyang ina sa nakitang hitsura niya. Nagkalat ang mascara sa kanyang mukha dahil sa kakaiyak.

"I'll be fine dad." Yumakap siya sa ama.

"That bastard is going to pay for this! I'm going to kill that moron." Nagtangis ang bagang ng kanyang ama. Galit na galit ito. Alam niyang hindi ito nagbibiro dahil kilalang tao ang kanyang ama at marami itong impluwensya. Kayang-kaya nitong gantihan si Nick oras na sabihin lang niya.

"Killing him won't change the fact that he jilted me dad. I want him to pay in a way that he will suffer the pain that is much worse than I am feeling right now. Leave this to me dad, I can survive." Muling nanubig ang kanyang mata. Hindi pa rin siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Akala pa naman niya ay makukuha na niya ang kanyang happy ending.

"Nandito lang kami hija ng daddy mo." anang kanyang ina na hinaplos ang kanyang magulong buhok.

"Don't worry about me. I'm strong enough to get over with this. I am not the suicidal type and you know that." She cracked a joke but her parents were looking at her as if she was the most fragile thing in the world.

"That guy clearly had no intention of committing. I'm gonna kill him when I see that bastard." Galit na saad pa ng kanyang daddy. Panay ang pagkuyom nito ng kamao.

"Enrico, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" saway naman ng kanyang mommy.

"We shouldn't waste our time with that man. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito." Determinado siyang gantihan si Nick.

"Ako na ang bahala sa lalaking iyon hija." Hinagod ng kanyang ama ang kanyang likod.

"No dad, leave it to me. Just promise me you'll not meddle with this. It's my fight; I'm not a kid anymore and I can handle everything."

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now