CHAPTER 67 : THREE CHOICES

ابدأ من البداية
                                    

Hindi na lang ako sumagot dahil paniguradong hahaba lang ang usapan. Hindi 'yon maiintindihan ni Shai. I know she's on Rhea's side. Ayos lang sa akin. Naiintindihan ko. Nakita niya kung paano kami nagsimula ni Rhea sa relasyong 'to at siguro ay masakit para sa kanya ang ginagawa ko.

But I have to risk something. Ang sarili ko o si Rhea? That's an easy question. Of course, I would risk myself. Hindi ko isusugal ang lagay ni Rhea sa New Zealand dahil lang sa pagkakaaksidente ko. Besides, I'm okay now. Hinihintay ko na lang ang paggaling ng balikat ko. Pagdating ni Rhea rito sa Pilipinas, ako mismo ang aamin at hihingi ng tawad.

"Leave everything to me, Shai. Gusot ko 'to, sa'kin 'to nagsimula kaya nakikiusap ako sayong huwag mo na pakialaman. Aayusin ko rin 'to. Ako na ang bahala."

Napatulala siya sa akin sa loob ng ilang segundo. "Hindi mo ba alam kung anong mawawala sa'yo pag pinagpatuloy mo 'to? Ren, hindi 'to maganda. Hindi ko matanggap na kay mo magsinungaling kay Rhea. Hindi ko matanggap na kaya mo 'tong gawin sa kanya. She's giving her best, Ren. Ba't hindi na lang din gano'n ang gawin mo?"

Ako naman ang natigilan. Am I not giving my best? Hindi pa ba ito 'yon? Nahihirapan din ako sa set up na ganito. Ilang beses kong diniin na ayoko ng long distance pero do'n pa rin kami napunta. Nagtitiis ako. Naghihintay. Pilit na gumagawa ng paraan para magkita pa rin kami kahit ilang milya ang distansya. Hindi ba ito yung best ko?

Siguro nga ay hindi pa. May ibubuga pa ako. May mas kaya pa akong gawin para kay Rhea and keeping it as my last choice. Hindi ko dapat 'yon sayangin sa ganitong pagkakataon. Kayang-kaya ko 'tong ayusin basta't walang makikialam.

"Ren, tell her." Hindi nakikiusap si Shai kundi nag-uutos. Napapikit ako at bumuntong hininga.

"I will. Pagtapos ng exams niya. Uuwi siya ngayong summer rito. Ako ang magsasabi."

Napailing siya. "No. Ngayon na. I'm saving you both for further damage. Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang nagsisinungaling? Mawawalan siya ng tiwala sayo. She would doubt you for sure. Hindi mo ba naiisip 'yon?"

Hindi ako nagsalita. Maraming tumatakbo sa isip ko at tiyak na mag-aaway lang kami ni Shai pag sinabi ko 'yon. Of course, I know all the possibilities. Ang hinihilingin ko na lang, sana ay maintindihan ni Rhea ang rason ko. Rhea became mature. Umaasd akong tatanggapin niya ang paliwanag ko kung sakaling mag-away kami tungkol ro'n.

"Leave it that way, Shai. Let me handle this."

Akmang tatalikod na ako nang magsalita siyang muli.

"What about the other girl? Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina? Are you hiding something about her?"

Muli akong napalingon kay Shai. This time, hindi ko na naitago ang iritasyon ko.

"Kung ano man ang iniisip mo tungkol sa akin at kay Georgia, kalimutan mo na. Wala kaming ginagawang masama. And please, huwag mo siyang idawit rito dahil labas siya sa pagsisinungaling ko kay Rhea."

Kung alam lang ni Shai na magkaparehas sila ng opinyon ni Georgia ay hindi niya maiisip ang mga naiisip niya ngayon. Unfortunately, she doesn't know George. Hindi niya alam ang lahat. Pati ba 'yon ay kailangan kong ipaliwanag?

"Paano ko gagawin 'yan kung nakikita ko si Rhea sa kanya?" Natilihan ako. "Paano, Ren? Akala mo ba hindi ko mapapansin? Hindi sila magkamukha pero yung kilos at ayos ng babaeng 'yon ay parang yung dating Rhea na kilala natin. Umamin ka sa'kin. Do you miss Rhea so much that you find someone to replicate her while she's away?"

Ang tanong niyang 'yon ang nagpagulo sa sistema ko. Gano'n ba ang iniisip niya? Gano'n ba ang ginagawa ko?

Natahimik ako nang tuluyan. Hindi ko na nagawang sagutin pabalik si Shai dahil natuliro ako.

Stuck At The 9th Stepحيث تعيش القصص. اكتشف الآن