Kapitulo 1

5K 106 4
                                    

ULITIN NATIN ANG KAHAPON
written by: Lorna Tulisana

Kapitulo I

"FRANCO..."

Napatigil ang binata sa paghakbang at nilingon ang kasama na nahahawakan sa kamay, dama niya ang panlalamig at panginginig nito.

"Natatakot ako!"

"Wala kang dapat na ikatakot, kasama mo ako."

"Paano kung mala-"

"Ssshhh!" Agad na iniharang ni Franco ang isang daliri sa labi ng nobya na pumutol sa iba pa nitong sasabihin. "Kailangan mong magtiwala sa akin, Angela."

Bahagyang kumalma ang pangambang nararamdaman ng dalaga. Tipid itong ngumiti at masuyong pinisil ang kamay ng nobyo. "Malaki ang tiwala ko sa'yo, Franco."

Ipinagpatuloy ng magkasintahan ang paglalakad hanggang marating nila ang isang maliit at tagong motel sa kahabaan ng Pasay. At matapos maikubli ni Angela ang sarili sa balabal na nasa ulo ay agad na silang pumasok sa loob.

"Good evening, short time po?" salubong ng isa sa tatlong receptionist.

Tumango lang si Franco. Hindi niya pinangangambahan ang edad dahil malaking bulas naman siya habang ang nobya niya ay matangkad. Pareho lang sila nitong dise-otso, pero hindi ito naging hadlang upang sila ay magmahalan kahit patago lamang.

Anak ng isang kilala at maimpluwensiyang politiko si Angela. Nag-iisang supling ito kaya mahigpit ang mga magulang nito. Pero, pagdating sa usaping pag-ibig, maraming paraan para masunod ang itinitibok ng puso.

Transferee ang dalaga sa pinapasukang unibersidad ni Franco kung saan ay kilala ang binata bilang varsity player at full-time scholar. Ito ang mga katangiang unang nagustuhan ni Angela kaya nang manligaw at magtapat sa kanya ng pagmamahal ang binata, hindi na siya nagdalawang-isip pa.

Sa loob ng mahigit tatlong taon, naging lihim ang kanilang relasyon. Patago man ang pagkikita nila, ngunit hindi ito naging dahilan upang lalo nilang mahalin ang isa't isa.

"Ano pong pangalan?"

"Mr. and Mrs. Liemberto!"

"Mag-asawa po kayo?"

"Bakit? Kailangan pa ba dito ng Marriage Contract?"

"Hindi naman po, Sir."

"Good."

Matapos mabayaran ang nabanggit na halaga at makuha ang susi ay tinahak na ng dalawa ang makipot na pasilyo kung saan ay nakahilera ang mga dikit-dikit na silid. Malamlan man ang liwanag na tumatanglaw sa paligid ay hindi nito naitago ang pamumutla ng mukha ni Angela na tila ba gusto nang bumigay ang mga nangangatal na tuhod. Taliwas naman ang nararamdaman ng binata na kampante at buo ang loob.

"Franco, tama ba talaga itong gagawin natin?" bungad na tanong ng dalaga nang makapasok sila ng silid at maisara ang pinto.

Hinarap ng binata ang nobya. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso na bahagya pang pinisil, "Walang mali sa gagawin natin. Nagmamahalan naman tayo, 'di ba?"

Marahan lang tumango si Angela.

"Mahal na mahal kita. I'm sorry kung ito lang ang naisip kong paraan para hindi ka na mawala sa akin."

"Hinding-hindi ako mawawala sa'yo, Franco. Alam mo kung gaano kita kamahal!"

Masuyong hinaplos ng binata ang pisngi ng kaharap. Pareho lang sila nitong walang kaalaman pagdating sa pagtatalik, pero lahat naman ay dumadaan sa pagiging baguhan.

Pumikit na lamang si Angela nang siilin siya ng halik ng nobyo hanggang ihiga sa malambot na kama. Hindi na rin ito tumutol pa nang isa-isahin nito ang pagtatanggal ng kanyang saplot. She started to like the sensation lalo na nang magsimulang maglakbay ang mga kamay ng nobyo sa kanyang katawan.

Kalilimutan muna niya ang lahat at bibigyang laya ang sarili na namnamin ang kaligayahan natagpuan lamang niya kay Franco. Handa na siya. Handa na siyang isuko ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay.

----

"SAAN KA GALING?"

Napahinto sa paanan ng hagdanan si Angela. Huminga muna ito ng malalim bago lumingon.

"Anong oras na?"

"Dad..."

"ANONG ORAS NA?" pasigaw na pag-uulit ni Roberto.

Hindi na nagawang sulyapan ng dalaga ang suot na relo nang marahas siyang hablutin ng ama sa braso. "Dad," napangiwi ito nang maramdaman ang pagbaon ng kuko ng ama.

"Roberto, ano ka ba?"

"Huwag kang makikialam dito, Imelda!" pagsaway nito sa kabiyak. "Oras pa ba ito ng pag-uwi ng isang matinong babae, ha?"

"Dad, may ginawa lang kaming research project ng mga kaklase ko."

Binitiwan ni Roberto ang anak at pinakalma ang tinig, "Sinong professor naman ang nagbigay sainyo ng RESEARCH PROJECT?" diniinan nito ang huling kataga.

Pakiramdam ni Angela ay bumaba lahat ng dugo niya sa paa at hiniling na sana ay lumubog na lamang ito sa kinatatayuan.

"Tinatanong kita, Angela."

"K-kay Mrs. Antonio po," halos hindi nito mailabas sa bibig ang tinahing kasinungalingan. Sana lang ay makiayon sa kanya ang pagkakataon. Sana.

"Uhm, Mrs. Antonio?" Dinukot nito sa bulsa ng pantalon ang cellphone at nagtipa ng mga numero dito.

Ini-ekis ni Angela sa likuran ang dalawang daliri kasabay ng pag-usal ng dasal.

"Hello, Matilda!" magiliw na pagbati ni Roberto sa sumagot sa kabilang linya. "Governor Melendez," pagpapakilala nito. "My honor is mine!" Nakipagpalitan muna ito ng salita sa kausap bago binuksan ang dahilan ng pagtawag. "Gusto ko lang sanang itanong kung may research project ka bang ibinigay sa klase mo? Well, alam mo na. Pagdating sa pag-aaral ng anak ko, hands-on ako!"

Napaatras ang dalaga nang mapansin nito ang pagbaba ng isang kamay ng ama sa suot na sinturon habang nakikipagtawanan sa kausap.

"I know from the very start that you will be a good mentor to my beloved daughter. Thank you so much. Bye!"

Kasabay ng pagbaba sa telepono ni Roberto ang pagtakbo ni Angela paakyat sa hagdanan, ngunit nakakailang baytang pa lamang ito nang maramdaman nito ang paglatay ng sinturon sa likuran.


ULITIN NATIN ANG KAHAPON(Book 1: Rancho de Apollo)written by: Lorna TulisanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon