Chapter 4

4.9K 132 42
                                        

"Must wear complete uniform, must adhere to blablabla whatever," I closed the handbook and threw it in my bed.

I faced the mirror and brushed my hair up, nakauniform naako but then I read what's in that handbook. I grinned, I took off my blazer and polo and changed into a simple white sando and a black leather jacket.

"Pogi ko talaga," I praised myself.

If god does exist it would be me. I licked my lips; I grabbed my favorite wristwatch. It was a Rolex oyster Perpetual gifted by my grandfather. I put on some cologne and checked myself one last time in the mirror, I grabbed my bag at isinukbit iyon sa balikat ko before going out.

It's 6 in the morning, maaga talaga akong nagising because I can't wait to pester our dear school president. Speaking of, nadatnan ko syang nagluluto sa mini kitchen nitong dorm. A small smirk tugged the corner of my lips as I leaned against the kitchen wall.

Neat as always, clean hairstyle, clean clothes, and presentable aura...unlike me. Naglakad ako sa likod nya, this guy is also tall and well-built but I'm way taller and broader. Nang medjo nakalapit ako sakanya, my nostril flickers because I picked up some of his scent.

Anong klaseng amoy yun? I cock my head; that's not the issue here.

"Mornin'" I greeted but he just nodded and continued what he was doing. "Watcha doin'?"

I laugh mentally, tanga malamang nagluluto sya.

"Naglalaba,"

Napahalakhak ako dahil sa naging sagot nya. "Anong flavor ng sabon mo?"

"I don't know, tikman mo nalang, nandon sa cr." Muli akong napahalakhak dahil sa sagot nya, tangina, hindi naman ako na inform na joker pala ang isang to.

Hinayaan ko syang magluto, pinagtuonan ko ng pansin ang mga condements na ginagamit nya. Tumabi ako sakanya, akmang kukunin nya na sana ang lagayan ng asin nang kunin ko iyon at nilayo sakanya.

He boredly looked at me kaya tinaasan ko sya ng kilay habang nakangisi. Bumaba ang tingin sya sa suot ko.

"I'm pretty sure I did give you the student handbook," aniya at inabot ang asin.

Napangisi ako, nice napansin nya Mastress ka nga sakin.

Nagkibit balikat ako, "Require palang basahin yun? akala ko kasi display lang."

"It's common knowledge that you must wear your school uniform, unless you even lack that common knowledge."

Napatahimik ako, barado ah. I clear my throat, "Then Pardon my impudence as I'm a role breaker and I don't know about that," I retaliate, trying to sound smug and all.

"Make sense."

Napanguso ako, mukhang ako pa ata ang mapipikon dito ah. Para man lang makabawi hinablot ko ang spatula na hawak nya at nilagay sa loob ng cupboard. I know it sounded petty and childish but who cares?

Naupo nalang ako sa lamesa at pinagmasdan syang magluto, he moved swiftly na para bang sanay na sanay na sya sakanyang ginagawa. Pumasok ang amoy ng bacon sa ilong ko kaya napalunok ako.

Nang matapos na syang magluto agad akong tumayo at pumunta sa harap nya, "Yung akin?" I shamelessly asked.

He looked at me straight kaya nginitian ko sya.

"You are not my obligation, magluto ka ng sayo," aniya at nilagpasan ako.

Nabura naman ang ngiti sa labi ko at napalitan nang simangot, pambihira.

I stormed off at hinayaan nalang sya don. Sabi ko sya ang pipikonin ko hindi yung ako yung mapipikon, kay gandang umaga.

"Kaya pala pangit ang langit dahil pangit din tong nasa tabi ko," Si Rayne.

Not My Type, Not Yet. Where stories live. Discover now