One, Two, Three, Four

Magsimula sa umpisa
                                    

Itinigil nya ang kotse sa isang restaurant na madalas nilang kainan dati ni Margaux nung sila pa

"Bat dito?"

Hindi nya mapigilang matawa sa reaksyon ng dalaga.

"So you still remember this place huh?" Tristan smirk na nagpairap sa dalaga

"Ewan sayo. Gutom na ko"

Nauna na si Margaux sa loob ng Restaurant.

Sa kabilang banda naman ay ang masayang masayang si Zylex kasma si Steffany.
Nasa Viley Restaurant silang dalwa at nag uusap.
Madami narin silang napagkwentuhan.

"You should already tell Margaux our past" nagbibirong sabi ni Steffany

Ilang beses na itong pinag isipan ng binata at kelangan nga siguro na sabihin nya ito sa nobya nya, hahanap lang sya ng magandang tyempo. Ayaw nya kasi ng may inililihim dito

"Siguro nga. Ikaw? Alam na ba ni Tristan yung nararamdaman mo sa kanya?"
Natigilan si Steffany

"Yes. I already told him"

"Tss. Gago talaga" bulong ng binata. Gusto nya ng suntukin ang pagmumuka ng Tristan na yon dahil napaka Gago nito. Hindi nya pahalagahan ang Fiançe nya gayong mahal na mahal naman sya nito

Nagtaka si Zylex ng makita ang gulat na gulat na si Steffany habang nakatingin sa entrance ng Resto.

"S--Si Margaux"

Agad na napalingon si Zylex at napangiti. Lalapitan nya na sana ang dalaga pero natigilan din agad ng mapansin ang lalaking lumapit dito.

"Magkasama sila?" Sabi ni Steffany.

Tila nawasak na naman ang puso ng binata ng makita ang dalwa. Hindi niya maitatanggi na naiinggit sya at nagseselos. Akala kasi nya ay uuwi na si Margaux pero kakain pa pala sa labas ang dalwa.

Inakbayan ni Tristan si Margaux na nagpakuyom ng palad ni Zylex. Nangangati na ang mga palad ng binata na suntukin ang lalaking kasama ng kanyang nobya.

Tatayo na sana ito ng hawakan ni Steffany ang braso nya

"Wag kang padalos dalos. Kalma muna"

Huminga si Zylex ng malalim at tsaka umupo ulit. Inaantay nyang tanggalin ni Margaux ang kamay ni Tristan sa balikat nya pero hindi nito ginawa.

Naiinis si Zylex. Kitang kita ng dalwang mata nya ang panlolokong ginagawa ng girlfriend nya.

Akala pa mandin nya ay sya parin ang pipiliin nito sa kabila ng pagdating ng ex nya.

Hinila nya patayo si Steffany at hinawakan ang kamay nito.

Masama syang magalit at sa oras na to. Galit sya, galit na galit

"Zylex!"

"Shhh. Wala kang gagawin. You will just be with me pero wag mo kong pipigilan sa mga gagawin ko" mapanganib na sabi ni Zylex.

Nagulat naman si Steffany dahil ngayon nya lang nakitang magalit si Zylex. Sobrang naniningkit ang mga mata nito dahil sa galit.

Hinawakan ng mahigpit ni Zylex si Steffany at hinila palapit sa table nina Margaux

"Uy pare nandito pala kayo" Magaling umarte si Zylex. Sinadya nyang dumaan sa harap ng table nina Tristan para mapansin sila nito

"Oh kayo pala" ngumisi si Zylex.

Nagulat naman si Margaux ng makita si Zylex na kasama si Steffany.
Kumunot ang noo nya ng bumaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak.

Nasaktan si Margaux. Kung anong nararamdaman ni Zylex ay ganon din ang nararamdaman ni Margaux.

"Steffany! Bakit di nalang kayo sumabay samin kumain?" Ngumisi si Margaux.

Magaling sya sa ganitong bagay. Magaling sya sa pakikipaglaro.
Parang nag iba din tuloy ang tingin ni margaux kay Steffany. Umiinit ang dugo nito ngayon kay Steffany hindi katulad dati na halos yakapin na nya ito sa sobrang tuwa.

"Sure" si Zylex ang sumagot "Hindi mo naman sinabi Margaux na magkakilala pala kayo ni Tristan"

Tumaas ang kilay ni Margaux.

Ano bang pinapalabas nya?
Isip nito

"Oo matagal na" bored na sagot nito

Tumango lang si Zylex tsaka inalalayang maupo si Steffany. Mahigpit na nahawakan ni Margaux ang Tinidor habang pinagmamasdan ang akto ng dalwa.

Ganyan ang gusto mo ha?

"Tristan gusto mo ba ng ng Lasagna? I remember thats your favorite"

Si Zylex naman ang napatingin ngayon. Kitang kita nya ang kasweetan ni Margaux kay Tristan. Napakalapit ng agwat ng dalwa. Halos isang dangkal nalang ata. Mas nagdilim ang paningin nya ng mapansing nakapatong ang braso ni Tristan sa upuan ni Margaux. Ang labas tuloy ay parang nakaakbay ito

"Sige. Diba yun din ang favorite mo? Were perfect match"

Naiinggit si Zylex dahil mukang kilalang kilala nila ang isa. Samantalang hindi nya alam na paborito ni Margaux yon. Hindi nya nga rin alam na kumakain ito non. Paano nga ba? Wala pa naman silang isang buwan na magkarelasyon

"Are you okay Stef?" Umeksena si Zylex. Gusto nyang makitang protective si Margaux kaya pinagseselos nya ito pero mukang wala namang epekto ang mga pinag gagagawa nya.

Umirap lang si Margaux.

"Waiter" tawag ni Tristan.

"Dalwang order ng Lasagna, Italian spaghetti tapos Iced Tea nalang"

"Samin naman. Dalwang order ng White Spaghetti and Iced Tea" sabi ni Zylex.

"Kamusta ka naman Steffany? The last time we saw each other kakakilala nyo lang ni Zylex" lumalabas na naman ang kamalditahan ni Margaux.

Hindi alam ni Steffany ang sasabihin nya marahil alam nyang ginagamit lang sya ni Zylex

"Matagal na kaming magkakilala. She's my ex" Hindi na napigilan ni Zylex ang bibig nya.

Paano ba naman? Naiinis na talaga sya kay Margaux.

Nagulat silang lahat sa sinabi ni Zylex. Hindi din kasi ito alam ni Tristan.

Naisip tuloy ni Margaux na kaya siguro galit na galit si Zylex dati sa kanya ay dahil kay Steffany. Marahil minahal nya ng sobra si Stef at hindi nya ito makalimutan.

Matapos yon ay dumati na ang order nila.

Habang kumakain si Margaux ay nagtatagisan ng tingin sina Tristan at Zylex. Kulang nalang ay kumuha sila ng tigisang gulok at magtagaan na. Sobrng talim kasi ng tinginan ng dalwa. Na parang kahit hindi na sila magsalita ay nagkakamurahan na sila.

"Oy Tristan hindi ka ba kakain?" Ngumisi si Tristan kay Zylex ng marinig na nag aalala si Margaux.

Inaasar nya ito na dahilan naman ng pagsasalubong ng kilay ni Zylex.

~~~

A/n: Guys watch out for the story of Dominic. Completed na sya. It is entitles Kyle Dominic Xavier's Story

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon