Tinatrash talk ko pa sya dati kay mommy tas ngayon ipapakilala ko na sya. Nothing really changed to be honest. I still ran to her.

"Are you sure?" nag-aalala nyang tanong. I nodded my head.

"Wala akong dala para sa kanya," he nervously tapped my hand when we enter my car.

"No need." I said at binaybay na ang daan papuntang sementeryo.

I enjoyed seeing Knox this anxious about meeting my mom. The majority of the people in our town don't know that my mom died many years ago. Ang alam lang nila ay umalis sya. When she died there's no such lavish funeral to honor her death. It was pure silence.

"Kinakabahan ako, san ba tayo pupunta?" si Knox ng mapansin na nagiging pamilyar na ang daan.

I grabbed his hand with my other hand and brought it to my lips. "Malapit na tayo baby, may bibilhin muna tayo para sa kanya," I smiled at him. Unti-unting nawawala ang kunot sa noo nya.

"Then let me pay for it," he said kaya tumango nalang ako.

Tumigil kami sa isang flower shop na malapit sa sementeryo. Pagbaba namin agad akong kinahawakan sa balikat ni Knox. Malumanay lang akong ngumiti sa kanya kaya binitawan nya ang balikat ko.

"You gotta be kidding me..." I heard him murmur.

Pumasok na ako sa flower shop, at agad naman akong nakilala ng may ari. Knox trailed from behind, eyeing me suspiciously.

"Anak, dadalaw ka ulit sa mommy?" Aling Glenda beamed kaya tumango ako.

Umikot sya palabas sa counter at niyakap ako kaya niyakap ko din sya pabalik.

"Kamusta na po?" I asked her.

Araw-araw akong bumili ng bulaklak dito noon kaya nakilala nya ako. I'm her loyal customer ika nga nila.

"Ito, buhay pa rin. Nako naman ang tagal mong hindi nakadalaw dito ah, kamusta ka na?" Maligaya nyang saad.

"Ok lang naman po, nabusy po ako sa school." I replied politely.

I used to go here with tear stained eyes and she always cheers me up with her antics kaya gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing napapadaan ako dito.

Napatingin sya sa likuran ko kaya binitawan nya ako para puntahan si Knox.

"Kay gwapong bata naman to," puri nya. Pinasadahan nya ng tingin si Knox. "Ang ganda ng mata mo nak, para talaga siyang lupa, tas yung Austine parang abo. Ang popogi nyo parehas."

Ngumiti ako bilang pagsang-ayon. I know right.

"Kaibigan mo?" she asked.

"Hello po, I'm Knox," pakilala ni Knox at nakipag kamay.

"Boyfriend ko." I proudly uttered. Mukhang nagulat din si Knox dahil sa sinabi ko.

"Boyfriend?!!" gulat na singhal ni aling Glenda.

" Uhuh, boyfriend."

Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa kaya halos matawa ako. Knox, walked beside me and pinched my side.

"Baby, ow! masakit ha."

"You can't just blurt it out, baka atakihin dahil sa sobrang gulat," sermon nya saakin kaya napanguso ako.

"Sorry," I purse my lips. His eyes landed on my lips kaya wala sa sarili kong binasa ang labi ko kaya napaiwas sya ng tingin.

I smirked. Mamaya ka sakin.

"Sayang naman," biglang saad ni Aling Glenda. Bakas sa mukha ang panghihinayang, habang ang kamay ay nasa dibdin nya.

Napatawa ako. "Hula ko, irereto mo nanaman ako sa apo nh kaybigan mo? Please tell her that I already got a boyfriend, seloso pa naman to Aling Glenda," Hinapit ko ang beywang ni Knox at hinila sya papalapit sa akin.

Not My Type, Not Yet. Where stories live. Discover now