Pagharap ko kila Roland, para naman siyang gulat na namamangha.

I rolled my eyes at him, "I guess I need to get out of here. You guys have to talk. And please Kylie, walk your cousin out the door after, I don't like strange man inside my house." Sabi ko sakanila saka ako sumunod sa mga anak ko. Iniwas ko yung tingin ko when I saw the hurt in Roland's eyes. I heard Kylie asked him to follow her at the library.

I didn't mind, kesa naman marinig ng mga anak ko kung mag sisigawan sila.

Pagdating ko sa dining area behave naman silang kumakain, andun na din ang mga yaya nila.

So I sat in the middle and started to fill my plate with food.

"Pau, Pia, after you ate bring the kids outside and play, the sun shines beautifully today. I have a lot of work to do in the office."

Tumango naman sila.

Yes, even though I have all these fortune in life- being chef, and owner of a resort villa and a restaurant, I am still working. Working really hard to have the stability.

Hindi porke nakamit mo na, magpapasarap ka na. Kailangan ko pa rin kumayod para sa future ng mga anak ko.

Life is going to get hard sometimes. Get the fck up and get your sht together. You're either an ocean or a puddle. Don't be a puddle. People walk through puddles like they're nothing. Oceans fcking destroy cities.And I know that's what I become.

Para sa'kin successful na ko, narating ko na at nakamit ko na yung mga bagay na sinabi nila noon sa'kin na hindi ko mararating.

Tandang-tanda ko pa yung masasakit na salitang binitawan sa'kin ng sarili kong ama at ng asawa niyang mangkukulam kasama na rin ang mga anak nila.

I was 7 months pregnant that time at naisipan kong maglakad-lakad sa Burnham Park.

Dahil triplets nga ang nasa tyan ko, para na kong balyena sa taba. Ang laki-laki na ng tyan ko, ang laki-laki ko pa kaya halos hindi ako nakilala noon nila Barbara.

May business meeting daw si Theodore, ang magaling kong ama. Naisip nilang mamasyal pagkatapos nun sakto naman na nakita nila ako sa Burnham Park. Sobrang daming panlalait ang natanggap ko noon. Sanay naman ako na hindi pinagtatanggol ng sarili kong tatay pero that day, I will never forget that day na nakisali siya sa pang-bubully sa'kin ng mga anak at asawa niya

"Oh my God! Kaya pala bigla kang nawala sa school! Dito ka pala nagtatago." Nakangising sabi ni Margarette.

"So who was the fcker?" Mariella asked smirking too.

Magsasalita palang sana ko nangbigla namang nagsalita si Barbara, "Ipupusta ko mga daliri ko, walang ama yang anak mo noh?" Sabi niya na may mala-demonyang ngiti sa labi.

Dun ako medyo naluha sa sinabi niya dahil tama naman siya eh. Walang ama ang mga anak ko.

Nakangiti siyang lumingon kay Theodore, umiwas naman ito ng tingin. Muling humarap sa'kin si Barbara at umiling. "I knew it, like mother like daughter. Sabi ko naman sa'yo diba? Mana ka talaga sa nanay mo."

I just stood there and kept my mouth shut, ano bang laban ko? Eh talunan na nga ako. Kasalanan ko bang minalas ako sa lalaking minahal ko dahil iniwan nalang ako?

Kasalanan ko bang walang ama ang mga anak ko? Ginusto ko ba 'tong mangyare sa'kin?

Hindi!

Pero hindi ko na kailangan yun sabihin pa sakanila kasi alam ko naman na kukutyain lang nila ako lalo. Kahit kailan naman hindi nila ko itinuring na kapamilya.

Reckless حيث تعيش القصص. اكتشف الآن