Episode 54: New Plan

2 0 0
                                        

Tahimik ang gabi, ngunit hindi rin nagtagal bago ito guluhin ng mga sigaw at hampasan ng mga armas. Ang mga Moonchasers ay nasa isang madilim na eskinita, pilit na lumalaban sa mga aswang na sumalakay. Sa bawat pagbagsak ng isa, may kapalit na mas mabangis na lumalapit.

“Protektahan ninyo ang mga sibilyan! Huwag silang makalapit!” sigaw ni Prof. T, habang hawak ang kanyang armas na may espesyal na bala para sa mga bampira.

Nagkakagulo na, at kahit na buo ang loob ng mga Moonchasers, tila ba mas marami at mas mabangis ang kalaban kaysa dati.

Biglang may liwanag na dumaan—isang babae, nakasuot ng puting damit, at tila may kakaibang kapangyarihan. Ang kanyang kamay ay kumikislap ng malamlam na liwanag na agad nagpahina sa mga bampira.

“Anong… sino siya?” bulong ng isang Moonchaser, halos hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Ang mga bampira ay biglang umatras, tila natatakot sa presensiya ng babae.

“Lumayo kayo sa kanila!” sigaw ng babae. Ang kanyang tinig ay malamig ngunit may halong awa.

Sa isang iglap, umatras ang mga kalaban, at ang ilan ay tuluyang naglaho sa dilim. Naiwan ang mga Moonchasers, naguguluhan ngunit ligtas.

“Salamat…” usal ni Prof. T habang nakatingin sa babae. Ngunit bago pa siya makalapit, bigla itong nawala, para bang usok na naglaho sa hangin.

Samantala, sa kanyang trono, nakaupo si Sandrino, nakikinig sa ulat ng kanyang mga alagad. Ang kanyang mga mata ay mapupula, ngunit may bakas ng inis.

“Isang babae sa puti?” ulit ni Sandrino, halos mangisi. “Nakakatawa. May isa pa palang nagtatangkang sumira sa akin.”

“Panginoon, hindi namin siya kilala,” sagot ng kanyang tagapagsalita. “Ngunit tila may kakaibang kapangyarihan siya. Hindi siya ordinaryong tao.”

Sandrino tumayo, naglakad papalapit sa kanyang mga alagad. “Kung gano’n, kailangan ko ng mas malakas na katuwang. Isa na hindi lang basta utusan, kundi tunay na kanang kamay.”

Lumapit siya sa isang nilalang sa dilim—isang bampirang matagal nang nagtatago, kilala sa kanyang kalupitan at katalinuhan.

“Simula ngayon,” sabi ni Sandrino, “ikaw ang aking bagong kanang kamay. Tayo ang magpapabagsak sa sinumang haharang sa atin.”

Ngumisi ang nilalang, at yumuko bilang tanda ng pagsunod.

Balik sa hideout ng Moonchasers, lahat ay pinag-uusapan ang misteryosang babaeng tumulong sa kanila.

“Hindi ko pa rin matanggap,” sabi ni Tristan, halatang mainit ang ulo. “Kung bampira rin siya, paano natin masisigurong hindi siya kalaban? Baka isa lang itong patibong.”

“Ngunit nakita mo mismo,” sagot ni Prof. T. “Niligtas niya tayo. Hindi lahat ng bampira ay masama.”

Mariing umiling si Tristan. “Walang mabuting bampira. Huwag ninyo akong piliting maniwala.”

Ngunit habang nagsasalita si Prof. T, isang rebelasyon ang lumabas. Isiniwalat niya na siya mismo ay… isang bampira.

Natigilan si Tristan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

“Anong sinabi mo?” tanong niya, nanginginig ang tinig. “Ikaw? Isang bampira? At ikaw ang pinuno ng Moonchasers? Ipinaglalaban ko ang buhay ng mga tao—at ikaw pala mismo ang nilalabanan ko!”

Tahimik ang lahat. Ramdam nila ang bigat ng sitwasyon.

Naglakad palabas si Tristan, halatang hindi matanggap ang katotohanan.

LA LUNA SANGRE (The Blood Moon) Where stories live. Discover now