•1•

18.3K 289 9
                                    


Veronica's POV

Sariwa pa saakin ang lahat, Ibinenta ako ng aking sariling kapatid sa isang organisasyon na sikat sa mga kilalang business man. Ang organisasyon na ito ay nagbebenta ng mga kababaihan. At sa kasamaang palad Isa na ako doon sa mga babaeng ibinebenta nila

Paano ko ito nalaman? Dahil sa dalawang babae na aking naging kaibigan. Sila ang nagbigay saakin ng impormasyon tungkol sa organisasyon na ito. At nasabi din nila ang dahilan kung bakit sila nandito

Si Leila De Guzman, napunta siya sa organisasyon na ito dahil kailangan niyang hanapin ang ang pumatay sa kanyang lalaking kapatid, iniwan niya ang kanyang nobyo at ang kanyang pamilya para lang mahanap ang salarin. Si leila ay isang napakatahimik na babae, hindi mo alam at hindi mo malalaman ang tumatakbo sa kanyang isipan kung hindi mo siya tatanungin. Pero ma-aasahan mo siya sa lahat ng bagay. Kaya niyang protektahan ang kanyang sarili

Si Abigail Santos naman ay isang happy go lucky na tao. Hindi sila ganun kayaman, kaya naman katulad ko ibinenta din siya dito sa organisasyon na ito. Bibo siyang tao at talagang sasaya ka kapag kasama mo siya. Hindi niya sinisisi ang kanyang mga magulang. Masaya pa nga daw siya dahil napunta siya dito, gusto niya raw malaman kung ano ang mga nangyayari sa mga ganitong lugar, hindi naman daw siya natatakot dahil nandiyan naman daw si leila para ipagtangol siya.

At ako naman si Veronica Aim Rodriguez, may kaya kami sa buhay. May mga business din kami nung nabubuhay pa ang aking mga magulang, pero nung nawala sila si kuya ang nagpatakbo ng aming mga business pero sa di inaasahang pangyayari, nalugi ang mga mana na ibinigay saamin ng aming mama at papa. Ang mga natitirang mga pera namin ay ginastos ng aking kuya, ginamit niya ito sa pang-sugal at nawala na ng parang bula ang aming mga yaman. At ako ang naisip na solusyon ng aking kuya kaya ako nandito ngayon.

Kaming tatlo ang huling ipapakita sa mga tao, may nakaharang na malaking itim na kurtina sa harap namin nila leila. At natatakot na ako sa mangyayari mamaya, natatakot ako na baka maibenta ako sa isang gurang at manyakis na businessman, hindi ko maitanong kung ayos lang ba o kung ano man ang nararamdan nila leila ngayon dahil nilagyan nila kami ng panyo sa aming mga bibig at itinali rin nila ang aming mga kamay, habang ang mga paa namin ay nakakagalaw ng maayos dahil hindi nga nila ito binigyan ng kahit anong tali

"Gentlemen are you ready to witness these beautiful creatures in front of you? Are you ready for their price? Are you ready to lose or Are you ready to buy them?! Do you want to see the mystery behind this black curtain? Well see for yourself! Why don't you give them a round of applause?"

Pagkasabi na pagkasabi ng salitang "applause" biglang bumagsak ang malaking kurtina na nakaharang saamin at maririnig mo ang mga palakpak ng kanilang mga kamay. Ang iingay hindi ako sanay sa ganitong ingay. Nagsimula na akong matakot at kabahan. Hindi ako nakakasigurado sa aking kapalaran.

Ang usok na nang-gagaling sa mga sigarilyo at ang mga bote ng alak ang makikita dito. Halos matatandang manyakis na businessman ang makikita dito! Nakakadiri! Nilibot ko ang aking paningin at may naka agaw ng aking pansin. Isang lamesa na puno ng makikisig at matipunong lalaki. Halatang mayaman at halatang alaga ang kanilang mga katawan dahil sa kanilang mga suot.

"Lady in Blue, Ms. Abigail Santos. Virgin and has a nice personality."

"3 million" sabi ng isnag lalaki na parang 30 taong gulang pa lamang.

" 9 million" sabi ng isang matandang nasa 60's na.

Tinignan ko ang reaksyon ni abi at halata sa kanyang mukha ang pagka suklam sa matandang iyon.

"15 million" sabi ng isang lalaki na nasa lamesa na itinutukoy ko kanina. Mukha siyang batang lalaki ngunit ang kayang katawan ay parang kabaliktaran ng kayang mukha.

" going once going twice! Okay lady in blue is sold to Mr. ---"

---
A/N:
Okay! Cliff Hanger ako hahaha! Sinadya ko po talagang huwag banggitin ang pangalan ng lalaking nakabili kay abigail santos a.k.a "Lady In Blue" HAHAHA. Matagal ko na pong gustong gawin and ipublish itong story na ito kaya lang po hindi ko magawa dahil natatakot ako na baka wala pong magbasa nito. Well goodluck na lang sa story kong ito and have fun waiting for the next chapter! Don't forget to vomment please :) I really like to read comment and read your opinions :)

Kita kits sa next chapter! Toodles •,•

The Baddest BidderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon